"Paglaya"

17 2 0
                                    

Kalayaan, pangarap ka
mga kabataan.
Ika'y sadyang
inaasam-asam.
Magsaya, magliwaliw,
Magtampisaw.
Kalayaan, hangad ka ng
Sino man.

Gabay ng magulang
Malimit malimutan,
Kahit ito'y tungo sa
Kabutihan,
Pagmamahal nila'y
Tinatalikuran,
Para sa mithing kalayaan.

Murang isip mo'y
Malamang malinlang,
Sa tawag ng maling
kalayaan,
Dahil akala mo'y ikaw ay
Hinihigpitan,
Sa pangaral ng magulang
Ay nagbingi-bingihan.

Pag-aaral ay isinantabi na
Lamang,
Alak, sugal iyong
sinubukan,
Hanggang nagbunga ang
Iyong kapusukan, Ngayon
Ika'y mukhang talunan.

Kalayaan na
Pansamantala mong
Natikman,
Daan sa hawla mong
Kinalalagyan,
Kabataan mo'y
Kailangang lisanin,
At responsibilidad
Pagpapamilya ay pasanin.

Poem Where stories live. Discover now