Mother's day

9 2 0
                                    

Maligayang kaarawan mga ina,
Sya ang isang taong hindi sumuko
Sa ugaling meron ako,
Sya ang taong nasa tabi ko sa tuwing
Kailangan ko ng karamay,
Sya ang taong laging sumusuporta sa
Lahat ng gusto ko.
Sya ang taong kahit kailangan hindi
napagod sakin
Sya ang takbuhan ko tuwing nasasaktan
At nahihirapan ako
Sya ang ina ko.

sya ang inang siyam na buwan
akong dinala sa tyan.
sya ang ina na nagluwal sakin
sa mundong ito.
sya ang inang libo libo ang mga
gawin at sakripisyo.
salamat ina.

Sya na kayang maging isang ama para
sa mga anak.
Sya ang nagturo sakin
Kung pano maglakad, tumakbo
At magsalita.
Sya din ang naggabay sakin
Simula una
Hanggang ngayon.
Sya ang babaeng unang kong nakilala.
Ang ina ko.
Salamat ina sa lahat kahit hindi kami
Perfectong anak sa inyo.
Mahal ka namin.

Salamat po sa sakripisyo ina,
Salamat po sa paggabay,
Salamat po sa pagiging mabuting ina
At asawa.
Salamat po sa lahat ng pangaral ko,
Asahan nyo po na dadalhin
Namin ang mga payo at pangaral nyo
Hanggang pagtanda..
Salamat ina...

Yan ang mama ko..
Mama
Apat na letra pero,
Libo libong sakripisyo para sa mga anak.

Happy mother's day to all nanay,
Mommy, inay, mama...

Deserve nyo pong ipagmalaki,
At pakilala...

Poem Where stories live. Discover now