Kabanata 12: You're Mine, Forever

Start from the beginning
                                    

Tsaka kung may manliligaw man, baka ako na lang ang manligaw sa kanya.

Feeling ko rin naman na nanliligaw na 'ko noon pa, ilang dates din kami noon kahit na sobrang busy ako pero of course sa tingin niya ay 'di yun date.

Nag-Splash island at Ocean view pa kami 'no. Kulang na lang at nag-Hawaii na kami kaso nga busy kami na hindi na 'ko nakabili ng ticket.

E 'di sana naisuot ko yung mamahalin kong swimsuit, bwisit talaga!

"Geneva."

"C'mon, Dominic... alam mo naman na matagal na kitang mahal 'di ba?"

Tumayo ako at lumapit sa kanya, nagulat siya sa lapit na'ming dalawa sa isa't-isa pero nakatitig lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa pader sa likod ko.

"Di ka pa rin nagbabago, you're still ignoring that fact that I'm in love with you~" asar ko.

"Geneva I..."

Bakit nga ba pagdating sa mga ganitong topic ng mga usapan na'min ay sinusubukan niyang ibahin ang usapan o umalis na lang?

Is it that awkward for him? Anong problema sa babaeng minamahal ka, Dominic?

"Wait a minute... do you not want to be with someone because you had an ex-girlfriend who had broken your heart before?"

Naisip ko 'to noon. Baka may naging jowa siya na mahal na mahal niya pero niloko lang siya, pero baliw naman din ang theory na yun.

Tingnan mo naman kasi ang mukha ni Dominic, sino naman ang maghahanap pa ng iba kung siya ang boyfriend mo?

Kung ako nu'n 'di na kami magkakaroon ng relasyon, lakad na agad sa altar para pang-poreber.

Gwapo na, matangkad, maganda rin ang katawan, tsaka matalino rin!

Nag-aaral din siya para makatapos siya nang kolehiyo, he's still in college, he's taking a distance learning online college because he's working for the family until to this day.

He's perfect. He's the ideal man!

"Uh, no."

"Talaga ba? 'Di mo 'ko chinachaka, ha?"

"No, I'm not."

"Eh girlfriend? Ilan na naging girlfriend mo?"

Honestly, ayokong itanong 'to sa kanya.

I was scared because I might get jealous, ilang beses na rin ako nagselos sa mga babaeng nakasama niya o katabi niya kapag nagtatrabaho siya, tsaka noon nung kinakausap niya yung kapatid ni Silas.

I don't even want to think about it.

It annoys me, gano'n naman din ako, nagkaroon din ako ng mga boyfriend mo noon pero feeling ko they're all nothing compared to Dominic kahit na wala namang kami.

Walang kami. That sucks. Tinatanong ko pa rin sa sarili kung ano nga ba kaming dalawa sa isa't-isa?

I mean we're friends, but I don't want us to be just friends. Mahal ko siya at alam niya na mahal ko siya, anong klaseng relasyon yo'n?

"Just two."

"Two?"

Masaya dapat ang reaksyon ko dahil at least hindi siya playboy, pero parang 'di pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

Loving You With My Hands Tied ✔️Where stories live. Discover now