ZTUP S1 - C H A P T E R : 7

Start from the beginning
                                    

"Wala na akong pakealam pa, Navah. Kahit saktan ako ng mahal na Prinsesa Xhandria ay ayos lang sa akin basta masiguro ko lang na nasa maayos siyang kalagayan." Kita niya ang katapangan at determinasyon sa mga mata nito sa kabila ng mga luhang dumadaloy dahil sa labis na pag alala.

Tumango na lamang siya at hinayaan na unang mag lakad si Radya sa kulungan ng Prinsesa at tahimik na lamang siyang sumunod habang mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba ng malapit na sila sa kinalalagyan ng Prinsesa.

Pero bago paman sila tuloyang makaabot sa kulungan ay narinig na nila ang pasigaw na boses nang isang Prinsesa na kanina pa nila hinihintay na tawagin sila.

Agaran silang tumakbo at pumasok sa loob ngunit tuluyan na yata nilang nalimutan na baka pagalitan sila ng kanilang mahal na Prinsesa dahil sa kanilang labis na pag alala sa kanilang nakita.

.

.

.

.

---------

[=Miragh/Ria=]:

"Ria"

"Ria"

"Ria"

"Ria"

"Sino ka?"

Tanong ko sa isang boses na kanina pa ako tinatawag mula noong naipikit ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang puro kadiliman.

"Ria"

"Ria"

"Sino ka ba at magpakita ka nga sa akin hindi yung para kang temang dyan na laging binabanggit ang pangalan ko."

Kung kanina ay kinilabutan ako ngayon naman ay na iinis na ako sa boses na laging tinatawag ang pangalan ko.

Nakakarindi.

Kahit parang hinugot ito sa ilalim ng banga dahil sa lalim ng boses ay nakakarindi parin dahil sa paulit ulit nalang binabanggit ang pangalan ko.

"Ria"

Ayan na naman ang Ria na yan.

Alam kong maganda pakinggan ang pangalan ko pero naka uumay din pag ganitong boses lang din naman pala ang laging bumabanggit.

"Gusto mo dumede? Kanina pa ako naririndi sayo ah."

Nakaka bwesit talaga, parang baliw.

"Magpapakita ka ba o magpapakita ka?"

Pag makita ko lang talaga siya ay bibigwasan ko talaga siya kahit ano pa ang kanyang hitsura.

Alam kong takot ako sa multo pero kung ganitong multo din naman pala na napaka kulit ay hindi ako mag aatubiling patayin ito ulit.

"I wan't to, but not now becau-.." "Ahhh dafak!!" Naputol ang nais sanang sabihin nong isang boses ng napasigaw ako sa gulat dahil may biglang may sumulpot na babae sa aking harapan.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now