ZTUP S1 - C H A P T E R : 3

Start from the beginning
                                    

Sino kaya ang Prinsesang tinutikoy niya. May iba bang tao dito sa silid nang hospital na to?

Hindi ba ako naka private room? Isa pa, bakit may kasama akong Prinsesa sa kwartong ito?

Baka katabi lang nang aking higaan yung iniiyakan nila. Pero bakit parang sa akin sila naka harap? Kahit hindi ko sila makita ay ramdam na ramdam ko ang kanilang presinsya na sa akin talaga siila naka harap.

Saang lupalop ba ng hospital ako pina confine ni Jenani.

Mas lalo naman ako nag taka ng mas lalo pang lumakas ang hagulhol nitong babae sa kabila kong gilid. Kung makaka bangon lang talaga ako ay kanina ko pa nilagyan nang packaging tape ang kanyang bibig.

Hindi ko akalain na ganito umiyak si Jenani. Ang tinis ng Boses, nakaka bingi.

"Kahit ako ay w-walang nagawa. Pinangako ko pa naman kay Reynang Xhandra n-na aalagaan ko nang mabuti si Prensisa Xhandria pero binigo ko lang siya. Binigo ko si Reynang Xhandra. Hindi ko manlang nabayaran ang kanyang kabaitan at h-hinayaan ko pang mawala a-ang an-nng buhay ni Prensisa Xhandria na pinakamamahal niyang anak."

Halos hindi naman makapag salita ng maayos yung isa dahil sa kanyang labis na pag iyak at halos hindi rin niya matuloy ang kanyang huling sinabi.

Mas lalo ako nagtaka nang hindi din pamilyar sa akin ang matinis niyang boses. Akala ko ba si Jenani to.

Sino nanaman kaya ang babaeng ito na umiiyak at kanina pa ako naririndi sa Prinsesang ek ek na yan ha. Bakit ba dito pa kasi sila mag si iyakan kung saan ako naka ratay eh hindi naman ako ang taong tinatawag nila.

Sana sa susunod lagyan ng warning ang mga hospital na “no blind allowed ” dahil nakaka inis na ang iyakan nila tapos maling tao pa ang kanilang pinagdalamhatian.

Naasan naba si Jenani at sino itong mga weirdong mga babaeng to ang nasa magka bila kong gilid, pero hindi kaya binayaran niya ang dalawang ito para umiyak?

Para kunwari madami ang nag aalala sa akin? Or nandito lang sila para kung sakaling pag lalamayan na ako eh makaka libre agad sila ng tinapay at kape dahil ika nga first come, first serve.

Abay hoy mga nilalang malas kayo dahil buhay pa ako at hindi niyo ako maloloko kasi alam ko ang gawain na ganyan.

Sinubukan ko din yan na kunwaring nakikiiyak sa may lamay kahit hindi ko naman kilala at ka ano-ano ang taong naka higa sa loob ng kabaong para lang maka inum ng libreng kape.

Dahil alam kong mas lalong sumasarap ang kape pag libre. Hehehe..

Kaya lumayas na kayo dahil lumang style na yan.

Mas lalo lang ako na inis ng lalo pa siyang humagulhol pagkatapos niya bitawan ang mga katagang yun at parang nahawaan na yata niya itong isa na imbis impit lang na umiiyak kanina ay nakikisabay pa sa lakas nang hagulhol.

Ang galing talaga nilang umarte.

Sulit ang mga bayad sa kanila dahil mapapaniwala talaga nila ang mga taong maka tingin sa kanila kung sakali. Pero sorry nalang sila kasi ibang pangalan ang binabanggit nila habang umiiyak.

Hindi siguro to sila na orient ni Jenani ng maayos. Sasakalin ko talaga ang ngala-ngala nang babaeng yun pag gagaling na ako at makalabas na dito sa hospital na ito.

Mas lalo naman lumakas ang kanilang pag iyak maka lipas ang ilang segundo na pinapangunahan nitong babaeng akala ko ay si Jenani.

Ano ba yan mas nabibingi na tuloy ako. Hindi na nga ako makapag salita bibingihin pa nila ako.

Sasapakin ko talaga itong dalawang babaeng to pag makaka bangon na ako. Nakakapang gigil sila sa inis.

"Ang sama nila. Ni hindi man sila nag dalamhati sa sinapit ni Prinsesa Xhandria. Kahit pag dalaw man lang sana sa kwartong ito ay hindi pa nila nagawa."

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now