Chapter 3

184 10 0
                                    

PABILING-BILING si Shen sa kaniyang kama at kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binabagabag siya ng note na kasama sa mga padala ni Third. Gano'n pa man ay pinalitan pa rin niya ng mga bagong bulaklak ang flower vase kanina. She even put temporarily the chocolates to the fridge.

She heaved a deep sigh. Sa sobrang pag-iisip ay pinili niyang kunin ang cellphone saka tinawagan si Stephen. Tatawagan dapat niya ito kanina. Ngunit naunahan siya ng pag-iisip tungkol sa katauhan ng kaniyang secret admirer kaya nalimutan na niya ang pagbabalita sa kaibigan. It's a bit late night. Pero umaasa siya na sana ay sagutin nito ang tawag niya.

Napaupo siya nang sagutin ng kaibigan ang tawag. "Gabi na, Shen," anito sa nababagot na boses. "Hindi ba 'yan makakapaghintay ng bukas?"

"Listen, nagpadala ulit si Third ng bulaklak at chocolates."

She heard Stephen groaned to the other line, "Day, kanina pa ako naghihintay ng update, jusko! Tapos tatawag ka sa'kin late na!"

She hissed. "Ang weird kasi ng note niya ngayon."

Humikab pa si Stephen sa kabilang linya. "Wait. Ano ba ang sabi sa note?"

"Seeing you up close feels so heaven to me. 'Yan ang sinabi niya sa note." Bumuntonghininga pa si Shen saka sumandal sa headboard ng kaniyang kama. "Malamang katrabaho lang natin ang lalaking ito."

"Hala, day!" Tila nagising ang diwa ni Stephen sa sinabi niya. "Baka si Diego 'yan?"

Awtomatikong umarko ang kilay niya sa sinabi ni Stephen. "Paano mo naman nasabi?"

"Look, he didn't asked you kanina kung saang lupalop ng Taguig nakatirik iyang tinitirhan mo. Did you even remember giving directions kanina habang pauwi tayo?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga. Ni hindi man lang ito nagtanong kung saan siya banda nakatira. Basta na lang huminto ang sasakyan kanina sa tapat nitong apartment niya.

"Not to mention na first time ka niyang hinatid," dagdag pa nito. "At saka, siya lang naman ang nagpapakita ng motibo. The cake thingy.  Tapos 'yong lunch. Naku, day! Skeptical ako."

"Eh, kung siya talaga si Third bakit naman may mga pa-ganito pa siya? Pwede namang sa office na lang niya ibigay 'yong flowers and chocolates."

"Para unique?" natatawang tanong pa ni Stephen. "Anyway, theory pa lang naman 'yan. Hindi lang naman siya ang lalaki kanina sa gathering."

She arched her brow. "So, that includes you?"

"Gaga ka! Lalaki pa ba ako sa ganda kong 'to?"

Natawa siya sa sinabi nito. "Pikon."

"O siya, matulog ka na't inistorbo mo na ang beauty rest ko. Bukas na natin ayusin iyang problema mo."

She paused at the moment and was about to speak. Kaso ay naunahan siya ni Stephen.

"Sige na! Sleep na, day! 'Yong note itabi mo lang. Dalhin mo na rin bukas."

"Ha? Bakit?" takang tanong pa niya sa kaibigan.

"Duh? Bukas nga natin iko-confirm kung si Diego ba talaga ay si Third. Hindi naman tayo pwedeng basta na lang mag-point out."

"Tama ka," aniya at napatango pa. "Sige, matulog ka na rin. Thanks sa time."

"Hoy, gaga! 'Yong chocolate, ha?" paalala pa ng nasa kabilang linya.

"Oo na. Sige na. Bye na."

She ended the call and put the phone back to the bedside table. Muli siyang humiga at sinubukang pumikit. Pero hindi pa rin siya madalaw-dalaw ng antok.

Love, ThirdWhere stories live. Discover now