"What did you say?" Hala narinig nya?

"A-ah wala sabi ko im sorry po" Umirap naman ito at nag patuloy sa pag ch-check ng attendance.

* * *

"Class dismissed" Hay nako salamat naman, nakaka pagod.

Pano ba naman kase, pinag-iinitan ata ako ng ulo ni ma'am, ako lang kase yung pinipili niyang sumagot ng mga questions e marami namang nagtataas ang kamay. Buti nalang talaga matalino ako.

Nagmadali naman ako at lalabas na sana sa pintuan pero tinawag niya ako.

"Where are you going?" Tanong nito. Eh?

"Um, to my next subject?" Bobo ba tong si ma'am?

"Come here" Luh, ma'am wag bata pa me.

"Carry this" Sabay turo sa sandamakmak na libro sa desk niya.

"Po?" She glared at me with her stoic expression.

"Sabi ko nga po, hehe, san po ito dadalhin?" Masisisi nyo ba ako? Parang mamamatay tao yung mata niya eh.

"Follow me" Sabi naman ni ma'am sabay lakad palabas ng pintuan.

Nakarating naman kami sa isang silid, office niya ata to. Nilapag ko yung mga libro sa kalapit na lamesa. Nag bigat-bigat feeling ko mapuputol kamay ko.

"Ma'am wala na po ba kayong i-uutos?" Hinarap ko siya na naka upo sa swivel chair niya.

Hindi naman ito nag salita. Bulol ka po ba ma'am?

"Ma'am I'll go na po, late na kase ako sa next subject ko"

"Hmm" Ay wow? ni thank you wala? Tse!

Lumabas nalang ako at nag tungo sa next subject ko which is math.

Nakita ko naman na bukas pa ang pintuan which means wala pa si sir.
Nako salamat naman.

Pumasok ako at bumungad sakin yung mukha ni Xaidam.

"Babeeee" Awtomatiko naman akong napa smile.

"Babe how are you?" Tanong ko naman.

"Ako nga dapat mag tanong sayo niyan eh, ano okay na na pakiramdam mo?" Nakakunot noo nitong tanong.

"Yes Xaidam sabi ko naman sayo tulog lang ang katapat nito eh" I retorted.

"That's good by the way-" may sasabihin pa sana siya pero biglang pumasok yung professor kaya nag madali naman akong umupo habang si Xaidam naman ay lumabas na

"Mamaya ko nalang sabihin" He mouthed at tumango naman ako.

I averted my gaze sa harap para makinig sa lesson ni sir. Kelan ba to matatapos? I hate math kaya.

* * *

It's lunch time na kaya nandito kami ngayon ni Xaidam sa cafeteria inaantay namin si riche.

Nakita ko naman itong papalapit sa table namin hawak ang kanyang tray.

"Hi lili, Hi kalaha" Bigla akong nabulunan sa nickname niya kay Xaidam.

"Harhar lesbean" Bato naman ni Xaidam sakanya, habang pinapapak yung likod ko.

"Kalaha? lesbean? Nuyun?" Naka kunot noo kong tanong sa kanila.

"Eh kase itong si Xaidam unfair daw na ikaw lang yung may nickname kaya ginawan niya kami" Paliwanag naman ni riche.

"Eh bat kalaha at lesbean? Di ba pwede yung mas formal jan?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"What's the fun in that kung formal yung nn namin?" Sumingit naman itong si Xaidam sa usapan. Pero ah may point siya.

"May point ka naman, ay nga pala, ano yung sasabihin mo sakin?" Tanong ko kay xaidam.

"Well babe, my family will be having a gathering kase bumalik na yung cousin ko from america" Paliwanag naman nito sakin.

A/n
Yes po yung harvard sa pilipinas muna.

"And?" Bat niya ba to sinasabi sakin? Di ko naman siya pag-babawalan, family niya yun eh.

"And i asked if pwede kitang isama, pwede naman daw, and this is a great opportunity to meet my whole family" Ha?! Whole family?!

"O-o siya sige pupunta ako" Nauutal kong sabi, hindi naman ako maka hindi kase yung smile niya abot hanggang langit.

"Really?!" His eyes lit up.

"Yes really, now let's eat im starving" I chuckled.

"You and your appetite" Xaidam chuckled a little. Di na ako nakapagsalita kase puno na ng pagkain yung mouth ko.

* * *

"Ahhhh" Luh ano yun?

Kakatapos lang namin ng lunch di ko na kasama si riche at xaidam kase iba iba kami ng subject.

"Ah!" Napatalon ako. Nag dali dali naman akong sundan kung saan yung sumisigaw. Malay mo baka kailangan ng tulog diba?

Sa women's cr? Tanong ko sa sarili ko.

Dali dali naman akong pumasok naman ako nung may narinig akong babae na parang nahihirapang huminga.

Nung nasa loob na ako ay naka face to face ko yung....mga babae? dalawa sila at...

"WTF?!" My eyes widen at the sight at nagmadali akong tumakbo palabas ng cr habang takip yung mga mata ko.

I saw.....i saw two girls, one girl is in between the other girl's legs. OMGGGG.

Di ko nalang namalayan na nakabangga na pala ako.

"Watch where you're going-" Tinaas ko yung ulo ko at nakita ko na si ma'am granade pala.

"I-I'm sorry p-po ma'am" yumuko ako sa kanya at nag lakad papalayo, bigla akong na out balance, humanda na ako na maki pag face to face sa sahig pero hinawakan niya yung kamay ko to prevent me from falling.

"Are you okay?" Tanong nito sakin, luh? Nasapian ka ma'am? Nakatalikod ako sa kanya kaya hinarap ko siya.

Nabigla naman ako kase ang lapit pala ng mukha namin. Nagmadali naman akong kumawala sa kanya.

"O-okay lang po ako" Actually kanina pa tong umaga sumasakit yung ulo ko, pero hindi naman na malala kaya keri ko pa.

"Are you sure Miss Funtamuerte? Namumutla ka kase" Ano ba tong nakain ni ma'am? Bigla nalang bumait.

Namumutla? Bwisit kase yung mga babae eh! Out of all the places, dito pa talaga sa school ang napili nila!

"W-wala to ma'am, sige na po alis na ako" Hahakbang palang sana ako nung sumakit ng todo yung ulo ko.

"Miss Funtamuerte!" Narinig kong sumigaw si ma'am granade, andito pa pala yun?

Napa upo ako sa sahig habang nakahawak sa ulo ko. Ang sakit talaga. Hindi naman to ganito ka lala ah.

Dahan dahan ko namang tinaas ko yung ulo ko nung may naramdaman akong nakahawak sa mga pisngi ko.

"Miss Funtamuerte what happened?!"

Sheet feeling ko mag papass-out na ako.
The last thing i saw was ma'am Granade's worried face.

Then everything went black.











A/n
Revised

When The Ice Melts - (profxstud)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon