I. The Ace Player

112 1 0
                                    

To her annoyance, she covertly rolled her eyes. Lubusan ang pagkasuya ni Hanna sa eksenang kasalukuyang nagaganap sa kanyang harapan ngunit matagumpay pa rin niya itong naikubli. Pinagmasdan niyang mabuti ang halos magkakatulad na reaksyon ng bawat isa at saka siya bumuntong-hininga na para bang nais niyang ipakita na nakikiisa rin siya sa kanilang mga saloobin.

Matapos ang isang mahabang deliberasyon sa pagitan ng mga miyembro ng San Antonio Academy Student Council, sa wakas ay handa nang ihain ng konseho ang listahan ng mga ipatatanggal na mga school clubs at sports team sa mas nakatataas na kinauukulan. Ayon sa mga nauna nang ulat, marami daw sa mga kasalukuyang samahan at koponan ang 'di umano'y ineffective at irrelevant na kaya naman nagpasya ang pamunuan ng eskelahan sa tulong ng Student Council na tuluyan nang alisin ang mga mapapatunayang hindi na karapat-dapat mabahagian pa ng budget. Halos lahat ay nagulat sa resolusyong ito dahil sa biglaang paghihigpit ng San Antonio Academy kaya naman marami rin ang nagprotesta. Ngunit sa kabila ng samut-saring apela, humantong rin ang lahat sa iisang papel.

Huminga ng malalim ang presidente ng Student Council. "Eto na yun, guys," matamlay na sabi niya habang hawak-hawak ang papel.

Bagama't walang sinuman ang nagtangka pang magsalita, bakas pa rin sa kanilang lahat ang pagkadismaya dahil sa mga pangyayari. Tila daig pa nila ang namatayan nang balutin sila ng isang nakakabinging katahimikan lalo pa at maluha-luha na rin ang ilan habang ang iba naman ay napailing na lamang.

Hanna rolled her eyes again the second she noticed that no one was looking at her direction. "This is ridiculous," she thought. Hindi niya lubos na maintindihan ang labis na pagkabalisa ng lahat gayong malinaw naman ang dahilan kung bakit kailanga nang magbawas ng clubs at teams. "Ineffective and irrelevant nga 'di ba? In other words walang kwenta kaya nga tatanggalin," ang sabi na lang niya sa sarili.

Hindi pa rin kumibo ang ilan habang hindi na napigilan ng iba ang pagbuhos ng luha nang sila'y palabas na mula sa pintuan. Si Hanna naman ay nagpaiwan pa ng council room upang ayusin ang mga ginamit sa meeting katulad ng kanyang nakagawian kahit na labag ito sa loob niya.

"Maayos na dinatnan. Ginamit. Iniwan na lang ng ganyan," pabulong ngunit nanggagalaiting sabi ni Hanna. Inuna niyang binura ang nakasulat sa blackboard at saka iniligpit ang eraser at ilang piraso ng chalk na naiwang nakapatong lamang sa mamuti-muti nang lamesa. Tahimik niyang inayos ang mga silya at nang masiguro nitong nakaalis na ang lahat ay nailabas na rin niya ang pagkainis na kanina pa niyang kinikimkim. Padabog niyang itinulak ang huling silya sa ilalim ng mesa at saka hinablot ang kanyang mga gamit, "Pare-pareho kasi kayong ineffective at irrelevant. Birds of the same feather nga naman."

Papalubog na ang araw nang makalabas na ito mula sa council room. Nagsiuwian na rin ang mga estudyante kaya't halos wala nang tao sa paligid maliban na lamang sa dalawang babaeng papalapit na kay Hanna bago pa man siya magsimulang humakbang.

"Ughh, not them again," nang mamukhaan niyang ang mga kaklaseng sina Jade at Cassandra ang mga ito ay lalo pa yatang nadagdagan ang kanyang pagkainis ngunit magaling niyang niyang binago at inayos ang hindi kaaya-ayang ekspresyon ng kanyang mukha.

"O-M-G! Something must have gone really, really wrong," salubong na reaksyon ni Cassandra.

"Oo nga girl. Ano bang nagyari sa loob?" usisa naman ni Jade.

Tila nabagsakan ng umaapoy na bulalakaw ang mukhang iniharap ni Hanna sa mga kausap, "Official na kasi yung listahan ng mga clubs na tatanggalin."

"That's super sad!" bulalas ni Cassandra na halatang labas lamang sa ilong ang sinabi.

Jade, on the otherhand, angrily squinted at her, "Ang arte-arte neto. OA?!"

"So what?" sagot naman ni Cassandra ngunit hindi ito pinansin ng kaibigan. Sa halip ay nagtanong siya kay Hanna.

Run & GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon