CHAPTER 40

15.4K 625 261
                                    

Blaire's pov

Nagising ako, dahil sa alarm ko.
Maaga akong gigising dahil, maaga ang punta sa sementeryo, para sa death anniversary ng kuya ni ms. Hindi parin ako makapaniwala na sya yon, sya talaga.

Sya yung lalaki 6 years ago.

Kuya na stranger.

Naligo na ako, at nag bihis. Sabi ni nanay stella sya na ang mag luluto ng almusal, kaya hindi na ako umangal. Kagabi nya payon sinabi eh.

Nag suot lang ako ng isang tight jeans at isang black sweater. Pagka baba ay naabutan ko sila nanay stella, kuya cole. At napaka gandang dyosa na nakaupo sa sofa.

" mabuti naman at nakapag ayos kana blaire." Nakangiting sabi ni nanay stella, nahihiya akong ngumiti. Ako nalang kase iniintay.

Nauna ng pumunta sila kuya cole sa dining, at kami nalang ni ms. Ang naiwan sa sala. Kakain muna kase kami ng almusal, bago pumunta sa semetery.

" morning po." Bati ko at lumapit, ngumiti naman sya at tumayo sa pagkakaupo.

" morning baby." Bulong nito at hinalikan ang leeg ko. Namumula akong nag iwas ng tingin.

Nauna na ako sa kanya pumunta sa dining, gusto ko lang naman mag goodmorning! Baket kaylangan pa ako paliligin?! Grrrrr!

Mabilis kaming natapos mag almusal, byahe na kami papunta sa semetery. Nandun nadin sila tito at tito sabi nila sa tawag kanina.

Nasa harap na kami ng gate, pumasok naman ang kotse na sinasakyan namin.

Grabe ang lake naman ng sementeryong ito.

Bago nakalagpas sa gate, ay nahagip pa ng mata ko ang nakalagay na sign duon.

ALCANTARA PRIVATE SEMETERY
PRIVATE PROPERTY
NO TRESPASSING.

May sarili silang sementeryo, exclusive lang talaga para sa mga alcantra.

Tumigil ang kotse sa isang malaking parang bahay, pero yoon ang rebulto ng kuya nya. Napakalaki talaga.

Naunang lumabas si kuya cole, dahil sya ang nag drive. Hindi nga pala namin kasabay si ms. Dahil humiwalay sya ng kotse. Hindi narin ako nag tanong kung baket, lumabas na kami ni nanay stella.

Pagkalabas ay nakita ko na sila tito Joseph, tita isabel. Wala ng iba. Pero may napansin akong dalawang mag asawang matanda na katabi nila tito at tita. Sila yung nakita ko doon sa family picture.

Sila ba yong grandparents? Sila nga ata. Lumapit na kami.

" oh, nandito na kayo." Bati ni tito. Maliit itong ngumiti saamin.

Ngumiti na lamang ako sa kanila. Yung dalawang mag asawa na matanda ay nakaharap lang sa apo nilang lalaki, may picture doon si kuya gabriel. Kuya nalang tawag ko sa kanya, mas matanda naman sya saakin.

Lumingon naman saamin ang dalawang matanda, nginitian ako ng matandang babae. Kaya napangiti narin ako. Pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa aura ng lalakeng matanda na katabi nito. Napaka dilim ng aura. Mabigat.

Hindi ako nito pinansin at lumapit kay kuya cole.

" cole, iho. Mabuti at pumunta ka. Nasan ang asawa mo?" Seryoso ang boses nito na tanong. Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba, eto ba yung lolo ni ms? Nakakatakot! May pinagmanahan naman pala.

Lumabas na muna ako, hindi ako makahinga. Umupo ako malapit lang naman din sa puno na malapit lang din sa semetery house. Yon ata ang tawag don.

Nakita kong, nag bibigay na sila ng bulalak. At nag dadasal. Kasama parin naman ako, pero nasa labas nga lang. Nakakahiya naman kase.

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon