Chapter 3

5 2 0
                                    

CHAPTER 3

"Ate, san ka?"tawag ni Seb galing sa kusina.

"Dito ako sa kwarto, Seb. Bakit?"sabat ko. Nagoorganize kasi ako ng mga orders sa online business ko. Pumasok si Seb sa kwarto at tinuro ang pinto.

"Te, may naghahanap po sayo sa labas. Sabi si Matt daw."napatayo ako agad pagkarinig  ko nang pangalan.

"Seb, nasan si Akun?"tanong ko, may bumabangong kaba sa dibdib ko. Alam kong alam nila kung nasaan ako nakatira pero sigurado ako noon na hindi sila pupunta dito. Bakit ngayon?

"Sa kusina po."inosentwng sagot ng bata.

"Papasukin mo dito sa kwarto, dali. Wag kayong lalabas, dito lang kayo."bilin ko bago pumunta sa pinto. Wala dito ngayon si Jake dahil sumama siya kay Sandro, nagbasketball.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Matt na naka t-shirt na grey, nakapantalon at may cap. May kasama siyang dalawa pa na pamilyar din sa akin.

Tinulak ko siya sa dibdib para mapalayo sa pinto.

"Tangina ka, bakit ka pumunta dito?"irita kong bungad. Ngumiwi si Matt habang hinahaplos ang bahagi ng dibdib niya na tinulak ko. Lumingin lingon ako sa kapitbahay namin, baka may tao. Wala naman.

"Annika naman."napakamot si Matt ng kilay niya. "Bakit kasi hindi ka na lang makipagkita kay boss para naman makapag usap na kayo at masettle niyo ang mga dapat."

Ngumisi ako. "Huwag mo akong idaan sa ganyan. Alam kong patibong yan ng boss mo. Kung makipagkita ako sa kanya, ano? Hindi na niya ako papayagang umalis?"

"Hindi ganyan si boss at sana hindi mo na hinintay pang nagiinit na ang ulo niya bago kausapin, Nik."pilit niya.

"Matt, makinig ka. Unang una, hindi ako may kasalanan sa boss niyo. Ang ama ko, kaya pwede ba sa kanya kayo maningil?"

"May naging kasunduan sila, ang kasunduan ay kasunduan. At kahit hindi mo man ginusto ito parte ka na ng organisasyon."

"Wala akong pakialam. May mga kapatid ako, Matt. Ano nalang ang mangyayari sa kanila, at wala talaga akong planong gumawa ng maduduming bagay. May pangarap ako at gusto kong makapagtapos."

Bumuntong hininga siya. "Wag mo na sanang palalain ang sitwasyon. Naiintindihan kita, Nik dahil sabay tayong lumaki noon. Kilala na kita. Pero sana intindihin mo ring natalo ang ama mo at ikaw ang naipusta niya."

"Eh, tangina naman eh!"sa galit ko ay sinuntok ko ang dibdib niya, napaubo si Matt pero hinawakan na ang pulso ko.

"Masakit, Nik. Puta."reklamo niya.

"Wag na kayong bumalik dito. Ayaw ko narin kayong makausap, pakiusap naman Matt, para sa pinagsamahan natin, lubayan niyo na ako."pagmamakaawa ko na kulang nalang ay lumambitin ako sa kanya kung wala lang akong pride.

"Annika, huling pakiusap ko narin to sayo. Kausapin mo si boss, kontakin mo ako. Kung hindi, wag mo na sana akong sisihin sa mangyayari."aniya sa mababang boses. At mabilis din silang nawala sa harap ko.

Kinabahan ako sa hiling sinabi ni Matt. Banta ba iyon? May hindi ako magandang pakiramdam sa sinasabi niyang mangyayari pag hindi parin ako makipagkita.

Ang kaba ko ay unti-unting nalusaw nang nasa kalagitnaan na ng first sem ng college. Napansin ko kasi simula nung huli kong nakita si Matt halos mag-aapat na buwan na ang lumipas ay hindi na ulit siya nagparamdam, kahit sino galing sa sinasabi nilang organisasyon. Medyo napanatag na din ako.

Kumaway ako kay Yanyan nang makita siya sa pabas ng gate ng school namin, may kasama siya, si Andrew. Hindi kami parehas ng university na pinapasukan. Nagmadali ako sa paglakad para salubungin siya.

"Kamusta? Pagod ba?"bati ng boyfriend ko sabay yakap sa akin nang nakangiti.

"Oo eh."sagot ko at ngumiti din sa kanya. Binalingan ko si Andrew na nakangiwi. Palagi yan ngumingiwi kapag nakikitang magkasama kami ng kaibigan. Palibhasa walang girlfriend sa ngayon.

"Tara uwi na na tayo."pagmamadali ni Andrew. "Magsasaing pa ako."

"Woy! Wag ka nga, meryenda muna tayo."saway ni Yanyan sa kaibigan.

"Bitter."bulong ko sa boyfriend ko at sabay kaming humagikgik.

Nagmeryenda muna kami sa mga street food stalls sa malapit lang rin. Habang kumakain ay nadaanan ng usapan namin ang balitang may kumakalat daw dito sa bayan namin na mga myembro ng organisasyong sa likod ng mga pagnanakaw at ilang pagpatay dito sa probinsya namin.

"Ang sabi nila ay marami pa daw na mga illegal na ginagawa ang organisasyon na yan bukod sa pagpatay at pagnanakaw. Sabi nga ng mga kaklase ko ay nagbebenta din yan sila ng mga babae, eh."ani ni Andrew na tinutusok pa ang fishball na parang naiirita.

"Oo, at sabi ay sila din ang sindikato sa likod ng mga batang namamalimos at nagbabahay-bahay."sabat ni Yanyan. Tumango ako, narinig ko nga iyon.

"Hindi pa ba umaaksyon ang mga pulis? Masyadong nakakabahala ang mga ganyan."tanong ko.

"Priority nga yan ng mga otoridad ngayon. Nababahala sila dahil may ilang teenager na ang napapabalitang nawawala sa kabilang bayan."

Nagkwento pa kami tungkol sa ganoong topiko hanggang sa maghiwalay na kami ng daan pauwi. Pagkarating ko sa apartment ay natagpuan ko doon si Akun na umiiyak at inaalo ni Seb. Si Jake naman ay nasa kusina, inaatupag ang uulamin.

"Oh, anong nangyari kay Akun, Seb?"tanong ko pagkatapos ilapag sa sahig ang bag at ilang box ng mga orders na dumarating mula sa supplier ko.

"Ate!"tawag ni Jake habang inaalo ko si Akun. Sumulpoy siya sa gilid ko. "Te, may lumapit daw jang lalake kanina, inaayang sumama sa kanya."

Nanlaki ang mata ko. Natandaan ang balitang pinagusapan namin kanina bago umuwi.

"Anong nangyari? Buti hindi ka sumama, Akun. Sa susunod wag kang sumama sa hindi mo kakilala ah?"tumango naman ang bata na umiiyak parin.

Inutusan ko si Seb na kunan ng tubig si Akun at pumasok muna sa kusina. Nagbihis ako at tumungo din sa kusina para kausapin si Jake.

"Anong nangyari?"tanong ko. Kita ko ang kaba sa mukha ni Jake.

"Ate, mabuti nalang talaga at nakarating agad ako sa school nila. Naabutan kong pasimpleng hinahatak nung lalake si Akun dahil nalingat sandali si Seb."

"Anong ginawa mo? Paano mo na ano si Akun?"

"Kasama ko ang mga barkada ko kaya nagmadali kaming lapitan si Akun at nagingay kami. Binitawan nung lalake  si Akun at pasimple na ring umalis na parang walang nangyari."

"Tangina! Namukhaan mo ba ang lalake?"

"Hindi pero natandaan kong may tatoo yung lalaki sa pulupulsuhan niya na ahas at rosas na kulay pula."

Temptation.

May isang tao akong kilala na may ganoong tatoo. Bigla akong nilamig.

"Jake, bantayan mo sanang mabuti ang mga kapatid natin kung wala ako. Narinig mo ba ang balita tungkol sa mga nagnanakaw at pumapatay, sila din daw ang nasa likod ng mga nawawalang mga bata dito sa probinsya natin."

"Oo, narinig ko nga, Te, kaya nga maaga kaming umuwi ng mga barkada ko para narin sunduin ang mga kapatid namin."tumango ako. Mabuti nalang at maaasahan ko si Jake.

Siya na ang nagluto ng ulam namin at lumabas muna ako. Tinawagan ko si Matt. Naka isang ring palang ah sinagot agad ang tawag na parang inaabangan.

"Annika, sa wakas."

In Frigore Noctis (On A Freezing Night)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα