Napailing si Tita, "kawawang Ishan, uuwing naka dress. Okay lang yan, hindi naman mukhang dress sayo, fitted oversized sleeveless shirt lang." She was joking with my boyfriend before looking at me. "Dalawang araw nalang birthday mo na, anong plano mo?" She asked.


Ilang araw ko din inisip kung saan ko ba balak mag birthday, gusto ko din kasi magkaroon ng kaunting pahinga ang bawat isa kahit dalawang araw lang.


"Hotel and resort nalang po para din makapag-relax tayong lahat." I answered.


The next few days we were busy with my upcoming birthday. Nag hanap at nag booked na din kami ni Jaja ng magandang hotel and resort dito sa lugar. Nag order din kami ng pagkain na magiging handa ko.


"No!" Tanggi agad ni Ishan nang ipakita ko sakaniya ang two piece swimsuit na balak kong isuot mamayang gabi para sa night swimming. I lost my beautiful smile because of that.


I shrugged my shoulders, "why not?"


Nakasanayan ko na ang mag suot ng swimsuit. Wala naman sigurong masama doon, saka unti lang din naman ang naka check-in dito sa resort.


"Madami tayong kasamang lalaki, Talia. Mag rash guard ka nalang." He said before getting up from sitting on the bed and approaching me to pick up my swimsuit, he put it back in our bag before looking for a rash guard.


"Wala akong rash guard." Sabi ko bago din siya lapitan. Hinanap ko ang one piece bago iyon muling ipakita sakaniya. "Ito nalang. Mas bagay sakin, 'di ba?" I asked while smiling.


Its a simple black backless one piece swimsuit that suits me because of my porcelain-like skin color. Mga plain color lang talaga ang pinipili kong swimsuit para mas babagay sakin, lalo na ang mga pastel color dahil ang sarap sa mata kapag tititigan.


Ngumuso ako nang ibigay niya sakin ang white floral beach short ko. "Pero mas bagay kapag may short." Aniya, inikutan ko siya ng mata bago tumayo bitbit ang one piece at short. Bago pa ako makapasok ng banyo ay narinig ko pa ang sinabi niya. "I love you."


Nang parehas makapag bihis ay saba'y kaming bumaba ng hotel bago tumungo sa cottage. Andoon na ang lahat, ang pamilya ni Tita Jane at sila kuya Rowan. Abala sila sa paghahanda ng mga pagkain kaya akmang tutulong na kami ni Ishan nang pagbawalan kami. Maupo nalang daw ako dahil birthday girl, habang si Ishan ay nag pa-karga sakaniya ang bunsong kapatid ni Jaja.


"Buti pinayagan ka ni mommy mo na dito mag birthday, ano?"


I smiled sparingly because of Tita Jane's question. "Wala din naman po silang magagawa, minsan lang ako humiling." I said then shrugged, "saka sigurado po ako na wala din sila sa bahay kung sakaling doon ako mag birthday." When did they stay at home on my birthday? Sa una siguro pero aalis din naman kahit wala pa sa kalahati ang party.


Hindi ako gaanong komportableng pag-usapan ang tungkol doon lalo na at maraming tao kaya nakahinga ako ng maluwag nang hindi na nasundan pa iyon at nagkayayaan na lamang maligo.


"Nag-aya si kuya Loui mag-inom daw mamaya." Ishan said suddenly, referring to Jaja's dad. Alam ko iyon dahil nakita ko ang isang case ng red horse kanina na inakyat nila sa trunk ng sasakyan.


Ngumisi ako nang maka-isip ng deal, "paunahan muna tayo hanggang sa kabilang dulo ng pool. Kapag nauna ako, hindi ka iinom."


Tulad nga ng sinabi ko noong nakaraan ay ayos lang naman sakin kung nag-iinom ng alak si Ishan, basta hindi araw-araw.


"Paano kapag nauna ako?" He asked with a raised eyebrow.


"Edi, pwede ka uminom... pero unti lang." Sabi ko bago mag kibit-balikat. He nodded before holding my hand, we both jumped into the pool before starting to dive forward to the other side.


Nang mapagod kakalangoy ay tumigil din kaagad ako at umahon. Natatawang nilingon ko ang boyfriend na mabilis na lumalangoy. Talagang gusto uminom ng loko! Nang marating niya ang dulo ay todo ngiti siya pero napawi din nang makitang naka-upo na ako sa gilid ng pool.


Naka-ngusong naglakad siya palapit sakin bago umupo sa tabi ko. "Okay ka lang?" He asked worriedly. Tumango ako bago ngumiti, inihilig ko ang ulo sa balikad niya habang ang braso naman niya ay mabilis na pumalupot sa bewang ko.


I watched the family on the other side of the pool happily paddling in the water. Masayang pinagmamasdan ng nanay at tatay ang anak nilang sunod-sunod ang ginagawang pagpupunas sa mukha dahil sa tumatalamsik na tubig, habang ang nakalaylay na dalawang paa nito ay patuloy na umaahon at bumabagsak sa tubig na siyang nagiging dahilan ng talamsik.


I held my chest as it tightened and hurt. Palagi nalang ganito, palaging sasakit, palaging naiinggit.


Akala ko kapag natuon na ang atensiyon ko sa boyfriend at ibang mga tao na nasa paligid ko ay ayos na, pero hindi padin pala. Because something is still missing. There is a part of me that is incomplete.


Kompleto kaming pamilya, si mommy si daddy at ako. But for me it still doesn't seem like it because I don't always see them, it's like they just visit me.


Pakiramdam ko ang layo-layo nila sakin.


I can’t blame myself for why I feel like they don’t love me. I also couldn't help but get hurt because it seemed like only money was more important to them, while I was in a corner of the big house, alone. Pero kahit ganon ay hindi ko magawang magalit sakanila, tampo lang talaga. Naiintindihan ko naman kasi ang palaging sinasabi ni mommy sakin, na para din sakin itong ginagawa nila. Para sa future ko.


Maybe, it's normal to be hurt and jealous of other people because that's how my heart feels. Sino ba naman kasi ang hindi maiinggit kung ang iba ay may kompletong pamilya, masaya at kahit wala gaanong pera ay naitataguyod nila ang pamilya sa pang araw-araw.


I stopped from deep thought when Ishan spoke. "Mahal, okay ka lang?" He said softly before he put one of his hands behind my back to caress it.


Saglit akong tumingin sa kulay abo niyang mga mata bago ilipat ang paningin sa hawak kong baso, pagak akong tumawa bago tumango. "Ayos lang ako. May naisip lang." I simply said before drinking from the glass I was holding full of red horse beer. I close my eyes when I feel the alcohol rushing down my throat.


Shit! Nawala sa isip ko na ngayon palang ako unang iinom ng alak!


He narrowed his eyes at me before lowering his glass to the table and standing up, "come on, Talia. Alam ko kapag may problema o wala. Doon na tayo sa hotel room natin, gabi na din naman." Aniya bago nag paalam sa mga kasama namin na nag tatawanan dahil sa pinag-uusapan.


Ilang beses ko pang sinabi sakaniya na ayos lang talaga ako pero hindi nakikinig. Nakakahiya naman kasi kung iiwan namin sila sa baba.


"Ano ang iniisip mo kanina? Sabihin mo sakin, makikinig ako."


Umiling-iling ako, ayaw kong sabihin dahil pag sinabi ko ay maaalala din niya ang sariling problema sa pamilya niya noon. Ayaw kong maalala niya ulit ang mama niya at ang mga ginawa nitong mali sa kanila.


Instead of answering his question I just lay down on the bed, the I put my head on my boyfriend's thigh. Mabilis niyang inilagay ang dalawang kamay sa ulunan ko upang haplusin ang buhok ko. "Ano ang iniisip mo kanina?" Pag-uulit niya, naka-pokus ang paningin niya sakin habang itinatanong iyon.


I immediately shook my head, "it's just nothing, matulog nalang tayo, hmm?" Pag-iiba ko sa usapan pero seryoso lang niyang nakatingin sakin.


"Andito lang ako, Talia. Tandaan mo iyan, makikinig ako sa mga gusto mong sabihin---"


"Just... just don't leave me." Mahina kong sabi, siguradong narinig niya iyon.


He smiled before nodding, "I will never leave you. Pangako." He said before bringing his face close to mine before kissing me, gumanti ako sa bawat halik niya hanggang sa namalayan ko nalang ang sariling naka-ayos na ng higa sa kama nang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.


"Happy birthday." He greeted me as our lips parted, I smiled before I pulled him again for a deep kiss.

Poor Affectionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن