Season 2 - Chapter 24 *We met*

Start from the beginning
                                    

“Aysus. Nambola pa. Sige. Maya maya lang din, matulog ka na ha. Maaga ka pa bukas.”

“Opo. Good night kuya!” then hinug nya pa ko ulit at pumasok na siya sa kwarto niya.

Hindi naman kalakihan yung condo namin. May dalawang rooms lang para samin ni kuya at may kusina, may banyo at may terrace. Kasyang kasya lang para saming dalawa. Tinago ko na yung mga chocolates sa ref at nag tooth brush na ko. After nun, pumunta na ko sa kwarto ko.

Bago ako matulog, naalala ko yung sinabi sakin ni kuya.

 

“Alam mo bunso, panahon na siguro para magpa ligaw kana ulit. 24 years old kana, pero tandaan mo na hindi ako papayag na magpakasal kana ha. Pwede siguro pag 30 kana!"

Then biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni Daniel dati nung unang buwan na nagtatawagan kami nung makarating na siya sa Amerika.

*flashback*

1 month after he left me. Long distance conversation.

“Hi kath. Alam mo ba, Araw araw akong dumadalaw kay lolo sa hospital. At the same time, nag papart time job ako dahil nahihiya naman akong manghingi ng pera kila mama lalo na ngayon at nahihirapan sila. May mga ibang nakaka kilala sakin dito, may advantage din pala na naging artista ako dyan sa Pilipinas at nakakuha ako ng magandang part time job. Kamusta kana dyan? Okay ka lang ba? Kumain ka naba?”

“Oo. Alam mo DJ, dahil sa sobrang pagka miss ko sayo, umuwi ako kila papa. And guess what? Pinadalhan nila ko ng alimango. Yung favorite natin! Eto nga oh, at kinakain ko ngayon. Yumm!!”

 

“Waaah! Pahingi! Pag himay mo ko daliii!!”

“Pwede ba yun?”

“Oo. Pumikit ka. Tapos i-imagine mo na nasa harap mo ko. Dali, pipikit din ako. Kunyari kaharap kita at inaantay na subuan mo ko ng alimango.” Pumikit ako nun at inimagine na nasa harap ko siya.


“Daniel.. Say ahhhhh!!!!”

“Ahhhh!!” tapos tumawa siya. “Kath, ang onti ng sinubo mo sakin. Ang damot mo talaga. Gusto mo sayo lang lahat! Takaaaw! Hahaha!”

Bigla akong napahinto nun at umiyak. Umiyak ako ng umiyak sa telepono nun habang kausap ko siya.

“Daniel.. I miss you. Umuwi kana please? I miss you!!!!”

“Kath, kung alam mo lang kung gano ko kagusto na bumalik na dyan. Hirap na hirap nako dito, pero nilalakasan ko yung sarili ko dahil gabi gabi kitang iniisip. I love you! Sige, kumain ka lang. Patapos na tong call kasi medyo may pagka mahal na. Matutulog narin ako dito. Ingat ka dyan ah. Umaga na dyan diba? Papasok kana?”

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Where stories live. Discover now