Kabanata 3: Worlds We Belong In

Magsimula sa umpisa
                                    

At tsaka, nakakapagod nang mag-isip nang mga ganyang bagay. Naliligo naman ako at nagsusuklay, okay na yun kaysa ang perpekto mo pero 'di ka naliligo.

"Of course! Maganda po kayo!"

"Right?"

Nabalik ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. Medyo malaki naman ang mga mata ko, medyo tuwid naman ang kilay ko kaya mukha akong inosente, matangos ang ilong at sexy naman yung labi ko.

I look good! Maganda ako!

"Bakit? May nagsabi bang panget ka, hm?"

"No... I just want to make sure na maganda talaga ako sa ibang tao."

"Alright, Ms. Dixon."

Compared to me, my siblings also looked as good as me but of course, there will be differences between us. Gwapo naman si kuya Elijah kahit na nakasalamin, 'di man magkamukha sina Karine at Cerine halata pa rin na maganda silang dalawa in different ways in vibes.

Si Norvina naman maganda rin, parang the more she stays in the province the more she gets prettier every single year.

Alam ko na magaganda at gwapo yung mga myembro ng pamilya na'min. Pero... never ko pa naisipang titigan ang sarili ko sa salamin at tanungin ang sarili ko kung maganda nga ba talaga ako... until now.

It's my very first time staring at my own reflection in the mirror for this long, kahit nga na nagmamakeup ako 'di naman ako ganito katagal tumingin sa sarili ko eh.

Kinaumagahan, pagkagising ko tumayo agad ako at tiningnan ang sarili ko ulet sa salamin. Wala akong makeup, maputla ako... masyado akong maputi, siguro maganda ring mag-tan pa minsan minsan para may kulay naman yung mga pisngi ko.

Pero it's not like I really need it. Maganda ako because I'm me, 'di ba? Kahit maputla ako maganda pa rin ako, pake ko sa ibang tao at sa tingin nila?

I never cared about anyone's opinions, I am beautiful... I rea--

"Good morning, Ms. Dixon."

Nabigla nanaman ako nang marinig ko ang boses ni Dominic sa likod ko, sa mismong pintuan ko, lumingon ako para harapin siya na nakatayo lang.

Nakatayo lang siya pero ang gwapo pa rin niya. May pa bangs bangs pa siya kahit na natali ang mahaba niyang buhok, kahit na maitim ang mga mata niya ang pula naman nang mga pisngi niya, matangos tangos din yung ilong niya.

Tsk, see? Gwapo siya, maganda ako, bakit imposible?

Teka nga lang... bakit ito agad ang iniisip ko? Wala man lang bang isip muna nang almusal bago yung nangyari kahapon?

"Yes, Dominic."

Gumuhit siya nang malawak na ngiti sa direksyon ko, yung ngiting tipong ikamamatay mo, bakit nga ba 'di pa 'ko patay hanggang ngayon? Sobrang gwapo... nakakainis!

Kaya ba imposible kasi akala niya na mas maganda siya sa'kin kaya hindi balanced?

Ngayon talagang nababaliw na 'ko sa mga pinag-iisip ko, tama na yung isip isip nang mga ganyang bagay.

"Tapos na ba yung almusal?"

"Yes... you knew?"

"Of course, I'm just interested in eating with my family right now."

"Why... is that, Ms. Dixon?"

I felt the way his tone changed from my answer. Was he surprised by my statement? Kumakain naman ako nang almusal kasama yung mga kapatid ko pero 'di naman araw-araw, wala na 'kong klase ngayon kaya 'di ko na kailangang gumising nang maaga para pumasok sa eskwelahan.

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon