Mahigpit ang pagkakayakap nito saakin at talagang masayang masaya ito.

Ngunit naiilang padin ako dahil hindi ko inaasahan ang biglaang pag yakap nito saakin.

" Ken. " nahihiyang sabi ko saka hinahawi ko ang kamay nito na mahigpit na naka yakap saakin.

" Ohhh. sorry "

" hindi ko lang napigilan ang emosyon ko. " sabi nito saakin napara bang nahihiya saka napa kamot sa ulo nito.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko upang tuluyan na limutin na si Brent.

Hindi naman siguro masama na subukan kong mahalin si Ken, dahil malay ko ba na baka mag bago ang ihip ng hangin at tuluyan na mawala itong pag mamahal ko kay Brent at si Ken na ang tuluyan kong mahalin.

Kaya susubukan kong suklian ang pag mamahal ni Ken, upang saganon ay makalimutan ko ang unang taong nag paranas saakin ng sakit nang dahil sa pag ibig.
.
.
.
Dahil tuluyan narin dumidilim ang paligid ay hinatid narin ako ni Ken sa aming bahay.

" Salamat Ken. " Pag papaalam ko sa kanya saka tuluyan na nga akong bumaba sa sasakyan nito.

Ngumiti ito saakin habang naka titig sa mga mata ko.

" Salamat Miles! " sabi nito saakin habang masayang naka ngiti.

Kaya ngumiti din ako sa kanya at saka tuluyan na akong pumasok sa aming bahay.

Ken's POV.

Kaya nung pag pasok ni Miles sa loob ng kanilang bahay ay naiwan ako saaking kotse na hindi maipaliwag ang aking nararamdaman.

Sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso at para bang sasabog ito sa sobrang lakas ng pag pintig nito.

napayuko nalang ako sa aking manubela at halos hindi parin makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw.

" Ahhhhh!! I have a chance!! "

pasigaw kong sabi sa loob ng aking sasakyan habang kinikilig sa tuwa.

Kaya itong pag kakataong ito ay hindi ko sasayangin at gagawin ko ang lahat upang magustuhan din ako ni Miles gaya ng pag mamahal ko sa kanya.

Kinabukasan.

Brent's POV.

Maaga akong nagising dahil hirap ako sa aking pag tulog dahil sa kakaisip ng mga sinabi saakin ni Miles kahapon.

Kaya maaga din akong nag asikaso upang sunduin ito at sabay na pumasok sa aming school.

Alam ko na galit ito saakin, pero pag nakikita ako ni Miles ay nawawala ang galit nito saakin dahil siguro ay may gusto ito saakin.

Kaya napangiti nalang ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi makakatangi pa si Miles sa pag sundo ko sa kanya.

At alam ko sa sarili ko at pakiramdam ko na may gusto ito para saakin.

Kaya hindi ko na ito tinext at tinawagan pa dahil gusto ko sanang biglain ito sa bahay nya at para makita ang reaksyon nito na nahihiya pag nakikita ako.

Ngunit habang papalapit na ako sa tapat ng bahay nila Miles ay may isang pamilyar na kotse ang nakahinto sa tapat ng bahay nito.

Nakita ko si Ken na buhat buhat ang bag ni Miles at mukhang sabay sila sa kanilang pag pasok.

Hininto ko muna ang aking sasakyan sa isang gilid upang hindi nila mapansin ang pag dating ko.

Masaya si Ken na tinutulungan si Miles sa pag buhat ng gamit nito at kita ko din sa mukha ni Miles ang saya habang tinutulungan ito ni Ken.

Hanggang sa lumabas ang mommy ni Miles sa kanilang bahay.

" Mag iingat kayo ah! " sabi ng Mommy ni Miles kanila Ken at Miles.

" Opo tita. " sagot naman ni Ken.

Kaya halos hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

" Kelan pa? "

" Kelan pa naging close si Miles at Ken sa isa't isa? " tanong ko sa sarili ko habang naguguluhan.

Kaya hinampas ko ng aking kamay ang horn ng aking sasakyan.

At laking gulat ko ng tumunog ito.

" Beeeeppppp!!!" malakas na busina ng aking sasakyan.

Kaya napatingin naman sila Miles at Ken mula sa direksyon ko.

Kaya agad akong napayuko sa aking sasakyan habang nahihiya na baka malaan nila na nandirito ako malapit sa kanila.

Ngunit hindi nalang ito pinansin pa nila Miles at Ken at saka tuluyan na silang umalis sa loob ng village.

Hindi ko mapinta ang nararamdaman ko ngayon.

Para bang gusto kong magalit kay Miles dahil sa hindi nito pag sabi saakin na pinapapunta nito si Ken sa kanila.

Akala ko ay ako lang, akala ko saakin lang iikot ang mundo mo!

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now