0 - [ Prologue ]

Beginne am Anfang
                                    

Many questions plagued his mind that, until now, have had no answers.

'Until I grab and raze those Deities' necks to the ground, I'll play along nicely in this game they laid upon in front of me.'

White was struck with unexplained emotion as he witnessed a scene playing directly in front of him.

It was something and a feeling that he would not even imagine he would feel and experience in his entire life.

Habang sinusubukan pang intindihin ni White ang mga pangyayari, isang pitch-black smoke na hugis daliri ang biglang humablot sa kanya at hinila sya pababa sa kadiliman na kung saan nagmula ang usok na iyon.

• • •

The magnificent daylight came tenderly to its wake.

Ang tunog ng tilaok ng mga manok at magigiliw na huni ng mga ibon ay mapapakinggan ng mga tao kahit na ang mga ito'y nagmula sa malayo.

The uplifting rhymes and hymns of these animals greet these waking humans.

Sa isang tahanan ay mamamataan mo ang isang binata na biglang napatalon sa kanyang pagkakahiga.

Naumpog ito sa sulok ng bunker bed na kung saan ito nakahiga at tulalang hinihimas ang noo na tila ba may inaalala o gustong alalahanin.

"What was that dream?" White profusely wondered.

"Bat pakiramdam ko importante 'yon pero ni isang parte ng panaginip is wala akong maalala Aray... " He tried to recollect the dream, even just a fragments of it but it only resulted of him getting headaches.

Hinilot nalang ng binata ang kanyang noo dahil nadin sa sakit ng pagkaka-untog.

Nang dahil sa ingay at paggalaw ng higaan mula pagkaka-utog ay nagising ang kapatid nya na nakahiga sa itaas ng bunker bed.

"Uggghhnn... Ano ba kuya? Ang aga-aga pa oh! " Zia got cranky at the abrupt awakening and yelled.

White immediately apologized and explained "Binangungot kasi ako bigla. Ngayon, gusto kong alalahanin pero for some reason, hindi ko matandaan kung ano yon."

"Arrghh..Tsk." She grunted. "Dami mong sinabi!"

White got confused and squinted his eyes, clearly worried that his sister need some medical help but then after his gaze shifted to the calendar on the wall, he now understood why.

"Hayyy..."

Hearing this, his sister pop out her head to glare at him and started rapping.

"Hayy? Eh kung bumili ka don ng pandesal sa labas at gawan moko kape, edi sana hindi mainit ulo ko!"

Habang gigil na gigil si Zia na mag utos sa kanya, dahan-dahan naman syang umaalis sa kanyang higaan.

"Bilisan mo bago ko basagin yang ulo mo dahil sa pag gising mo sa akin! "

Nasulyapan ni White ang pag pulupot ni Zia ng kanyang sarili gamit ng kumot at nagpigil ng tawa.

'What a child'

"Sure sure. Gisingin nalang kita ulit pag ready na ang iyong breakfast mah..ladeh~ " ani White na ngayo'y mabilis na lumabas ng kwarto.

Huminga siya ng malalim matapos humikab habang hinablot ang pera na nakapatong sa itaas ng TV.

"Oh, nak, ang aga mo yatang nagising ngayon?" Agad na bati ng kanyang inang nasilayan siyang naglalakad palabas ng pintuan habang nag didilig ito ng halaman

"Magandang umaga ma." Bati naman ni White sabay nag mano po.

"Binangungot lang ako kaya ayun, nagising ako ng mas maaga ngayon."

"Ganun ba. Naku, dika siguro natulog ng maaga noh? " biro ng kanyang ina. "Kaka selpon mo yan" dagdag nito habang natatawa.

"Ma naman eh."

"Joke lang, ikaw naman kuya" they both laugh wholeheartedly as the morning light gently shines with their bright smiles.

"Oo nga pala, saan ka nyan pupunta ngayong kaaga-aga pa?"

"Bibili lang po ng pandesal at kape dun sa tindahan." White answered, he suddenly remembered his sister's grumpy expression "At saka," he immediately added "nagsisimula na ang buwan ni Aya."

Tumawa ng marahan ang kanyang ina ng narinig ang katagang ito.

"Okay sige sige. Wag kang mag alala, bibili ako nyan mamaya din." His mother understood his concern and before White's departure, she handed him extra money.

"Kunin mo nadin ito para pandagdag pambili ng kape dahil pauwi na din ang tatay mo."

"Okay Ma, balik din ako agad." Ngiting sagot ni White pagka abot ng pera sa kanya.

• • •

Habang naghihintay si White na mai-abot ang kanyang binibili, nakita nya ung news report na ibinabalita ngayon sa telebisyon sa harap ng tindahan na kanyang binibilhan.

[Nag anunsyo ng nakakabahala na prediksyon ang sikat na 'Mystic fortune teller' ngayong taon! Paniniwalaan ba natin ang hindi kapanipaniwalang prediksyon na ito? O ipapasa nalang ba natin ito bilang isang haka-haka?]

"Sikat na fortune teller? sinasabi na guguho na mundo sa katapusan ng taon? anong klaseng kalokohan iyan." Inis na sambit ng tindero ng marinig niya ang binalita sa telebisyon.

'Yeah.. I don't think that will happen anytime soon anyways.'

Inabot na ng tindero kay White ang kanyang binibili at sinabing "Salamat! Balik ka ulit!" habang nag sisimula na itong maglakad papalayo sa tindahan.

Puno ang daan ng mga abalang tricycle at Jeepney habang naglalakad sya pauwi sa kanilang tahanan.

Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad, nakaramdam siya ng kaba at hindi din mapalagay dahil sa balitang nakita nya sa telebisyon kani kanina lamang.

'Alam ko naman sa sarili ko na imposibleng mangyari yun pero... bakit kinakabahan ako sa balitang yun?'

Binalewala niya na lamang ang naiisip niyang iyon at nagmadaling naglakad deretso sa kanilang bahay.

New Light! [ Taglish ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt