"Nah. Hindi na bro, mayron na kasing nag-iisa at napaka special niya for me." Sagot naman nitong nakatingin sa mukha ni Cathlyn na inaayos ang sarili.

"Really? Ipakilala mo naman samin, magkita tayo tonight sa Resto Bar ko, pati si Nathan ay darating din." Anito kay Vincent.

"Oh! Akala ko ba wala na siyang balak umuwi ng Pinas?" Tanong niya dito."Nah. Matagal na siyang nandito sa Pinas, hindi lang natin alam." Ani Gab.

"Okay, sige bro, magkita na lang tayo mamaya at pakibigay na lang ang address ng resto mo." Ani Vincent. "Mukhang nagmamadali ka bro?" Mapanuksong ani Gab sa kanya. Nakuha naman niya ang ibig iparating ng kausap.

"Langya ka bro, iba na naman yang iniisip mo." Anitong napakamot ng ulo, knowing Gabriel na malakas ang radar ng pang amoy.

"Bakit hindi ba bro?" Maluko nitong tanong. "Siraulo. Hindi yun, pupunta kasi kami sa bahay ng pinsan kong si Aljhon, birthday ng kambal nila ngayon." Paliwanag niya dito.

"Um. Pero, may kasama ka?" Tatawa tawang ani Gabriel dahil ang totoo ay hinuhuli lang niya ang kaibigan. At tama nga ito at may kasama si Vincent.

"Sira ulo ka talaga kahit kailan Gab. Sige na, magkita na lang tayo mamaya." Anito sabay patay ng tawagan. Si Cathlyn naman ay mataman lang nakamata sa binata.

"My old friend." Anitong muling binuhay ang sasakyan at pinatakbo niya. Dahil kung magtatagal pa sila doon ay baka hindi siya makatiis at meron mangyaring kababalaghan sa loob ng sasakyan niya.

NANG dumating sina Vincent at Cathlyn sa bahay nila Aljhon ay nandun na ang mga kaibigan nila. At mukhang kumpleto ang mga siraulo kaya inaasahan niyang pagkakaisahan na naman siya ng mga ito.

"Hey, bro. Akala namin naging makupad ka pa sa pagong. Bibigyan pa naman sana kita ng medicine na pang-energy busters." Ang nakangising ani Sean na kinakunot nang noo ng iba nilang mga kaibigan na naroon.

"At ano namang klaseng pang-energy busters yun Javier?" Kunot noo paring tanong ni Darren kay Sean.

"Oo, nga Javier, ano yun?" Curious din na tanong ni Andrew. Ang lahat ng mga kaibigan nila ay curious na malaman ang sinasabi ni Sean sa kanila. Ngunit natatawa lang ito dahil gawa-gawa lang niya yun.

"Mga tangna, naniwala naman kayo sa kanya e gawa-gawa lang niya yun." Ani Brent sa mga itong natatawa. "Gago ka talaga, akala ko pa naman ay totoo na." Ani Raven.

"Aba at mukhang interisado ka atang malaman Raven." Ani Rainier na nginisahan lang ng kapatid.

Si Vincent naman ay nakahinga ng maluwag. Dahil naligaw ang usapan ng mga kaibigan niya. Kaya labas siya sa sasabunin ng mga ito. Habang lihim siyang natatawa sa mga kaibigan niya ay biglang tumabi sa kinauupoan niya si Aljhon na kinaangat ng mukha niya.

"Oh! Ikaw pala bro, kumusta ang buhay may asawa?" Nangingiti niyang tanong kay Aljhon.

"Mahirap pero masaya," sagot nito. At nakikita naman yun sa mukha ng pinsan niyang masaya ito. "Ikaw. Kailan mo balak mag-asawa. Your free now, pweding-pwede kana mag-asawa." Si Aljhon na tila binabasa ang tumatakbo sa isip niya.

"Wag kang magmadali, papunta na tayo doon. Kailangan lang natin maghintay ng tamang oras." Anito. Napangiti naman si Aljhon. "Goodluck bro, if you need my help nandito lang ako." Sabay tapik ni Aljhon sa balikat niya.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" Ang nagtatanong ang mukhang si Marco.

"Wala naman bro, ikaw anong problima at napapansin kong laging malayo ang iniisip mo?" Tanong ni Aljhon dito.

"Kung kayo ang tatanungin, sino ang pipiliin niyo ang taong mahal niyo na alam mong magiging masaya ka sa piling niya hanggang kayo ay tumanda o ang taong kailangan ka dahil sa isang pagkakamali?" Seryoso nitong tanong sa halip na sagutin niya ang tanong ni Aljhon sa kanya. Napaisip ang dalawa sa tinuran ni Marco.

"Bago ka magdesesyon ng isang bagay ay dapat mo munang pag-isipan mabuti bro, kung tama ba o mali. At pag-aralan mo muna kung ano ang tunay na paksa ng nangyayari. Wag mong hintaying bigla kang pumasok sa isang setwasyong hindi kana makakalabas pa nito." Ang makahulogang ani Rainier ng makalapit ito sa kanila.

"Tama si Rainier bro. You need to think first, dapat mong alamin ang punot dulo ng lahat. Kung tama ba ang lahat, kung makatutuhanan ba ito. Kung sa geyra pa ay wag kang lulusub agad ng wala kang dalang bala." Sigunda naman ni Vincent. Kaya agad na napabuntong hininga si Marco sabay hilamus niya ng mukha gamit ang dalawang kamay. Nang lumingon si Marco ay napasunod naman sila dito. At ng makita nilang nakatingin siya sa nobyang kakwentuhan ang mga kaibigan nito ay tahimik itong tinapik ni Vincent sa balikat.

Dahil sa dinadalang problima ni Marco ay natigil sa biruan ang magkakaibigan, ganun silang magkakaibigan kung sa usapang seryosohan ay nagseseryoso ang lahat. Halos ang lahat ay nagbigay ng payo kay Marco kung anu ang dapat niyang gawin.

Nang matapos ang birthday party ng kambal nila Aljhon at Weng ay nagkanya kanya narin ng uwi ang magkakaibigan.

"Baby. Let's go." Aya ni Vincent kay Cathlyn. "Sis Weng, nag-enjoy akong nakasama kayo today. Thank you." Anito kay Weng na nakangiti.

"Aw. I'm happy to see you here too, sis. Kaya sana next time bumisita ka ulit dito." Ani Weng sa kanya. "Sure sis, basta hindi ako busy sa work at kung meron akong free time. Bibisitahin ko kayo dito." Sagot nito bago nakipagbeso-beso kay Weng.

PAGKAGALING nila Vincent sa bahay nila Aljhon ay tumuloy agad sila sa address na binigay ni Gabriel sa kanya. Magkahawak kamay na pumasok ang dalawa sa loob ng isang resto bar. Palinga-linga sa paligid ang binata bago siya nagtanong sa isang waitress na dumadaan malapit sa kanila.

"Excuse me, we are here to meet my friend----

---kayo po si Mr. Vergara?" Nakangiting tanong ng waitress sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. Itinuro naman nito sa kanya ang isang mesa kaya napasunod sila dito ng tingin.

"Okay. Thank you."

"Your welcome, sir."

Lihim naman napapaismid si Cathlyn. "Huler. Bitch. I'm here." Gusto sana nitong sabihin sa babae na panay ngiti kay Vincent. Ngunit pinigil niya ang sarili.

"Ehmmm."

Bahagyang tumikim si Vincent na kinalingon ng mga nakaupo sa mesang itinuro sa kanya ng waitress. "B-buddy. It's that you?" Ani Gab sabay tayo nito at nakipagkamay kay Vincent. "Bro?" Pilyo nitong tawag kay Vincent ngunit ang mga mata ay nasa mukha ni Cathlyn.

"Ugh! Shut up, bro." Sagot niya dito na nginisihan lang ng isa.

"Cathlyn?" Anang boses lalaki na kinagulat ni Cathlyn. "Monkey. Kailan ka pa nakauwi ng Pinas?" Tanong ni Cathlyn dito.

"Naman, monkey parin tawag mo sa akin hanggang ngayon? Maawa ka naman sa kagwapuhan ko." Anang isa na nakasimangot at si Cathlyn naman ay nginisihan lang ito. Akmang susugurin niya ito nang yakap ng pigilan siya nito na ipinagtaka ng dalaga.

Hindi mo naman mabasa kung ano ang iniisip ni Vincent habang nakatingin siya sa isa sa mga kaibigan niyang nandoon.

"Monkey ha. Monkey my ass, Barameda." Anito sa isip. "What?" Taka namang tanong ni Cathlyn sa lalaking kaharap.

"Ipakilala mo muna ako sa boyfriend mo bago mo ako yakapin. Dahil ayaw kong mabugbog ng wala sa oras dito." Ang natatawang anang isa. Kaya binalingan ni Cathlyn si Vincent at nakita niya itong magkasalubong ang kilay at puno ng katanungan ang mga mata.

"Um. Vincent, meet my brother Caleb. Monkey meet Vincent." Pakilala ni Cathlyn sa dalawa.

"Magkapatid kayo bro?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Vincent dito. "Oo. bro." Ani Caleb sabay nakipagkamay ito kay Vincent. Saka niya inakbayan si Cathlyn.

Nang makaupo na ang mga ito ay nagkakumustahan ang magkakaibigan. At gaya parin ng dati pabling parin si Gabriel, happy go lucky parin si Caleb at tahimik parin si Nathaniel. Kung hindi mo tatanungin ay hindi magsasalita. At lagi parin nakasuot ng makintab dahil ayaw atang gusot ang sinusuot niyang damit at lagi parin naka suot ng salamin sa mata. Ngunit hindi naman nakakabawas ng kagwapuhan niya bagkos ay nananatiling makisig in short handsome.

TBC.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Where stories live. Discover now