Chapter 6

6 1 0
                                    

CHAPTER 6

*Trigger warning: this chapter contains detailed murder and torture.

Mahinang tapik ang gumising sa akin. Hindi ko maiwasang ilibot ang tingin sa madilim na silid para hanapin ang gumawa ng galaw na iyon. Kumirot ang likod ko at ang bahagi kung saan ako siniko kahapon man iyon o ano.

May gumalaw at unti unting pumasok ang ilaw mula sa bintana. Meron pala niyan dito? Nakita ko ang kabuoan ng kwarto. Kulay grey ang pintura ng silid at may isang tukador malapit sa papag na siyang kinaroroonan ko.

Hindi ko talaga napansin ang ganoong mga detalye dahil sa kadilimang bumabalot sa silid. Tiningnan ko ang lalakeng nasa bintana parin, tinatanaw ang malakas na basya ng ulan.

Hinarap ako ng lalake at noon ko lang namukhaan na si Adam pala iyon. Nagiwas ako ng tingin at pinikit ang mata.

"Puentebel, Annika."sambit niya na siyang nagpamulat ulit sa akin. "Parte ka na ng organisasyon namin pero nagmamatigas paring sumunod sa sugo ng nakakataas."

Hindi ako umimik. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Natalo ang ama mo sa sugal at pinusta ang anak. Wala kang kawala dito, Puentebel."

Alam ko na ang ganyang istorya. Nasasawa na akong marinig yan kay Matt. Tapos ano? Ginusto ko man o hindi, ang kasunduan ay kasunduan? Ganun ba?

"Sumunod ka sa mga patakaran at masisigurado kong hindi madadapuan ng lamok ang mga kapatid mo."

Ginising nung mga salita niya ang galit na siyang natutulog sa loob looban ko.

"Pinatay mo na ang isa kong kapatid. Bakit kaya patayin mo nalang din ako?"

Tumawa siyang parang nababaliw. "Pinatay? Ko? Sinabi ko ba yun?"

"Putang ina ka!"

"Hindi siya patay. Naka survive pala siya. Kaya nga nakikipag negotiate ako sayo ngayo. Why dont you accept the fact that your one of us now?"

"Hinding hindi ko dudungisan ng dugo ang mga kamay ko. Mas mabuting pang mamatay nalang ako."umupo ito sa tabi ko at nilagay ang kamay sa braso ko.

"Puentebel, sa sitwasyon mo ngayon mapipilitan  kang dumihan ang mga kamay mo. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng organisasyong ipanasok ka ng ama mo?”

May initial akong ideya sa mga ginagawa nila, comman na ang pagnanakaw at pagpapatay. Dagdag pa doon na nagbebenta sila ng mga babae at siguro nga nagtutulak din ng mga illegal na droga. Pero ano pa nga ba?

"Curious, aren't we?"ngumisi siya na siyang nagdala ng kilabot sa buo kong katawan. "Stand up, at sumunod ka sa akin."aniya.

Hindi ko alam kung bakit sumusunod ang katawan ko sa inutos niya. Iniinda ko ang sakit habang naglalakad palabas ng silid. Sa labas ay nakikita ko ang ilan sa mga taong kabilang sa pagtu-turtore sa akin. May mga babae at lalake, pero kalabanan mga lalake. Nangingilabot ako sa kung anong mga aktibidades ang mga ginagawa nila.

May ilang bumubuhat ng mga katawan na sa pagkaka alam ko ay wala nang buhay. Ang iba may hinahatak na mga babae. May nakita pa akong ilang batang madudungis at may hawak hawak na mga sako at lata.

Marahas akong hinila ni Adam nang makitang nakatunganga ako sa mga bata. Pumasok kami sa isang malawak na silid kung saan may masangsang at masalimuot na amoy ang sumalubong sa akin. Pinaghalong acido, dugo at naaagnas na kun ano ang maaamoy sa hangin. Hindi ko mapigilang bumaliktad ang aking sikmura, naduwal ako.

Nang mahimasmasan ako ay nakita ko si Adam na inisa isang tingnan ang mga naglalakihang dram sa silid. May nagkakalat na mga gallon ng kung anong acido sa sahig. Maayos ang liwanag sa silid kaya kitang kita ko ang maliliit na detalye ng dugo na bumabakat sa sahig.

"Halika dito."tawag ni Adam. Kami lang ang nasa silid na ito kaya umalingaw-ngaw ng bahagya ang boses niya. Sinunod ko siya at pasimpleng sinilip ang nasa loob ng dram na siyang pinagsisihan ko.

Ang kaninang pinipigilan ko pag pagsuka ay nailabas ko na ng wala sa oras. Narinig ko ang malakas na nasisiyahang tawa ng kasama ko.

"Mahina pala ang sikmura mo. Ito na ang magiging buhay mo kaya dapat naaatim mo ang ganitong mga tanawin sa araw-araw.

Nang makatayo na ako ng maayos ay noon ko palang nakita ang mga litrato na nakadikit sa bawat dram.

Mga litrato ng mga taong sinasabing wanted person at ilang sadyang nawawalang mga tao.

Nandidilim ang paningin ko nang hinawakan niya ang buhok ko sabay hawi nito papunta sa kaliwa kong balikat. "Puentebel, tanggapin mo na na dito ka pinasok na ama mo sa mundong ito. At wala nang atrasan."

Kung hindi ako makaiyaw sa nakalipas na mga linggo, ngayon naramdaman ko ang maliliit at maiinit na butil ng luha na lumandas sa pisngi ko. Parang ngayon lang talaga nag sink-in sa akin ang mundo kung saan ako pinasok ng ama ko.

"A-anong ginawa mo sa kanila?"tanong ko na tinutukoy ang mga tao sa litratong nakadikit sa mga dram.

"Hydrofluoric acid. Do you know that this acid can melt down human body in just three hours? Amazing how science is capable of making our work clean, yes, Puentebel?"ngising ngisi ito na akalain mo ay mabibigyan siya ng national hero awards sa ginawa niya sa mga taong ito.

Sa ilang sandali ay napagtanto kong parang nasa impyerno ako sa lahat ng nasaksihan ko sa kakaonting oras na nakatikim ako ng liwanag.

"Siraulo ka! Pakawalan mo na ako dito sa lugar na to!"

Mapakla siyang tumawa. " Still insisting, aren't we?" Hinila niya ang buhok ko kaya napahawak ako sa kamay niya sa sakit. "Let me make it clear to you, one last time, Puentebel. You. Are. Not. Gonna. Leave. This. Hell. Blame your damned father all you want, but you are not gonna leave this place."

Humikbi ako dahil sa hapdi ng pagkakahawak niya. Binalibag niya ako at tumama ako sa isang dram na walang laman. May naramdaman akong parang nasusunod sa kamay ko at nakita kong parang natalsikan iyon ng acido. Napahiyaw ako dahil gumagapang ang sakit sa buong kamay.

In Frigore Noctis (On A Freezing Night)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon