Chapter 7

7 1 0
                                    

Trigger warning: Sensitive content. Read at your own risk

"10,9,8,7,6,5,4,3,2,1" pagbilang ko, bago pa tumunog ang aking alarm clock pinatay ko na ito. Kanina pa ako gising ngunit hindi lang ako natayo pa dahil sa wala naman akong gagawin pa. Tumayo na rin naman ako pagtapos, ginawa ko lamang ang aking morning routine at lumabas  na rin sa kwarto ko. Nakita ko naman agad ang aking secretary na si Autumn na nag-aayos na ng aming kakainin.

"Good morning po Ma'am, ang aga niyo naman po 6:00 pa lang ha. Hindi pa po ako tapos mag-ayos ng table." saad ni Autumn at nginitian ko naman siya

"Good morning Autumn, hindi ka na nasanay sa paggising ko." saad ko rito at tumawa, ganon din naman siya. Umupo na muna ako at kumuha ng tubig sa lamesa. Sinabi ko naman sa kaniya na kumain na kami dahil tapos na rin naman siyang maghanda ng pagkain.Agad naman siyang umupo sa tapat ko at nagsimula nang magsandok.

"Sure ka? Hindi ka magbabakasyon next week sa province niyo?"tanong ko rito at inabot niya naman sa aking ang pansandok

"Sure na sure po, marami rin kasing gagawin Ma'am e, alam ko namang kaya niyo na po iyon. Pero hindi ko po lang talaga kaya na mag saya-saya knowing na ang aking boss ay mahihirapan. Nasabi ko na rin naman po sa bahay na hindi ako uuwi, since kakawi ko lang din naman po last last week." saad nito sa akin at hindi ko na siya pinilit pa dahil muka namang desidido na talaga siya.

"Ilang taon na tayong magkasama pero hindi ka pa rin masanay na huwag mag po at tawagin akong Ma'am kapag tayong dalawa lamang hays, ang kulit talaga." saad ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako. 

Matapos noon ay hindi na uli kami nag-usap dahil sa nakain kami. Nang matapos kami sa sala naman ako dumiretso, at ganon din si Autumn.

"Ano ang meron sa schedule natin ngayon?" tanong ko kay Autumn 

"Mamaya pong  10:30 sa Psych med po, hindi ko po alam kung ilang pasyente ang nandoon kaya walang exact time kung hanggang anong oras po kayo roon. Iyon lang naman po para sa gayon." saad nito at tumango naman ako rito.

Lumipas ang mga oras at noong mag alas nuebe na ay nag-ayos na rin kami. Mahal ang oras kaya dapat sa oras na iyon ay nandoon na ako.

Nang makarating kami sa psych med nakita ko naman na maunti lamang ang tao. Akala ko ba ay marami, hays. Maya-maya lamang ay pumasok na ako sa loob. Hindi bilang isang Psychologist kung hindi bilang pasyente. Lumapit naman ako kay Doc at agad niya akong nginitian. Chineck niya lang naman ako at nagtanong ng tungkol sa nangyayari sa akin.

"Kamusta naman ang sa pagtulog mo?" tanong sa akin ni Doc

"Ganon pa rin po, kung hindi ako iinom ng gamot na galing sa inyo hindi ako makakatulog. Habang patagal nang patagal mas lumalala lamang. Kahit ang pangyayari sa akin noon ay napapanaginipan ko na." ika ko rito. Maraming sinabi si Doc ngunit hindi ko na ito maintindihan pa. Nang matapos ay  nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Sumakay naman agad ako sa sasakyan at pinikit ang aking mga mata.

Limang taon na ang lumipas simula ang mangyari ang lahat. Pero hindi ko alam kung bakit nakakulong pa rin ako sa nakaraan. Hindi ko alam pero ginagawa ko naman ang lahat para tulungan ang sarili ko, pero wala talaga. Kahit ang mga gamot na binibigay ni Doc ay hindi na sa akin tumatalab. Habang tumatagal mas lumalala lamang ang aking nararamdaman. Lahat halos ng nasa aking paligid ay may pagbabago na  ngunit ako ay hindi man lang umuusad

Ang daming nangyari sa limang taon.  Si Daddy nasa ibang bansa na siya, siya ang humawak ng business doon.Ngunit buwan-buwan naman ay nagkikita kami nila Daddy Si kuya naman mas nagfocus siya sa pamilya niya, pero madalas niya naman akong dalawin sa company. Dahil simula nang umalis siya ako na ang naghandle nito. Hindi ko rin inaasahan na ganito ang mangayari sa buhay ko.Matapos kong grumaduate noon sinabi ko na gusto ko na munang umalis sa bahay. Kasi feeling pagod na pagod ako kapag nasa bahay ako. Grumaduate lamang ako pero hindi ko na pinursue ang kahit anong pangarap ko. Kasi simula noong naging katatawanan ako sa school natakot na ako sa lahat ng tao. Feeling ko lahat sila may gagawing masama sa akin.Matagal ang inabot bago ako magtiwala sa kahit na sino. 

Aiming HerWhere stories live. Discover now