31. Dinner with family

255 8 0
                                    


"Ouch! Dahan dahan naman."

Mas lalo ko pang diniinan ang bulak sa sugat niya sa gilid ng labi. "Masasaktan ka talaga kapag hindi ka nagsabi ng totoo."

Hinawakan niya ang kamay ko at nilayo sa may sugat niya. "Natamaan nga lang ako ng bola."

Kinuha niya na ang mga gamit niya na nakapatong sa mesa at tsaka nagpaalam na uuwi. Hindi na ako nag-abala pang ihatid siya sa labas.

Hindi pa rin ako mapakali sa kakaisip kung ano ba ang nangyari. Tinitigan ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Oliver. Gusto ko siyang tanungin pero parang ang unfair ko naman sa kaniya? Pero sigurado ako na may kinalaman to kay Oliver.

Panay ang text sa akin ni August. Wala naman ako sa mood magreply sa kaniya. Why he doesn't want to tell me what happened?

August:

Are you mad?

He sent the message thrice. Makalipas ng isang oras ay tumunog ang cellphone ko. Narindi na ako sa paulit-ulit na pagtunog nito kaya sinagot ko na.

"What?!"

"Are you mad at me?" Punong-puno ng lambing ang boses niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Is there a reason for me to be mad at you?" Hindi ko mapigilang hindi maging sarcastic.

We are lovers. Yes, and at the same time we are bestfriends. Sana lang natatandaan niya pa 'yon.

"Wala naman...nasa baba nga pala ako."

Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang harapin pero hindi pa ako tapos sa pag-iisip ng katukin ako ni mama. "Nak, andiyan si August sa labas."

Agad na lang akong bumaba at nagcross arms sa harap niya habang siya ay nakasandal sa kotse niya. Kahit galit ako sa kaniya hindi ko maiwasan humanga sa kagwapuhan niya.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at tsaka ako hinila papasok sa kotse niya. Agad naman siyang umikot at pumasok na rin sa kotse niya.

"Hoy! Saan tayo pupunta?"

"Date." Tipid niya lang na sagot.

Pigilan mo ngumiti Kirs. Galit ka sa kaniya, hiwag kang kiligin. Hanggang hindi nagsasabi ng totoo sayo 'yang boyfriend mo huwag kang magpapadala sa pagiging sweet niyan.

Napatingin ako sa suot ko at tsaka ko lang na realize na nakapajama na pala ako. "Iuwi mo ako sa bahay."

Umiling lang siya habang naka concentrate sa pagmamaneho. Agad ko na lang iniwas ang tingin sa kaniya dahil kung nakakatunaw lang ang tingin paniguradong kanina pa siya tunaw.

"Halika na." Pinagbuksan niya ako ulit ng pinto ng kotse niya. Nasa harap kami ng isang mamahaling restaurant.

Niloloko ba ako ng lalaking to? Baka kapag pumasok kami diyan na ito ang suot ko ay pagkamalahan akong katulong ni August.

"Ayoko." I crossed my arms once again. Sabihin niya ng maarte ako pero hindi ako lalabas sa kotse niya.

Hinila niya ulit ako palabas pero agad akong kumapit sa pinto ng kotse niya. Pinagtitinginan kami ng mga tao, iniisip siguro nila na nababaliw na kami. "Halika na kasi girlfriend."

"Ayoko nga Agosto!"

Napabitaw na ako sa pinto ng kotse niya kaya agad niya itong sinara. Akma pa sanang tatakbo ako pero agad akong binuhat ni August at tsaka kami tumawid sa harap. Doon ko lang na realize na sa boutique pala kami ni tita Hazel pupunta.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon