Chapter 2

15 4 0
                                    

Kinabukasan, panibagong araw na naman na kakaharapin. Buti na lang talaga ga-graduate na ako, hays. Bumangon na rin agad ako sa aking kama at sinimulan ng ihanda ang aking sarili para sa pagpasok. Hindi katulad kahapon, hindi ko ngayon kailangan masyadong  magmadali dahil maaga naman ako nagising at marami pa akong oras.

Pagkapasok ko sa aming room, agad akong umupo at hinintay ang teacher namin para sa first subject. Maya-maya lamang ay dumating na rin naman ito at agad-agad na nagsimula magkaklase.

3:30 na rin natapos ang aming klase na dapat ay kanina pang 3:00 ang tapos. Nagkaron din kasi ng mabilisang meeting para sa lahat, sinabi lang naman dito na bukas ay makikita na namin ang aming grade.  Kinakabahan ako, kahit alam ko namang nag-aral talaga ako. May mga teacher din kasi kami na kahit anong effort ang gawin mo, mababa talaga magbigay. Late naman lagi pumasok at hindi pa nagtuturo, tapos magpapatest bigla at magagalit kung bakit walang nakaperfect sa amin. Perfect ka Ma'am? char.

Pagkatapos ng aming klase dumating na din naman ang aming driver. Sinabi ko sa kaniya na dadaan muna sa Mall dahil may bibilihin ako na para sa school. Alam kong matatagalan ako sa pagbili kaya kinausap ko muna ang aming driver.

"Kuya Zach, medyo matatagalan po ako sa pagbili, kaya kung gusto niyo po ay mag-gala muna kayo o kumain"  sabi ko rito, dahil ayaw ko naman siyang iwan dito

"Okay na ako rito Abi, hihintayin na lang kita." sabi nito sa akin

"Sumama na po kayo sa akin sa loob, mainit po rito at wala kayong magagawa na iba" ani ko rito at kumuha ng pera sa aking wallet upang iabot kay kuya, para sa pang-kain or pang-gastos niya.

"Per-" aangal pa sana ito ngunit lumabas na ako sa kotse para hintayin siya lumabas. Wala nang choice si Kuya kung hindi sumama sa akin sa loob ng Mall. Pero pinilit niya na ihatid muna ako sa bibilhan ko bago siya kumain daw.

"Tawagan ko na lang po kayo kapag tapos na ako or puntahan ko na lang po kayo kung nasaan kayo" sabi ko kay kuya, pagkahatid niya sa akin. Nag thumbs-up naman ito sa akin at bago umalis ay hinintay niya muna ako pumasok sa loob.

Matagal na naming driver si Kuya Zach pero hindi ko alam lung bakit hindi pa rin siya sa akin masanay-sanay. Kapag alam kong magtatagal ako sa pupuntahan ko, hindi ko hinahayaan na wala  silang perang hawak para sa pang kain niya o gusto mang bilhin. Matagal-tagal ko rin siyang pinilit na huwag na akong tawaging "Ma'am" kasi parang sobrang formal, e lagi naman kaming magkasama.

May listahan naman ako ng bibilhin ko pero marami kasi at maraming tao palagi, kaya mahaba ang pila. 

Isa't kalahataing oras din ng matapos ako sa pamimili na kinakailangan ko para sa school. Halos limang libro rin ang binili ko at iba pangangailangan para kurso ko. 

Tinanong ko naman si  Kuya kung ano ginagawa niya, sabi niya na nag iikot-ikot na lamang siya. kaya sinabi ko na tapos na ako at kung pwedeng pasundo na lang ako dito sa store. Hindi ko kakayanin bitbitin pala ang lahat, sobrang bigat.  

Ilang minuto lng din ay dumating na si Kuya Zach at siya na rin nagbitbit ng mga binili ko. parang ang gaan-gaan lang sa kaniya samantalang ako'y bigat na bigat, unfair naman. Namili rin pala sa kuya Zach ng mga ibibigay niya sa anak niya, pero sabi niya sa akin ay nadala niya na ito sa kotse pagtapos niya mamili.

Habang nasa sasakyan ako naalala ko na ngayon nga pala yung sinasabi ni Selene na magkita kami. Chinat ko naman si Selene 

" Selene, okay lang ba na tomorrow na us magmeet:))?Pauwi pa lang  kasi ako sa bahay, baka anong oras na rin ako makauwi sobrang traffic kasi e. Anong oras na rin tayo makakauwi, if ever"

Aiming HerWhere stories live. Discover now