13. He is falling deeply inlove

343 10 0
                                    

Nasa harap ako ng laptop ko dahil sa research paper na ginagawa ko. Kailangan ko na tong ipasa bukas. Nag-unat ako ng braso, medyo inaantok na ako wala pa akong tulog simula kagabi. Pinaikot ko ang swivel chair at nagulat ako ng makita ko si August na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko na pormadong-pormado habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa loob ng kaniyang bulsa.

"Ayos ba porma ko?" Ngumisi siya sa akin at iniintay ang aking sagot.

"Nakakatakot yang buhok mo, baka kapag may nalaglag diyang butiki ay mamatay." Natatawa kong biro sa kaniya. Nakataas ang mga buhok niya, bagay naman ito sa kaniya pero mas gusto ko yung buhok niya na nakabagsak lang.

"Hindi ba bagay?" Lumapit pa siya sa salamin na nakadikit sa dingding ng kwarto ko at sinuri ang kaniyang hitsura.

Umiling ako sa kaniya "mas bagay sayo yung nakababang buhok."

Pinilit niyang ibaba iyong buhok niya pero dahil nga sa may wax yung buhok niya panget ito tignan. "Ayaw na maayos e."

"Liguan mo na lang sa banyo." Tinuro ko yung pinto sa cr ng kwarto ko.

Hinubad niya yung t-shirt niya at inihagis sa kama ko, napalunok ako ng mapatingin ako sa katawan niya. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa ginagawa ko, makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na rin siya.

"Pare, asan tiwalya mo?"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Naramdaman ko ang pagdikit ng katawan niya sa balikat ko. Sa may bintana ko nga pala nakasampay ang tuwalya, sana pa lang ay inabot ko na lang sa kaniya.

Tinignan ko siya at nakita ko ang pag-upo niya sa kama ko habang kinukuskos ang kaniyang buhok. Kahit ano yatang gawin niya ay napakaperpekto pa rin sa paningin ko.

Sinuot niya na ang tshirt niya "pare aalis na ko ha? Itatanong ko lang talaga sayo kung ayos ba porma ko. May date kasi kami ni Dayana, monthsary namin ngayon."

Tumawa na lang ako sa kaniya "ayos ah, na monthsary ka na ngayon dati daysary lang ang naeexperience mo."

Tumawa din siya "wala e."

Sa lahat ng nakarelasyon ni August, si Dayana ang pinakamatagal. He is falling deeply inlove, I guess.

Natapos ko na rin yung research paper ko kaya naisipan ko muna matulog. Sobrang haba ng tinulog ko, na hindi ko namalayan hapon na pala.

Nagtext sa akin si Dayana "August is so sweet, he gave me a bracelet with infinity."

Hindi na ako nag-abala pa na replyan siya. Maya-maya pa tumawag siya sa akin.

"Ohmygosh Kirs!" Sigaw niya pagkasagot ko sa tawag niya.

"Chill what happened?"

"Si August, I swear I'm super inlove with him." I just nodded, as if she would see me. Kailangan ko ba talaga marinig ang kwento niya?

"Nawala siya kanina ng ilang minuto then she came back with bouquet of roses. Ang dami ngang nakatingin sa amin sa mall e."

She giggle while telling me her stories "ah Dayana, may gagawin pa kasi ako e. I need to hang up." I lied, ayoko ng marinig ang kwento niya. Yung malaman ko pa lang na sila na at nagtitino na si August is already hurting me.

In the first place, this is what I wanted. Yung makahanap si August ng babaeng mamahalin niya ng totoo.

Past 6 ng dumating si mama. "Nak, suotin mo to. May pupuntahan tayong party."

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon