┏━━━━━━━━━━━━━━━┓
CHAPTER 16
┗━━━━━━━━━━━━━━━┛Isang halakhak naman ang pinakawalan ni Spencer nang makita si Xynon na katabi ni Yvonne
Kaya sinamaan siya nito ng tingin habang si Xynon ay seryoso lang na naka tayo. Naiintindihan niya kasi kung bakit tumatawa ito
"May nakaka tawa? Diba sinabi na namin kung saan si ate Luna at ang anak mo" Tumikhim naman si Spencer para hindi na ulit tumawa
"I just can't believe Xynon is here"
"Is that a big deal" Umiling naman ito may kinuhang envelop at binigay iyon kay Yvonne. Padabog niya naman iyon kinuha
"It has all information you need" Agad naman iyon binuksan ni Yvonne at tinago na ulit dahil andito nanga lahat ng kailangan niya
"I don't have to say thank you because there is a replacement" Tumango naman si Yvonne at lumabas na ng office ni Spencer
Naiwan naman si Xynon sa office ni Spencer "Bakit ka pala sumama sa kanya" Tanong na nito kaya umupo naman siya sa harap niya
"I need to help and protect her"
"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang lahat at gusto mo pa na sakin mang galing yun. Alam naman nating dalawa na mas madami ang alam mo"
Tumahimik naman si Xynon at nag sindi ng sigarilyo na nasa bulsa niya. May dahilan siya kung bakit hindi niya yun ginawa
"Ginawa ko iyon para kay Kaizer" Napa halakhak naman ulit si Spencer sa sinabi nito kaya umiling nalang si Xynon
"I understand now, so thank you" Hindi naman sumagot si Xynon at tumayo na dahil nag-hihintay na sa labas si Yvonne
"See you later" Sabi niya bago umalis na sa office na iyon
Pag labas naman niya ay agad niya sinuot ang face mask niya at sumbrero para hindi siya makita ng dati niyang mga ka-trabaho
Habang si Yvonne ay hindi na maiwasan tignan ang mga bio data ng samahan ng mga bampira na nambibiktima ng mga tao. At sila ang mga bampira na kasama na ni Aiden 'ang daddy niya'
Habang nag-lalakad naman sila palabas ng department ay pinag titinginan silang dalawa. May bumabati din kay Yvonne na sinusuklian naman niya ng tango
Napapa ngiwi din siya nang mabasa ang isip nila, ang nasa isip kasi nila ay kung karelasyon niya ba ang lalaki na kasama niya
Nang maka labas na sila ng department ay agad na dumiretso sila sa kotse ni Xynon. Hindi kasi dala ni Yvonne ang kotse niya kaya sa kanya mo na siya sumasakay
Pag pasok nila ay agad na pina andar na niya ang kotse niya habang si Yvonne ay busy sa kaka-tingin ng laman ng envelop
"Ano na ang susunod mong gagawin?" Tanong sa kanya ni Xynon
"Sasali ako sa grupo nila para maka kuha pa ako ng iba pang impormasyon. At matulongan din si daddy na maka-alala"
"That's good" Tumigil naman si Yvonne sa pag tingin ng impormasyon at tumingin kay Xynon na natatawa at tumitingin din sa kanya
"Hindi mo ako pipigilan?" Umiling naman ito kaya takhang taka na si Yvonne. Parang nung nakaraan lang ay ayaw na ayaw niya gawin ni Yvonne ang bagay na to, tapos ngayon ay pumapayag na siya agad
"You're so weird" Mahina nitong sabi
"Ayaw mo ba na payagan kita" Agad naman na umiling si Yvonne at binuksan ang radio sa loob ng sasakyan
![](https://img.wattpad.com/cover/265922247-288-k321386.jpg)
YOU ARE READING
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟮)
VampireValkyrie Series #2 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 Xynon Valkyrie ┊ ˚➶ 。˚ 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛, 𝚢𝚘𝚞 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚜𝚑𝚎 𝚑𝚊𝚜 𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚏𝚎𝚌𝚝 𝚕𝚒𝚏𝚎 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚑𝚎𝚛 𝚏𝚊𝚝𝚑𝚎𝚛. 𝚄𝚗𝚝𝚒𝚕 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚝𝚛𝚊𝚐𝚎𝚍𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚌𝚑𝚊𝚗�...