LIMANG araw na ang nakalipas noong gawin ng Brooch ang sponsorship sa St. Thomas. Ngunit pakiwari ni Shen ay parang kahapon lang iyon nangyari. She can still feel Ace's arms holding her body. Even its summer-like smell still linger in her nose.

Sa tuwing naaalala niya ang natural nilang acting-an no'ng mga panahong iyon ay hindi niya maiwasang kabahan. May epekto pa rin sa kaniya ang bawat pagdampi ng kamay nito sa balat niya.

"Day! Na ano ka?"

Napakurap siya sa tanong ni Stephen. Tiningala niya ang ang numerong nasa itaas ng elevator. Sa sobrang pag-iisip ay hindi man lang niya namalayan na malapit na sila sa ground floor. It's lunch break — and she hated it now.

"M-May iniisip lang ako." She took a heavy deep breath while closing her grip to the hem of her floral blouse.

Naiiling na bumuntonghininga si Stephen. "Day, iniisip mo pa rin 'yong mga tao rito? Jusko! Magkaka-wrinkles ka lang!"

Hindi niya napigilan ang matawa sa sinabi nito. Simula nang um-ere sa national T.V. ang marketing campaign ng kumpanya ay biglang nag-boom ang sales ng energy drink. Pumapangalawa na ito sa ratings na hindi gaya ng dati. Maging ang production team ay naghahabol sa pag-supply ng produkto dahil sa biglang pagtaas ng demand sa market.

Since then, most of her colleague appreciated her — lalo na si Spade. She can feel that she's so close to her dream! Ngunit ayaw niyang makampante dahil sa mga tao sa paligid niya. Some of them are making comparisons between her and Kristie. Kesyo ginagamit lang daw niya si Ace para ma-promote.

Pagkarating sa cafeteria ay agad niyang natanaw ang kumakaway na si Raffy. Kasama nito sina Stella at Cassie. Pati na rin sina Arnold at Rex. They even waved to them. Sa totoo lang, gusto na niyang takbuhin ang pwesto ng mga ito dahil sa tingin sa kaniya ng mga tao sa cafeteria. May iba naman na nakangiti. Pero 'yong iba masama talaga kung makatingin.

"What's with the face, girl?" bungad ni Stella nang makaupo siya sa tabi nito. Si Stephen naman ay naupo sa tabi ni Cassie. Good thing nagsisimula pa lang magsikain ang mga ito.

"Naku, day! Stress na 'yan sa mga tao rito. Masyado kasing iniintindi," ani Stephen saka nababagot na ikinumpas ang kamay nito. "Shen, ako na bibili ng pagkain mo. Ano'ng sa'yo?"

"Um..." she paused. "Kung ano na lang din ang order mo."

Umalis na rin si Stephen para pumila sa counter. Saglit pang inilibot ni Shen ang tingin sa mga kasama. Her forehead creased when she realized something.

"Rex, s-si Diego? Ba't hindi niyo kasama?"

"Uy! Hinahanap!" tudyo pa ni Raffy na ikinatawa ng mga ito. She just rolled her eyes.

"Hindi na papasok si Diego. Nag-resign na."

Literal siyang napanganga sa sinabi ni Arnold. "K-Kailan pa?"

"Last week pa. Akala ko nga sinabi sa'yo ni Stephen. HR kasi ang nag-asikaso ng resignation niya," ani Arnold.

Her brows furrowed. Diego left without even telling her! She find it so unfair. Matapos nitong umamin sa kaniya saka naman ito nawala. Inakala niyang may inaasikaso lang itong importante gayong patuloy pa rin naman ang pagbibigay nito sa kaniya ng mga bulaklak at chocolates. Minsan din niya itong nakikita na nakatayo malapit sa street light na patay-sindi. Hindi man niya makita ang mukha nito dahil sa suot nitong hoodie, alam niyang si Diego iyon. Ngunit naka-ilang tawag at text na siya rito ay hindi pa rin ito sumasagot, bagay na nakakapagpabahala sa kaniya.

"B-Bakit daw siya nag-resign?" takang tanong niya sa lalaki.

"Eh, nasaan ba siya ngayon? Sa hotel nila?" kapagdaka'y tanong din ni Cassie.

Love, ThirdWhere stories live. Discover now