Chapter 23

25 17 0
                                    

┏━━━━━━━━━━━━━━━┓
CHAPTER 23
┗━━━━━━━━━━━━━━━┛

"I thought you left me"

Tumayo naman siya sa pagkaka-upo niya sa bench at lumapit sakin. Yumakap naman siya sakin kaya napa ngiwi ako

Akala naman naman kami talaga para ganyan ang kilos niya "I was too kind to leave you" Sagot ko at pina layo ko na siya

"Ano ba ang kailangan mo kay Prose para iwan mo ako"

"Secret na namin yun atsaka wag kana nga puro tanong" Tinarayan ko naman siya kaya napa kunot siya ng noo

"Sumakay nalang tayo ng ferris wheel para maka uwi na tayo. You still have work tomorrow so you need to go to bed early"

Agad naman ako pumayag sa kanya dahil mamaya daw ng 8 p.m ay magpapa fireworks sila. Gusto ko naman yun makita na nasa taas

Agad naman kami bumili ng ticket at pumila pa. Masyado kaming maraming sasakay kaya mahaba talaga ang pila

Hindi naman nag tagal ay naka pasok na din kami pero hindi pa din umaandar. Marami pa din kasing sasakay

"Bakit parang masyadong maaga ang pagpapa fireworks nila? Akala koba mga 10 p.m and above yun" Sabi ko at tinatanaw ang mga tao sa baba

"I don't know, baka nag iba ng schedule" Agad naman ako tumango dahil mukhang tama siya

Sinabihan naman kami ng lalaki na mag sisimula nang umandar kaya nag handa ako. Baka mamaya mahulog o kaya masira

Malaki din kasi ang ferris wheel kaya nakakalula. Pero agad din naman gumagaan ang pakiramdam ko pag tumitingin ako sa city lights

"Pretty right?" Tumango naman ako habang hindi pa din inaalis ang tingin sa city. Gusto kong kuhaan ng pic

Kinuha ko naman ang iphone ko at agad na pinicture-an ang view. Buti nalang maganda ang camera ng iphone

Tinignan ko naman si Xynon na naka tingin din sa labas. Ang hot niya tignan habang ang kamay niya ay naka hawak sa panga niya

Sobrang ganda niya tignan dahil na rin sa liwanag na nag mumula sa labas. Hindi na din ako nag aksaya ng oras at agad siya pinicture-an

Tumunog naman ang click kaya agad ko tinago ang iphone ko. Tanga Yvonne, bakit ngayon lang tumunog ang click kanina naman hindi

"Gusto mo pala ako kuhaan dapat sinabi mona agad" Sabi niya at nag smirk kaya napa ngiwi ako at inikot ang mata ko

"Labas ang pinipicture-an ko wag kang epal" Agad na depensa ko sa kanya kaya natawa siya "Sige sabi mo eh"

Wala naman nang bumasag sa katahimikan namin kaya hinawakan ko ang regalo ko sa kanya. Sana talaga magudtohan niya pag hindi itatapon ko nalang

Nilabas ko naman ang lagayan ng bracelet at nilabas ko yung sa kanya. Napa tingin naman agad siya dito

"What is that?" Umiwas naman ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. Dun ko din nalaman na nasa taas na kami

"Happy Birthday, Xynon"

Tinignan ko naman siya ng diretso sa mata at medyo inusog ko ang katawan ko para abutin ang braso niya

"Eto lang ang regalo ko. And i hope you appreciate that" Agad ko naman sinuot sa kanya iyon

Napa ngiti naman ako dahil bumagay iyon sa maputi niyang balat. Wow ang kinis nahiya naman kutis ko

Narinig ko naman ang sigawan ng mga tao na na nag co-countdown para sa fireworks. Tinignan ko naman siya ng diretso

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟮) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon