"Kahir? Naririnig mo ba ako?" Tanong ko na nag-aalala.

"Mhmm..."

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. For the first time I was hesitant because natakot ako na masaktan.

"Kahir, totoo ba na dahil sa akin kung bakit ka nag-inom kasama si Gabby?" Kinakabahan kong tanong.

Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin. Umiling siya.

I knew it. I was being pathetic.

Umiwas ako ng tingin.

"Hindi."

Oo na wag mo nang ipamukha ang kagagahan ko. Naluluha nalang ako sa katangahan ko.

"Hindi ako uminom para sa iyo, Kishana."

Nabigla ako sa kaniyang sinabi at dahan-dahan ako tumingin mula sa kaniya.

"Dahil ito sa isang babae na nakilala ko sa modernong panahon, Kishana."

Ako ba ang tinutukoy niya? Dapat bang itanong ko? Should I make it sure? Or totoo na nga yung sinasabi ni Gabby.

"Kahir... A-anong pangalan niya?"

Ngumiti siya.

"Bettina. Bettina Smith."

At this moment parang may fireworks display ang nagpuputukan sa kalangitan daig ko pa ang babae na sasagot ng 'yes' sa proposal.

"Patawarin mo ako Kishana... Siya ang dahilan bakit hindi ko kayang umalis. Patawarin mo ako kung gusto ko munang manatili sa piling niya."

Umalis?

Parang naman tinusok ng kutsilyo ang aking puso. Aalis si Kahir? Saan siya pupunta? Babalik na ba siya sa kaniyang panahon?

Unti-unti namatay ang kasayahan sa aking puso. Please huwag. Ayaw kong bumalik si Kahir sa panahon niya. I know I'm being selfish and unreasonable pero hindi ko talaga kakayanin.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at umiyak.

"Huwag ka nang lumuha Kishana... Balang araw... Magkikita rin tayo muli..."

Matapos niya iyon sabihin ay nakatulog na siya. Inayos ko ang kaniyang paghiga at binigyan siya ng unan at kumot.

Sana hindi ko nalang nalaman yun ganon pa man gusto kong alamin kung bakit hindi niya ako kayang iwan dahil ba kaibigan niya ako o mahal niya ako?

Sa kakaisip ko kung best friend or lover dinaanan na rin ako ng antok.

*Ring!... Ring!... Ring!...*

Napabangon ako sa aking alarm clock. Kaagad kong tinignan ang aking phone.

6:00 AM

Napatingin naman ako kay Kahir na tulog pa. Since hawak ko na rin yung phone ko naisipan kong kuhanan siya ng litrato.

Matapos non napangiti at natawa ako sa kalokohan ko pero kahit na tulog na tulog siya ang gwapo pa rin niya.

Tinignan ko siya ulit bago ako magsilmula gumawa ng almusal.

Pakiramdam ko ang good mood ko ngayon siguro dahil sa narinig ko sa kaniya kagabi. Tuwing naaalala ko yung sinabi niya na kaya ayaw na niyang umalis ay dahil sa akin abot sa buwan ang saya ko.

Parang tuloy akong baliw dito sa kusina pangiti ngiti hahaha... Maya maya ay natapos na ako. Naghahanda ako ng pagkain sa lamesa nang magising si Kahir.

"Good morning!" Bati ko with full spirit.

"Morning?" Rinig kong sabi niya na may hang-over.

"Oo, morning na. Tara kain na!" Aya ko sabay upo.

How to say GoodbyeWhere stories live. Discover now