Chapter 10

10 2 0
                                    

Our lunch was feastful, napaghandaan talaga ni Jaino ang mga kakailanganin namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Our lunch was feastful, napaghandaan talaga ni Jaino ang mga kakailanganin namin. He had been doing this for so long he knew what he was actually doing, and if he wasn't around, good luck na lang sa aming dalawa ni Cholo. We would be lost and get mad because of hunger.

Pagkatapos naman namin kumain ay sinabi kong iidlip lamang ako pero pagkagising ko ay madilim na ang labas at huminto na rin muna sa paglalayag si Jaino. Para bang pagod na pagod ang katawan ko. Mabuti na lang ay wala akong sea sickness kaya naman walang problema iyon sa akin.

Kaya nang madatnan ko sina Cholo at Limer na nasa bathroom ay nagtataka lamang ako.

"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

"Nahihilo," sagot at paglingon ni Cholo sa akin. "Ang kulit-kulit kasi kanina, e."

"Hindi ba natulog?" tanong ko na inilingan naman nito.

"Hindi. Mas ginustong maglaro sa phone niya kahit mahirap ang signal." Iiling-iling na ito. "Pagkatapos kumain, matulog ka na kaagad."

"Nakainom na ba ng gamot?" muli kong tanong. "Meron ako sa bag ko."

"Pinainom ko na naman. Salamat, Zo."

Nang saglit na mahismasmasan si Limer ay pinaupo naman ito sa isang tabi saka tumulong muli si Cholo kay Jaino sap ag-aasikaso ng hapunan namin. Habang abala silang dalawa ay tinabihan ko si Limer sa couch.

"Gusto mo bang hilutin ko ang ulo mo?" suhestiyon ko sa kanya. Dahan-dahan naman itong tumango sa akin.

Mabilis ko namang kinuha ang ointment sa bulsa ng bag ko saka ko siya binalikan. Pinatakan ko ang palad ko saka ko pinaamoy sa kanya iyon. Ipinuwesto ko ang daliri ko sa sentido niya at dahan-dahan iyong hinilot. Nang silipin ko naman ang reaksyon niya ay mukhang nagugustuhan niya iyon.

"Ayos ba?" tanong ko. Tumango naman siya sa akin. "Ayan... huwag ka na kasi muna mag-phone. Use it na lang to take pictures and all. 'Wag ka muna maglaro. We're out here to have fun. Saka naalala ko lang... noong una naming road trip ni Cholo, we've only got each other. We didn't even have each other's phone number. We're just enjoying each other's company and experience all the good places we have been. Hindi kami na-bored o kung ano man. We enjoyed it as we used our mobile phones less."

"E, kasi tita... may streak lang ako na binabantayan... sayang naman..."

"Well, if it only would take you a few minutes, hindi naman kita pipigilan. Hindi naman ako ang ama mo na kokontra sa 'yo, e."

Limer laughed at why said.

"Tama ka nga naman, tita..." aniya. "Bakit parang ang dam ingang hindi naku-kwento sa akin si papa no'ng unang road trip niyo?"

Napakibalikat naman ako. "Hindi ko alam diyan sa tatay mo. We only spend five days on a road trip, yet we made a lot of memories. And that was the first time I've seen you kaya it was so good to see grow up."

Sailing through our Whirlwind RomanceWhere stories live. Discover now