Sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na humawak siya sa dibdib ng isang lalaki, maliban kay Stephen. At hindi niya maikalma ang mabilis na pagtahip ng dibdib. His hard chest made her flushed. Tuloy ay hindi niya naiwasang paglandasin ang mga kamay roon.

"Smile, Shen..."

She flinched. She did what he told her to do. Ewan na lang kung ngiti pa ba ang ginawa niya. Nasisiguro niyang peke iyon dahil sa bahagyang pagnginig ng sulok ng labi niya.

He then let go of her face. Ngunit gayon na lamang ang matinding reaksyon ng katawan niya nang biglang hapitin ni Ace ang baywang niya, bagay na wala naman sa script. Memorize na niya iyon kanina. Ngunit sa ginawa nito, animo'y naglahong parang bula ang lahat ng sinaulo niya. Everybody was swaying away their sanity with the tune of that rock song.

"You're the beauty that I've ever wanted for..." paos na bulong nito sa kaniya.

Her forehead creased. Wala naman iyon sa script! Sa halip na magtanong ay nginitian na lang niya ito.

Bahala na si Batman!

She tilted her head, as if giving access for him to do what he wants. Gaya ng nasa script, ngumiti siya ng nakakaakit. Hindi niya maintindihan kung bakit inaprubahan ito ng advertising gayong energy drink naman ang product nila at hindi toothpaste.

Hindi na alintana ni Shen ang pangangalay ng batok dahil sa pagtingala sa lalaki. His green gemstone eyes made her stick to its gaze. It's as if his eyes made her felt something she'd never had before. Nahigit niya ang sariling hininga nang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kaniya. His mint-like breath lingered through her nose, even his manly scent.

Really smell like a summer...

She can't calm her heart for beating so fast! In the ocean of people who swayed with rock songs, behind the neon lights, and in an open area... she felt so close with him.

Tuluyan na siyang napapikit nang isang pulgada na lamang ang agwat ng mga mukha nila. Kahit na malakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid ay naririnig niya ang sariling tibok ng kaniyang puso. Ang simpleng paglapat ng mga palad niya sa dibdib nito ay naging mahigpit na pagkapit sa suot nitong blue polo shirt. Kung pwede lang na himatayin na siya sa sobrang lapit ng lalaki ay baka nangyari na.

She can feel his hoarse breathing. Shet! Wala naman ito sa script. Hindi niya alam kung may nabago ba sa script o baka magkaiba ang binigay sa kanila ni Raffy. Ramdam na rin niya ang bahagyang paglapat ng katawan nito sa kaniya. And their situation sent chills down to her spine. Hindi malaman ni Shen kung maiiyak sa kaba o matutumba na lang dahil sa lakas ng pagtahip ng dibdib niya.

Sana talaga Lord matapos na 'to...

Agad siyang napamulat nang marinig ang malakas na pagpapaputok ng fireworks. Finally! Napatingala siya para makita ang makukulay na paputok. Kahit ang mga tao sa paligid nila ay pansamatalang natigil sa hiyawan para makinood ng fireworks display.

Agad siyang bumitaw sa pagkakakapit sa polo nito. Ngunit nahigit na lamang niya ang hininga nang mas hinigpitan ni Ace ang paghapit sa baywang niya. Muli na naman natuon ang atensyon niya sa lalaki. He's still smiling. Animo'y gusto siyang tunawin ng mga ngiti nito.

"S-Sir..."

Sa halip na sagutin ay ibinigay nito sa kaniya ang bote ng energy drink na hawak nito. This is the end part of the script! Saglit siyang napatitig sa bote bago iyon hawakan. She smiled to him, like how it was written in paper.

"I'm just here. I'm just within..."

Pakiramdam ni Shen ay hindi scripted ang pagkakasabi niyon ng boss. Because from that moment, she knew that Ace really meant what he said.



















Love, ThirdUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum