CHAPTER 17

18K 745 286
                                    


Blaire's pov

" nay stella kunin ko napo yung ibang listahan ng bibilhin para po mapabilis na tayo." Pag alok ko, ngumiti naman si nanay at binigay ang listahan ng ibang i g-grocery.

Nandito kami ngayon sa mall, sinamahan ko si nanay stella, mamili ng mga kaylangan sa bahay, isang linggo narin ang lumipas simula nung atakihin ako ng allergy na yon.

Naayos na nga yung mga reff na binili ni mam laurent para sa fries, ang sayang sa pera grabe! Madalas kami nalang din ang nasa bahay ni nanay stella dahil busy na sa opisina si kuya cole at syempre si mam laurent den. CEO eh!

Buti nalang at tinigil nya narin yung ginagawa nyang mga alam nyo nayon! Syempre umaasa ako pag ganon noh! Kaya mabuti nayon.
No to kabet to uyy! Pero parang iwas sya saken eh, hindi ko din alam. Pero ganun naman talaga sya eh. Pake koba maid lang ako noh!

Stop na nga! Nasan na Mga spices dito? Palinga linga ako at hinahanap kung nasaan eh nasan na bayun?

May nakita naman akong employee ata sya dito kase nag r-restock sya eh. Tanong kaya ako.

" ah kuya excuse me po, tanong ko lang kung nasaan ang mga spices nyo dito." Tanong ko, lumingon naman ito at tumitig lang? Hello kuya. Nasan na?

" ah kuya?" Kinaway ko ang kamay ko sa tapat nya para matauhan, luhh? Anyare sayo kuya?

Natauhan naman agad ito at tumayo.
" ahh mam nandon po sa section b malapit sa mga gulay." Nakatingin parin nitong sabi, na wirduhan naman ako kaya tumango nalang ako at nagpasalamat. At umalis na.



Ganda tangina!

Bulong nya pero hindi kona narinig, nag patuloy nalang ako sa pag lalakad papunta sa section b malapit sa gulayan? Noh? Okay

Natapos ko narin ang mga nasa listahan, ang sabi ni nanay stella punta nya nalang daw ako sa cashier sa unahan pagkatapos ko.

Pumunta na ako sa malapit na cashier at nakita kong nakatalikod na si nanay, nauna na pala sya.
lalapit na sana ako ng may nakitang akong malaking katawan na lalaki na palapit sa kanya.

May  hawak itong mga bote ng alak at parang siga kung maglakad, nanlaki ang mata ko ng bigla nyang itulak si nanay stella sa balikat dahilan para ito ay mapasandal  sa mga naka display na toothbrush sa gilid. Abat!


Pati ang cashier ay na gulat, parang natakot pa ito dahil kinuha nya agad ang dala ng lalaki at in-iscan na ito. Ang lalaki naman ay naka ngisi lang habang nakatingin kay nanay stella at iniintay ang binibili nya, ang sama ng ugali nito! Ang panget naman!

Lalapit na sana ako ng makita na binatukan ito ni nanay stella at parang pinapagalitan.

Narinig kong pinapangaralan nya ito, na walang galang chu chu, nagulat naman ko ng makita aambahan ng lalaki si nanay ng sampal, kaya agad akong pumagitna......at

PAK!

at saakin nag landing ang malakas nyang bigwas, ang lakas! Paano nalang kung kay nanay tumama ang sampal nya!? Napaka walang hiya nito!

" nako blaire!" Nag aalalang sigaw ni nanay stella, naka kuha narin kami ng atensyon sa ibang namimili, nginitian kolang si nanay at itinago sa likod ko, baka masaktan pa sya. Naramdaman ko ang sakit ng labi ko at hinawakan ito, aww! Dumudugo! Ang sakit huhu

Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking naka ngisi na ngayon saakin.

" baket ka kase umepal, tuturuan ko lang naman ng leksyon yang matandang yan eh, ganda po pa naman." Pagkasabi nya noon ay tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa at dinilaan ang labi nya na parang manyak! Yaakk! Ang kadiri naman nito ni kuya! Kung si mam laur--- stop!

(Rich Series #1) My Boss's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon