Ano nga ba ang pinakamasakit na bagay ang pwedeng maramdaman ng isang tao? Para kay Annika, ang pinakamasakit na bagay na pwedeng maramdaman niya ay ang mawalan ng pinakamamahal. Simula bata palang siya ay hindi naging mabait sa kanya ang kapalaran ng buhay niya. Ilang beses siyang sinubukan at unti unti naman niya itong nalalagpasan nang nakangiti. Pero pagsapit niya sa wastong edad ay marami-rami ang mga nagbago sa takbo ng buhay niya. Sa kabila nang lahat, naniniwala siyang malalagpasan niya ang mga nakakaharap na pagsubok gaya nang nagdaad na. Pero paano kung may isang pangyayari na magiiwan ng dagok sa kanyang paniniwala? Makakayanan pa nga ba niya?