1 - [ Chaos Descent ]

Start from the beginning
                                    

Meanwhile...

Habang pumupuslit ng tingin ang binata sa daan ay napansin ni White na tila may dumadaan sa kanilang bintana.

"Hmm?"

Dali-dali itong lumabas para i-check kung ano o sino iyon ngunit ng sinuri nya ang paligid ay wala syang namataan na kung ano man.

'Hmm...Masyado lang siguro akong napagod sa tuloy-tuloy na pagluluto.'

Nawala ang kaba na panandalian nyang nadama at huminga ng malalim.

Matapos i-double check ang paligid ay bumalik na siya sa kanilang mesa kung saan masayang kumakain at nag ce-celebrate ang pamilya ng pasko.

• • •

Lingid sa kaalaman ng mga tao, ang kapalaran ng mundong kanilang ginagalawan ay nagsisimula ng umikot muli.

Sa isang sulok ng maliit na tila kwartong espasyo ay masisilayan ang anyo ng isang babae na ang mukha ay nakabalot ng magandang maskara.

{'kinakailangan ba talaga natin na gawin ito?'} pag-aalala na tanong ng babaeng pigura. Umalingawngaw sa paligid ang malumanay at malambing niyang boses.

{'Kung titingkayad lamang tayo sa ating kinalalagyan at walang yayariin, ang daigdig na ating kinakalinga ng napakatagal na panahon mula pa sa ating pagkamulat ay magugunaw na ng tuluyan!'}

Madarama mo ang kanyang galit sa bawat pariralang bumubuhos mula sa boses ng lalaki, na ang pigura ay nakatayo sa sulok ng silid.

{'Ngunit!'} Nais sana ipahayag ng babae na ipahayag ang kanyang pag-aalala sa lalake at pigilan ang kung ano man ang pinaplanong gawin ngunit sinapawan siya sa pagsasalita.

{'Batid ko kung ano ang nais mong ipahayag. Ngunit, kung hindi tayo aaksyon ngayon, kailan?'}

Nagkaroon ng isang minutong katahimikan bago magpahayag uli ang babae ng kanyang ligalig na pag-aalala sa mga tao.

{'Oh, ama naming mahabagin, dalangin namin na sana ay malampasan ng sangkatauhan itong mga pagsubok na kanilang kakaharapin.'}

Habang nakatitig sila sa tila walang katapusang kadiliman sa isang sulok ng kalawakan, ibinulong nila ang kanilang hangarin para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

• • •

December 31, 2012.

Habang humuhupa na ang takot at gulo sa mundo dahil sa nasabing prediksyon ay tuloy-tuloy naman na sumibol ang kanilang pagkasabik sa New Year.

Si White Alyan, na ngayo'y nasa com-shop kasama ang kanyang mga kaibigan matapos magpaalam na sa kanyang mga magulang, ay biglang nakatanggap ng text sa kanyang cellphone.

"Boi, yung phone mo tumutunog." Blaster said after noticing a phone ringing. He is currently waiting for his champion to get revived.

"Hmm?" Noticing his friend's gesture, White swiped the one side of the headphone behind his ear and asked "Ano 'yon?"

Blaster only gestured towards his phone and White saw a message icon.

He understood it immediately.

White Click his tongue since he already knew what would be the content of that message.

"Last game." he stated after the kill announcer on the monitor screen announced 'Penta Kill'

***

"Hayssss.. Sinabihan kona si mama kanina eh." White grumbled. He planned to celebrate New Year with his friend in the com-shop but it looks like he has to cancel it again.

New Light! [ Taglish ]Where stories live. Discover now