Dating Tayo

8 1 0
                                    

Noong gabing tinapos natin ang lahat
saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sayo
Noong gabing iyon mailap ang mga tala na para bang nananadya nakung anong dilim saaking kalooban ay sya ring dilim ng kalangitan
At sumabay pa ito saaking kalung kutan

Biglang bumuhos ang ulan
Sinubukan kong mag tampisaw, sumigaw, sumayaw
Sinubukan kong maglaro sa ulan
Umaasang kaya nitong hugasan ang sakit at tangayin sa kung saan
Ngunit hindi
Dahil ako ang pinaglaruan ng ulan ako ang pinagtaksilan ng kalawan
Taksil ang kalawakan

Sinubukan kong tumakbo kasalungat ng pag ikot ng mundo
Nagbabakasakaling kaya ko pang habulin ang kahapon sapiling mo
Noong sabay nating pinagsaluhan ang ritmo ng paborito nating awitin
Noong sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid

Baka kaya ko pang ibalik ang oras,minuto,o segundo
Baka kaya kopa
Baka kaya pa natin
At kung di na talaga kaya pang ibalik
Maaari bang ulitin nalang ulit?
Ang ikaw at ako
Ang dating tayo..

  
~Spoken poetry of my one favoite song
"dating tayo"

Poem Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu