┏━━━━━━━━━━━━━━━┓
CHAPTER 6
┗━━━━━━━━━━━━━━━┛Ilang araw naman maka lipas simula ng mawala si Daddy ay malaki na ang nag bago sa buhay ko
Hindi nako lumalabas ng bahay at lagi nalang ako naka tulala. Hindi narin ako pumapasok sa school
Kunti narin ang kinakain ko dahil wala akong gana sa lahat kahit na anong gawin ko
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Mister na may dala-dalang pagkain. Tinignan ko naman siya ng walang expression
Nilagay naman niya iyon sa lamesa na nasa gilid ko "Kumain kana" Sabi niya at susubuan sana ako pero umiwas ako
"Wala akong gana" Sabi ko at hihiga na sana pero agad niya ako hinawakan at hinila paupo
"Kailan kaba babalik sa normal?" Hindi ko naman siya sinagot at tinignan ang pader ng diretso
"Gusto kung maging maayos ka bago ako umalis" Sabi niya at tumayo na, agad ko naman siya hinawakan
"Aalis ka? San ka pupunta?" Agad na tanong ko sa kanya ayuko kasi siyang umalis ng malayo
Wala nanga si Daddy tapos aalis pa siya, sino na ang mag-aalaga sakin? Ayuko ng iba natatakot nako sa kanila
"Pupunta ako sa mundo ng mga bampira kung saan doon ang pamilya ko. Birthday ng kapatid ko kaya kailangan ko pumunta"
"Pwede bako sumama?" Sana pwede dahil ayukong mapa layo sa kanya dahil natatakot pako
Feeling ko lahat ng tao ay katulad ng mga taong pumatay kay Daddy. Na-trauma narin ako sa nang-yari
"Bawal ka sumama dahil may gagawin pako dun at delikado para sayo" Bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya
"Wag ka mag alala dahil si Luna mona ang babantay sayo. Bampira rin siya kaya wala ka dapat ikampanti"
Si ate Luna? Yung mabait na babae sa pulis station. Diko alam na bampira rin pala siya katulad ko
Ayos din na siya mona ang mag bantay sakin dahil mukhang mabait naman siya at kaibigan siya ni Daddy
"Kumain kana mona at bumaba dahil nandon si ate Luna mo" Tumango naman ako sa sinabi niya at kumain na habang siya ay umalis na
Okay naman siguro na batiin ko siya sa baba total ay siya naman mag babantay sakin
Katulad ng naka sanayan ko ng ilang mga araw ay kakaunti parin ang kinakain ko. Wala kasi talaga akong gana
Agad naman ako nag ayos at bumaba na para makita si ate Luna. Pumunta naman ako sa sala
At nakita ko dun si Mister na kausap si ate Luna pero nagta-taka ako ng may bitbit na baby si ate Luna
Nakita naman nila ako at nginitian kaya tumango nalang ako bilang sagot. Wala akong gana na ngumiti
"Hi Yvonne masyado ka naman ata pumayat" Hindi naman ako sumagot sa tanong niya at yumuko nalang
Diko alam ang sasabihin ko diko nga alam kung may dapat ba akong sabihin eh. Pero gusto kung itanong kung bakit may baby
"Kaninong baby yan?" Tinuro ko naman ang baby na naglalaro habang tumatawa. Kahawig niya si Spencer
"Siya yung anak ko pangalan niya ay Kaizer" Sagot niya naman kaya tumango ako
"Ako mona mag babantay sayo habang wala si prince Xynon"
"Okay" Maikli kung sagot at paalis na sana kaso may nakalimutan akong tanong kay Mister
"Kailan ka pala aalis? At ilang araw ka dun?" Tanong ko habang hindi lumilingon sa kanya
ESTÁS LEYENDO
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟮)
VampiroValkyrie Series #2 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐏𝐚𝐢𝐧 Xynon Valkyrie ┊ ˚➶ 。˚ 𝚑𝚎𝚛 𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛, 𝚢𝚘𝚞 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚜𝚑𝚎 𝚑𝚊𝚜 𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚏𝚎𝚌𝚝 𝚕𝚒𝚏𝚎 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚑𝚎𝚛 𝚏𝚊𝚝𝚑𝚎𝚛. 𝚄𝚗𝚝𝚒𝚕 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚝𝚛𝚊𝚐𝚎𝚍𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚌𝚑𝚊𝚗�...