Chapter 12

30 24 0
                                    

┏━━━━━━━━━━━━━━━┓
CHAPTER 12
┗━━━━━━━━━━━━━━━┛

"Heyy!"

Tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sakin at nag lalakad naman ako papunta sa kanya habang naka tingin lang ng seryoso

"Good morning" Bati naman niya sakin kaya ngumiti lang ako ng tipid at umupo sa upuan na nasa harap niya

"I just want to talk with you" Tumaas naman ang kaliwang kilay niya sa sinabi ko kaya uminom ako ng tea na nandito

"About what?"

"About my father" Hindi naman siya nag salita sa sinabi ko at hinintay lang ang sasabihin ko. Huminga naman ako ng malalim dahil kinakabahan ako

Magta tanong ka lang naman Yvonne at walang masama doon. At siya din naman ang unang nag sabi nun

"Naniniwala na ako na buhay si daddy dahil nakita siya ni Prose sa mall at meron akong evidence he's alive"

Kinuha ko naman ang picture na pinasa sakin ni Prose at ang picture ay si daddy na nakita niya sa mall

Wala naman akong sinayang na oras at pina kita na iyon sa kanya. At kumunot naman ang noo niya ng makita ito

"It's daddy, right?" Sabi ko sa kanya at ngumiti pa dahil gusto kung sabihin niya na si daddy talaga yan

"Buhay ang daddy mo pero bawal kopa sabihin kung asan siya kaya mag hintay ka muna" Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya

"But i want to see him, I miss him" Nang sabihin ko yun ay napansin ko na ang boses ko ay parang nag mamakaawa sa kanya

Wala na akong pake kung ganon dahil ang mahalaga ay malaman ko kung asan na si daddy. Miss na miss ko na siya

Ilang taon ako nag hirap dahil akala ko patay siya pero hindi pala. Kaya ganito nalang ang reaksyon ko ngayon

"Kahit isang beses lang Xynon" Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay para mas lalo pang kumbinsido

"Bawal talaga Yvonne, wag mo na pilitin dahil hindi mag babago ang isip ko" Sabi niya at tinanggal ang kamay niya na hawak ko

Tumayo naman ito nilampasan ako kaya agad ako tumingin sa likod ko dahil gusto ko siyang pigilan. Pero hindi ko na siya nakita

Napa hawak naman ako sa ulo ko dahil sa stress, ang gusto ko lang naman makita si daddy pero bakit pinag kakait pa yun sakin

"Ahh!" Malakas kung sigaw at tinumba ang lamesa dahil sa inis. Nanginginig nadin ako sa galit at diko alam kung bakit

Napapansin ko din na nag bago nako, masyado na akong mabait at malambot. Gusto ko yung dati ako

Dati na walang pakealam sa mundo at hindi mababa ang pride. Hindi nagma makaawa sa ibang tao o bampira

Kung ayaw niya ako tulungan ay wala na akong pake, ako na gagawa ng paraan sa sarili. Ako mag hahanap sa kanya

Napa hawak naman ako sa ulo ko nang bigla akong nahilo. Nung nakaraan ay nasusuka ako pero at nahihilo din

Mukhang magka kasakit pa ata ako dahil sa binibigay nilang stress. Kumuha naman ako ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindi iyon

Inamoy ko naman ang lagayan ng sigarilyo at ang weird lang dahil nababanguhan pa ako. Bumuga naman ako ng usok at inamoy ang iba pang sigarilyo na hindi kopa ginagamit

Para naman akong tanga na inaamoy iyon at naramdaman ko naman na may bampira sa likod ko kaya agad ko tinigil ang ginagawa ko

"Ano ginagawa mo Yvonne?" Tanong ni ate Luna at tinago ko agad ang lagayan ng sigarilyo at tinuloy ang pag sisigarilyo

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟮) Where stories live. Discover now