Akala

6 1 0
                                    

Hindi kita inaalis sa puso ko kasi umaasa ako sa pagbabalik mo.
Alam ko sa sarili ko na ikaw pa rin ang tinitibok nito,
Laman ka pa rin ng isip at puso ko kahit ako ay durog at nagdudugo dahil sa iyo,
Ako ay umaasa pa rin na iyong dinggin ang aking pagsamo.

Akala ko nagbibiro ka lamang sa paglisan mo,
Di ko alam na ito na pala ang huli nating paguusap,
Akala ko isa lang to sa mga pakulo mo,
Pero ako pala ang di nakapaghanda sa pagbitaw mo sa kapit ko.

Baka, baka sakaling mahal mo rin ako,
Baka planado lamang ang lahat ng ito, pero
Nadiskubre kong may mahal ka palang iba,
Di dapat ako nasanay at nabulag sa panamdaliang presensyang dulot mo.

Di ko namalayang nahulog na ako sayo,
Di ko pala napigilan ang damdamin kong ito,
Akala ko mananatili ka sa piling ko,
Ngunit di ko inaasahan na lilisanin mo rin ang aking mundo.

Poem Where stories live. Discover now