Minsan

4 2 0
                                    

Ni minsan ba'y ninais mong tang'nan
ang bawat patak ng luha mula sa aking mga mata upang ito'y pigilan
kahit man lamang sa maigsing sandali?

Ni minsan ba'y ninais mong sukatin
ang pagitan ng bawat tibok ng aking puso
upang iyong malaman kung gaano katagal
akong naghihintay sa pangako ng kawalan?

Ni minsan ba'y ninais mong tanglawan
ang aking kinasadlakang nababalot ng karimlan
kahit man lamang sa buong magdamag
hanggang magisnan ang bukang liwayway?

Ni minsan ba'y ninais mong ipunin
ang kumikinang na ginto mula sa sinag ng araw
tuwing nalalapit ang dapit hapon
di mapapaso, hanggang maialay sa akin?

Ni minsan ba'y nanalangin ka sa Poon
Na ang mga puso nati'y muling magbuklod
At mag-alab sa habang panahon?
May minsan pa bang sa ati'y nakalaan?

Poem Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα