Chapter One

14 0 0
                                    

MARIIN siyang napapikit, sumasakit ang ulo niya dahil sa walang humpay na dakdak ng tatay niya. Her head is throbbing like a bitch, dahil sa naparami ang inom niya kagabi kasama ang mga dating kaklase sa high school para sa reunion nila. Dahil sa sobrang katuwaan ay nasobrahan rin siya alak. She enjoyed every bit of the party, she was still popular among the boys like what she used to be in high school. However, she doesn't like dating anyone in La Lucia.

"Mija! Hanggang kailan ka ba ganyan puro ka na lang party. You should be focusing on our business. Hindi iyong panay ka gala kung saan, puro alak inaatupag mo! Ni wala ka nga nobyong maipakilala sa 'kin."

Here we go again, she thought and sighed heavily masakit na nga ulo niya dinadagdagan pa ng tatay niya. She grunted and rolled over to the other side of the bed.

"Paano na lang kung wala na 'ko? Ano na lang ba ang gagawin mo sa buhay mo Callixta?! How can you handle our business kung puro alak lang laman ng utak mo. I trained you for years pero hanggang ngayon hindi mo pa rin gamay ang mga negosyo natin?"

"Good morning din sa 'yo, Daddy!" she greeted not minding what her father had said. She stretched her arms and groaned as she sat down.

"Ha! Do you think it is still morning Callixta? It is already twelve noon and you are still in bed. Bente cinco anyos ka na, you should prioritize things already. Hindi sa lahat ng oras papangaralan kita-"

"Dad please," she pleaded and sighed. Nanghihina siya sa mga litanya ng tatay niya.

"Por Dios Por Santo! Huwag mong hintayin na gagawa ako ng paraan para putulin ang sungay mo. Kung buhay lang sana ang iyong ina, this wouldn't happen. You wont be this kind of lady, I am sure your mother will guide you."

"Oh, please Daddy! Let Mommy rest, huwag mo na ngang bulabugin si Mommy. I know you miss Mommy so much, I do missed her too kahit wala akong memorya tungkol sa kanya. If you want to love someone else Daddy, I wont stop you. Para naman hindi lang ako ang pinagdidiskitahan mo."

"No, I promised your mother she will be the first and last woman I will marry and love 'til I die. Kaya nga kita araw-araw na pinagsasabihin. We don't know what will happen, I might die any moment. Kaya kung ayaw mo mag-asawa, magtino ka."

She smiled sweetly, "I love you , Daddy."

Her Dad sighed in defeat. "I do love you very much, Cara Mia. And I want the best for you please cooperate. Huwag mo akong daanin sa lambing."

Umalis siya sa kama at agad na niyakap ang ama, "I love you Dad. Huwag ka ng magalit please, saka hindi ka pa mawawala. You'll be with me until the end of the world."

Her Dad hugged her and kissed the temple of her head, "Hay naku! Alam na alam mo talaga paano ako paikutin bata ka,"

"What's for breakfast, Daddy?" malambing niyang saad at humiwalay sa pagkakayakap.

"It's twelve noon already, Cara Mia."

"Eh, 'di lunch! Ikaw talaga, Daddy."

"Go fix yourself. I'll tell Manang Amy to arrange your brunch. I will not join you, aalis ako papuntang Metro to check for our other business their. Will talk once makauwi ako."

"Ilang araw kang mawawala, Daddy?"

"I'll be out for a week or so, kaya umayos ka, Please take care of our farm and other business here. Mayi, my secretary will update you for your schedules. You'll attend some meetings in behalf of me."





Missing Heirs: Xandro Callixto  (Soon-to-be-published in PAPERINKPUBHOUSE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu