ALL - Twenty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpunta lang kami sa isang kainan kung saan may magandang view, overlooking kasi rito.

Humihigop siya ng kape at ang hot chocolate ko naman ay halos lumamig na dahil busy ako sa pagtitig sa tanawin. Gustong-gusto ko talaga sa ganitong lugar-mahangin, payapa, walang gulo.

Nararamdaman ko ang braso niya sa upuan ko, pasimple pa ang isang 'to eh. "Kung gusto mo akong akbayan, gawin mo. Pabagal-bagal ka eh."

Ginawa naman niya sabay hirit ng, "baka magulat ka 'pag ako nagmadali, Gianina."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Epal mo."

He laughed. "Ang ganda ng view 'no?"

I nodded. "Super! Thanks for bringing me here." I hugged him and he stayed his arm on my shoulder. "Alam na alam mo talaga kung ano magpapasaya sa'kin."

"Hindi ka naman kasi mahirap basahin. And besides, dito ko talaga gusto pumunta kasi gusto kong lumayo sa magulong mundo sa baba." Inilagay niya ang bumagsak na ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Gusto ko pumunta sa kung saan maso-solo kita. Walang Gavin, walang bawal, walang mali."

Napahigpit ang yakap ko sa kaniya. "I'm sorry, Deign."

"Ginusto ko naman 'to eh, ginusto kita, kaya tatanggapin ko." He kissed the top of my head. "I love you, Gia."

I just...I just can't give him the answer that he wants to hear right away. I'm still unsure of it but all I know is that I am happy with him.

And yes, this is bad. We're bad but I can't control my feelings. Sobrang saya ko 'pag kasama siya, kahit minsan nakakainis siya.

Pakiramdam ko may boyfriend ako dahil sa kaniya. I don't know, ang dalang-dalang magparamdam ni Gavin. Minsan pa nga hindi siya nakakatawag o kahit text man lang sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw eh. Wala na talaga siyang oras para sa'kin.

Noong una masaya pero ngayon...nakaka-walang gana. Paano ko siya kakausapin tungkol sa nararamdaman kong 'to kung hindi rin naman siya nagrereply 'pag sinasabi kong may gusto akong sabihin.

"Gia, nood ka ng game namin sa Sabado ha?"

I nodded. "Of course."

He pinched my right cheek. "Aasa ako ah, 'pag ikaw hindi pumunta hindi ako maglalaro."

Hinampas ko naman siya sa braso. "Siraulo ka ba? Gusto mong mapagalitan ng coach niyo?"

He laughed. "'Di ako papagalitan no'n, love ako no'n."

I really have nothing to say sa confidence niya. He's not arrogant but he's confident. Sobrang magkaiba nga kaming dalawa eh kaya 'di ko rin gets kung paano kami nagkakasundong dalawa. Ang arte-arte ko, ang simple niya. I am the type who wants to show off because I don't want anyone to look down on me and he's the type who wants everything plain and easy yet cool for him.

Nang maisipan na naming umuwi tinignan ko ang cellphone ko pero lowbatt na. He was holding my hand while driving, hassle pero pinush niya lang kasi gusto niya lang daw na hawak-hawak niya ang kamay ko, sira talaga.

Hindi ko na siya pinapasok sa bahay dahil hindi pa rin naman kami okay ni Kuya baka lalo lang mag-init ulo niya 'pag nakitang may ibang lalaki na naghatid sa akin pauwi.

Pinagbuksan ako ng gate ng kasambahay namin at sinabing mayroon daw akong bisita na kanina pa naghihintay.

Pagkapasok ko naman sa loob ng bahay ay naabutan ko roon si Gavin na pinaglalaruan ang cellphone niya.

"G-Gavin..." mahinang pagtawag ko.

Napatayo siya agad at niyakap ako. "I miss you, babe."

Pinadala ko na muna sa kasambahay namin ang bag ko sa kwarto ko at hinila si Gavin papunta sa garden para doon kami mag-usap. Tutal andito naman na siya siguro pwedeng ngayon ko na sabihin sa kaniya itong nararamdaman ko.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon