┏━━━━━━━━━━━━━━━┓
CHAPTER 15
┗━━━━━━━━━━━━━━━┛Agad naman ako napa tingin sa paligid nang bag labasan ang mga iba pang bampira mula sa mga bahay nila
Gulat din ang namumuo sa pagka tao ko dahil hindi ko alam na sobrang dami nila at galit pa sila sakin
Mukhang ang lahat na naka tira dito ay puro bampira. At mukhang dito din naka tira si daddy
May humarurot namang kotse at hindi ko alam kung saan galing iyon. Huminto din iyon sa harap ko
Bumukas naman ang passenger seat nun at nakita ko si Pierce na nasa driver seat
Tutulongan niya ba ako? Saan niya naman nakuha ang kotse na gamit niya? Infairness ang ganda
"Sakay!" Sigaw niya sakin
Kahit na nag dadalawang isip ay sumakay nako dahil lumalapit na sila sakin, hindi ko sila kayaPagka sarado ko naman ng pinto ng kotse at nagulat ako nang may mukha sa bintana na naka ngisi sakin
"Yuckk!" Sabi ko dahil nakaka diri ang mukha niya binababoy nila ang lahit naming mga bampira
"What are you waiting for? Let's go" Sabi ko sa kanya dahil marami na ang naka palibot samin at sobrang creepy na
Agad naman niya pina andar ang kotse niya paalis kaya naka layo na kami sa lugar na iyon
Dun na din ako naka hinga ng maluwag dahil sobra akong kinabahan kanina akala ko ma cocorner na nila ako
Naging tahimik naman ako sa kotse niya dahil nalilito ako kung bakit niya ako niligtas sa mga bampira na yun
Ang daming tanong sa isip ko katulad ng diko alam na marami palang mga bampira ang nandito
Gusto kong sabihin ang nalalaman ko pero diko alam kung kanino. Pay kay ate Luna ay pag babawalan ako nun
Kami naman kasi ni dickhead ay hindi na nag papansinan simula nung araw na kinuha niya sakin ang bote
Naging cold ang pakikipag tungo niya sakin at ganon din ako sa kanya. Siguro ay mabuti na rin yun
Para hindi niya din malaman na tinuloy ko ang pag iimbestiga o revenge para kay daddy
At mukhang si Prose lang tangi kong mapag sasabihan ko nito. Dahil siya lang naman ang kaibigan ko
Tumingin naman ako sa daan at doon ko napansin na papunta na samin to kaya nag taka ako
Pano niya nalaman kung saan ako naka tira? Hindi ko naman sinabi sa kanya ang address ko
"How did you find out my address?"
Tanong ko sa kanya baka marami din siyang alam katulad ni Spencer
"Ini-stalk kita" Matipid niyang sabi habang hindi pa din inaalis ang mata sa daan
Natawa din ako ng mahina dahil hindi ko inaakala na iistalken niya ako. Siguro hindi niya mapigilan ang sarili niya na istalken ako dahil sa ganda ko
Normal na rin naman sakin na may stalker ako dahil nung high school at college ay meron din ako nun
Tumigil naman ang kotse sa harap ng mansyon ni dickhead. Wala naman kasi itong gate kaya makaka pasok ka nalang talaga
Private kasi to at liblib nga kaya walang may balak na pumunta dito. Pano ba to naging private kung nalaman niya kung saan ako naka tira
Nakita ko din si dickhead na naka upo habang nag babasa at nagsisi garilyo pa ito. May salamin din siya sa mata
Bumaba naman ako mula sa kotse ni Pierce kaya napa tingin samin si dickhead kaya nag iawa agad ako ng tingin
YOU ARE READING
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟮)
VampireValkyrie Series #2 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 Xynon Valkyrie ┊ ˚➶ 。˚ 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛, 𝚢𝚘𝚞 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚜𝚑𝚎 𝚑𝚊𝚜 𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚏𝚎𝚌𝚝 𝚕𝚒𝚏𝚎 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚑𝚎𝚛 𝚏𝚊𝚝𝚑𝚎𝚛. 𝚄𝚗𝚝𝚒𝚕 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚝𝚛𝚊𝚐𝚎𝚍𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚌𝚑𝚊𝚗�...