Kabanata 4: If You...

150 50 0
                                    

Kabanata 4: If You...

"Do you still wan--"

"Of course I want more of that chocolate cake." I didn't even let him finish anymore, I was upset and just pissed at everyone.

I can't curse and get mad at my sisters or even our employees except Dominic. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit eh, naiinis pa rin ako, sobrang inis ako sa sinabi niya na magkaiba raw ang mundo na'ming dalawa, baliw ba siya?

He sounded just like my classmates, sa simula pa lang puro sila asar sa'kin na iba ang lebel ko sa kanila kasi anak mayaman ako, mukha bang pinili 'kong maging mayaman? Hanggang ngayon gano'n pa rin ang mga kaklase ko, kahit teacher ko na rin.

Ang sarap lumipat sa NEO eh, kaso heto, nanatili pa rin ako sa private school malapit sa mansion na tinitirhan na'ming mga magkakapatid.

"What about some jui--"

"I wanted Iced coffee, yaya. Iced coffee not juice!" tinaas ko pa ang boses ko sa galit, narealize ko yung nagawa ko at kung paano yung apekto ng tono ng boses ko sa kanila kaya tumayo na lang ako at tiningnan sila nang matalim.

I could tell how nervous they are right now, I am so sorry but I am pissed and I am this close to snapping at everyone. I've never felt such a surge of emotions before until now. Parang ang dami kong pinagdadaanan tapos gusto ko na lang ilabas at itapon ang lahat nang yo'n.

"M-Ms. Dixon... a-are--"

"I am hundred percent alright, yaya. Right now I just want to be away here, please ask one of our drivers to take me to the nearest mall."

"N-Ngayon na p--"

"Ay hinde bukas, of course ngayon!" huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

I can't keep acting like this, I can't be just like Karine, kailangan kalmado ako dahil lagi naman akong ganito. Gulat silang lahat dahil ito ang pinakaunang beses na talagang galit ako, yung konti na lang mananapak na 'ko.

I'm usually like this during PE class but not once here, in front of my family and our employees.

I need to get away from here before I do something, before I say something and pour it right in front of Dominic. Bwisit, bakit pa ba siya nandito sa tabi ko? Titig na titig pa rin siya sa'kin, tusukin ko yang mata niya eh e 'di bulag yan.

"Y-Yes, Ms. Dixon."

'Di ko na siya pinatapos at naglakad sa hagdanan papunta sa kwarto ko, kukunin ko yung bag ko at aayusin ko na lang din yung buhok ko, 'di ko pa nasusuklay sa inis.

Nakakabwisit din, bakit ba ang init sa mansion na 'to? Wala man lang ba AC na nakabukas ngayon? Putek naman eh! Parang lahat na lang nang mga bagay dito ay ikinagagalit ko na, mas matindi pa ang init kaysa sa Hawaii.

"Aster."

"Sinong Aster?" nabibwisit kong tanong sa taong tumawag sa'kin.

Lumingon ako at nakita ko agad si Karine na blanko ang ekspresyon na nakatingin sa'kin, may hawak pa siyang dokyumento, bwisit din ako sa kapatid ko eh.

Ba't ang ganda niya? Sayang ang mukhang yan 'di niya ginagamit para sa pagiging aktres o modelo, maarte rin siya tulad ni Cerine eh. Mas matalino pa siya sa'kin, mabibwisit nanaman ako.

"What is wrong with you?"

"Nothing, the question you should be asking is if there's something wrong with the people here, now if you don't have the answer to that... I'll leave, bye."

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon