Special Chapter

11 1 0
                                    

THE LETTER

Dear Trevor,

Thank you sa lahat ng ginawa para sa akin. Thank you sa pagmamahal at pagpapasaya na ginawa mo para kay Selene, masaya ako dahil doon. Nakita ko kung paano mo mahalin ang pamilya mo at alam ko na gagawin mo ang lahat para sa kanila. Ngayon na wala na ako, sana nand'yan ka palagi para sa kaniya. Huwag kang mapapagod sa pamilya at sarili mo ha.  Please, bantayan mo sila at mag stay ka sa side nila. Salamat sa pagligtas sa akin noong panahon na balak ko nang kitilin ang sarili kong buhay. Hindi ko sinabi sa'yo yung tungkol sa pagdodonate, dahil katulad nk Selene alam kong pipigilan mo rin ako. Ingat ka palagi!! Salamat at paalam.

Your friend,
Abrielle Xin Hillary

Dear Autumn,

Sorry kung pagbalik mo sa bahay wala ng sasalubong sa'yo. Salamat sa palaging nasa tabi ko sa ilang taon nating magkasama. Salamat sa hindi pagsira ng tiwala ko. Alam ko na isa ka rin sa masasaktan sa pagkawala ko pero masaya ako Autumn, masaya ako na matutulungan ko Selene. Masaya ako na mawawala ako sa paraan na hindi ako magkakasala. Palagi kang mag-iingat at sana manatili ka sa kung nasaan ang iyong pamilya. Kasi alam ko na roon ka naman masaya at iyon ang gusto mo, ang kasama lang sila na walang pinoproblema. Iniisip ko na ikaw ang unang makakakita nitong sulat. Ihanda mo muna sila ha. Ikaw na bahala sa mga papel na iniwan ko. Mahal kita, sana piliin mo rin ang iyong sarili. Hanggang dito na lang, paalam.

Your Ate,
Abrielle


Dear Daddy,

Hello Dad! I'm sorry, if mawawalan ka na naman. I'm sorry kasi masasaktan ka na naman. I'm sorry, I really do. Mag-iingat ka palagi!! Ienjoy mo po yung buhay niyo ha. Sana hindi mo po sisisihin yung sarili mo o kahit sino sa choice na pinili ko. Hindi ko nasabi sa'yo Daddy, pero noong nag-usap tayo noon sa balcony isa iyon sa memorable na nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang taon na nagkakasama tayo, pinapahagahan ko iyon. Alagaan mo po sarili niyo ha. Hindi naman ako talaga mawawala sa'yo e, yung soul ko mananatili sa inyong mga tabi. Daddy, masaya ako sa ginawa kong desisyon iyon din naman talaga ang gusto ko mangyari. Pangako, kapag nakita ko si Mommy sasabihin ko sa kaniya kung gaano mo siya kamahal. Ingat ka palagi at mag-enjoy ka lang sa buhay mo. Kung masaya ka pa sa pagtatrabho, sige lang. Pero kung hindi na, okay lang na tumigil na at magbigay na ng oras para sa sarili. Sobra-sobra na po yung nagawa mo para sa amin ni Kuya. Mahal kita palagi.

Your forever daughter,
Abi

D

ear Kuya,
Hello Kuya! Proud na proud ako sa'yo. Nakita ko kung paano mo mahalin ang iyong pamilya na willing kang igive up ang lahat, para lamang sa kanila. Sobrang swerte nila sa'yo at swerte ka rin sa kanila. Paano ba iyan, hindi ko na kaya. Feeling ko para maging masaya ako na katulad ng gusto ko ay ang mawala na sa mundo. Isa sa best thing na gagawin ko ay ang pagdodonate ng heart ko. Hindi ako nawala ng basta lang, nawala ako na alam kong may ginawa ako na hindi matutumbasan ng kahit ano. Salamat sa pagiging nand'yan para sa akin tuwing kailangan kita. Salamat kasi buong buhay ko, nararamdaman ko kung paano mo ako protektahan. Sorry, kung masasaktan kita. Pero Kuya, okay na. Nagawa mo na rin naman ang lahat para sa akin e. Ikaw pa rin ang the. Est na kuya para sa akin, walang makakabago non. Salamat sa lahat-lahat. Mahal kita, Kuya.

Your lil sis,
Abi

Dear Selene,

Hello Selene!! I know na hindi mo magugustuhan ang ginawa ko, pero please hayaan mo ako na gawin ito para sa'yo. Huwag ka nang umiyak, pinili ko ito ng buong puso. Bago ka isugod sa hospital, handa na ako. Handa na akong kitilin ang buhay ko. Pero niligtas niyo na naman ako. Pinilit ko naman talagang lumaban e, pero ayoko na, hindi ko na kaya. Ang unfair na nagpaplano akong tapusin yung buhay ko, tapos ikaw gustong-gusto mo mabuhay pero maraming sagabal. Habang tinitignan ko sina Elora at Cleo noong inalagaan ko sila, naisip ko na hindi ko kayang makita na wala silang nanay na makakasama sa pagtanda at hindi ko kakayanin na mawala ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi. Marami ka pang gagawin sa buhay, Selene. Marami ka pang misyon at plano na gagawin. Feeling ko, hanggang dito na lang ako. Nagawa ko na rin naman yung mga plano ko e. Masaya ako sa gagawin kong pagdodonate sa'yo, sobra. Ipangako mo sa akin na huwag kang susuko at lalaban ka. Lumaban ka para sa pamilya at sarili mo. Huwag kang mapapagod para sa pamilya at sa sarili mo ha. Siguro ngayon nasa tahimik at masaya  na akong lugar. Masaya naman ako na kasama ko kayo. Pero hindi ko kayang magawang maging masaya para sa sarili ko. Huwag mo na akong iiyakan ha, nakikita kita sa taas at ayoko ng ganon magagalit ako sa'yo, char. Gagabayan ko kayo palagi, pangako. Walang dapat sisisihin, pinili ko ito at dito ako masaya.  Please, huwag mong sisisihin ang sarili mo, hindi iyon ang gusto kong mangyari. Lagi mong piliin kung saan ka sasaya at alam mong tama. Palagi mo akong nililigtas, hayaan mo naman ako, na ako ang maglitas sa'yo ngayon. Mahal na mahal kita. Paalam.

Forever your best friend,
Abrielle Xin Hillary

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aiming HerWhere stories live. Discover now