ZTUP S1 - C H A P T E R : 8

Zacznij od początku
                                    

"H-hindi a-ako t-tao." Hindi ko na mapigilan pang maiyak dahil sa aking natuklasan sa katawang ito at alam kung sigurado na talaga ako.

Pero matapos ko sabihin ang katagang iyon ay biglang napatigil sa pag iyak si Radya habang si Navah naman ay nakakunot noong nakatingin sa akin.

Biglang humiwalay si Radya sa akin na nakakunot narin ang kanyang noo kahit may sipon sa kanyang ilong at kahit gusto ko rin i-kunot ang aking noo para hindi ako mapag iwanan ng dalawang nilalang ay hindi ko magawa dahil natatakot parin ako.

"Ano ang ibig mong sabihin na hindi ka tao, Mahal na Prinsesa Xhandria?" Mas lalo akong iyak dahil sa tanong ni Radya na mas lalong nagpagulo sa magulo nilang mukha.

"Hindi ako tao dahil isa akong Ice cream. Huhuhuhu"

Napagtanto kong hindi ito katawan ng isang Prinsesa kundi isa itong ice cream dahil bigla-bigla nalang umuusok.

Huhuhuhu.. ang saklap naman ang pangalawang buhay ko. Kaya pala mahina itong katawang ito dahil nalulusaw pala.

"Ass krem? Ano po iyon mahal na Prinsesa?"

Napataas ang kilay ko kahit umiiyak dahil sa tanong ni Radya at sa tunog nito na parang pwet na may krema.

Ass cream? Kailan pa yun nakakain?

"Ice cream, aiyss kreeymm hindi ass krem at Sorbetes yun hindi puwet!!! Sa ganda kong ito ihahambing mo ako sa pwet?" Yung iyak ko kanina ay biglang natigil at napalitan ng gigil at inis kay Radya dahil sa lumalabas sa kanyang bibig.

Si Radya naman ay tila lumipad yata sa ibang dimensyon ang isip dahil tulala lang.

Bigla tumahimik ang paligid at umabot ng limang minuto at hindi ko alam kung bakit sila tumahimik at tila ng iisip sa hindi ko alam kung ano.

Ako naman ay sinusuri ang katawang pag mamay-ari kona kung anong parte nito ang unang malusaw.

Humihina narin ang usok na lumalabas mula rito at pakiramdam ko ay bumalik ulit ang lakas ko pero ang gutom ay narito parin.

"Ano po pala iyon? Mahal na Prinsesa?"

Napakunot noo ako sa magkasabay na tanong nong dalawang nilalang sa akin at kita ko sa kanilang mga mata ang kuryusidad sa di alam kung para saan.

"Ang ano?"

Nabagok ba ang ulo ng dalawang ito habang tulala at bigla bigla nalang nag tatanong ng kung ano?

"Yung as-ahhmm aiys krim?"

Walangjoooo!!! Sa tagal nilang mag isip yun lang pala ang lalabas sa bibig nila?

Pero bigla ako kinabahan dahil baka nalusaw na ako ng tuluyan pero ng tignan ko ang katawan ko ay buo pa naman at kasabay nun ang malakas na tunog sa aking tiyan dahil sa gutom.

Mamaya ko na siguro iisipin ang pagiging ice cream ko at kakain muna ako.

"Ice cream isang uri ng masarap na pagkain tulad ko na masarap din kainin."

Sabi ko sabay ikot ng aking mga mata sa kanila na ikinabuntong hininga nila ng sabay.

Napakunot noo ako ng nagsimula na namang umiyak si Radya habang si Navah naman ay tinatapik tapik nito ang likuran ng isa.

Kung ako sa kanya ay baka kanina ko pa binatukan ng malakas si Radya.

"W-wala na talaga sa tamang katinuan ang mahal na Prinsesa Xhandria, Navah. Ano na ang gagawin natin dahil parang mas lumala na siya." Iyak na bulong ni Radya kay Navah na akala niya yata ay hindi ko maririnig.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz