Hindi ko tuloy maiwasan, tignan ang suot nya. Nakasuot lang sya ng white maong shorts, at losse white long sleeves at my shades din sya sa ulo. Ang hot nya pala ngayon.
Ayy! Baket ko ba sya tinitignan?! Grr Blaire!

"Hey, are you coming?" Nag balik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang malamig nyang boses. Napatingin ako at nakitang nasa pintuan na pala si mam laurent. Nakakahiya! Natulala pa ako!

Namumula ang muka Kong sumunod palabas ng room, pumunta lang kami sa isang resto  dito sa resort. Si mam laurent naman ang pumili nito eh, sumunod lang ako.

" what do you want to eat." Tanong ni mam laurent na ngayon ay nakatingin na sa menu.

" kayo nalang po bahala mam." Kibit balikat kong sabi, bigla nya naman ibinaba ang menu at bakas ang inis sa muka. Ano na naman?

" will you stop that." Naiinis nyang sabi. Tumingin lang ako sa kanya ng naguguluhan, anong stop that?

" ah ano po?" Naguguluhan kong tanong, bumuntong hininga lang sya at kinuha na ulit ang menu.

" stop calling me mam, its irritating." Kalmado ang boses nya pero bakas parin ang pagkainis. Baket ayaw nya mam?

" eh ano po? Ate?" Natatawa kong sabi, pero lalo lang sumama ang tingin nya saakin. Nagbibiro lang naman eh, sungit!

" subukan mo." Pagbabanta nya, pero ang cute nya mag tagalog! Shems! Hindi ko tuloy mapigilan matawa ng mahina.

" why are you laughing?" Malamig nyang tanong, umiling iling naman ako at itinigil na ang pagtawa.

" wala po, ang cute nyopo mag tagalog." Nakangiti kong sabi, bigla naman namula ang muka nya, pero tinakpan nya kaagad ng menu. Namumula sya? Hindi ba sya sanay sa compliments? Imposible.

Nag order sya ng mga pancake, sausages, spaghetti, bacon at saka chicken salad. Baket ang dami?

Napatingin ako kay ms.laurent, oo ms. Kase ayaw nya ng mam. Napatingin ako sa kanya. Ng makaalis ang waiter na nag lista ng order nya. Ang dami! Sinong kakain non?

" ms. Baket po ang dami nyong inorder?" Taka kung tanong.

" the more the merrier. " simple nyang sabi, ano?! The more the merrier? Ano tao lang? Pagkain yun uy. Hayy

Bumuntong bininga nalang ako, at kinuha ang cellphone sa pocket. Busy din naman yung isa sa cellphone nya eh. Bala sya dyan.

Nabungaran agad ako ng text mula kay jackson, tita isabel at nanay stella.

Jackson my b.

Safe trip with your mammeh!!

Natawa nalang ako sa text nya, hindi talaga titigil to eh. Kainis. Nireplyan ko nalang sya at tinignan na ang text nila tita isabel.

Tita isabel.

Okay lang ba kayo dyan iha? Enjoy kadin dyan ha.

Ok lang naman
po, tita. Salamat po.

Pagka reply ay nag punta naman ako kay nanay stella.

Nay stella.

Ayos ba ikaw dyan  blaire? Ingat kayo dyaan ha.

Napangiti ako sa text ni nanay stella, ang sweet ni nanay. Nireplyan ko naman ito at tinabi na ang cellphone sa bulsa. Pagkaharap ko palang ay naabutan na agad ako ng ms.Laurent na nakatingin na masama sa akin.

" who are you texting? Why are you smiling like that." Malamig nyang tanong, ano na naman problem nito si ms. Tinext ko lang naman sila tita isabel.

(Rich Series #1) My Boss's WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя