IV. Tropa

31 1 0
                                    

"Hanep, ang daming chicks!!" bulalas ni Jake nang makita ang kabuuan ng San Antonio Civic Centre.

Isang dumadagundong na hiyaw ng matitinis na boses ang sumalubong kina Samuel nang pasukin nila ang SACC kung saan kasalukuyang nagaganap ang isang basketball game na animo'y isang libreng concert ng isang sikat na boy band dahil sa dami ng mga babaeng nagtitilian mula sa kanilang upuan na kulang na lang ay sugurin na ang court para lang malapitan ang kanilang iniidolong manlalaro. Kung hindi lamang nainform ang mga magkakaibigan ay hindi nila aakalaing isa lamang palang practice game ang nagaganap sa pagitan ng SA Academy at ng Centennial High School Basketball team kaya nga't laking gulat nila sa kanilang nadatnan.

"Excuse me, padaan, excuse," habang naghahanap ng puwesto ang magkakaibigan ay bigla na lamang silang nagulantang nang muling naghiyawan ang mga manonood.

"SALVA! SALVA! SALVA!" ang malakas na sigaw ng mga tao na siyang gigiba yata sa halos limampung taon nang gusali.

"AJ LIN! AJ LIN! AJ LIN!" ang sagot naman ng kabilang panig na ayaw padaig.

"BIG TIME!!" sigaw naman ni Jake na halos hindi na rin marinig ang sarili. "TEKA? SINO SI AJ LIN!?"

Inilapit ni Joshua ang tenga kay Jake, "HA?"

"SI-NO SI AJ LIN??!!"

"EWAN KO!"

"PLAYER BA NATIN YUN??" tanong uli ni Jake.

"P-player ng Centennial. MVP. Yung number 17," sinubukan ni Kelvin na sagutin ang tanong ni Jake ngunit sa kasamaang palad ay walang naging laban ang tinig niya sa hindi magkandamayaw na mga manonood kaya naman walang nakarinig dito maliban na lamang kay Jin na katabi lamang ni Kelvin.

Ilang sandali pa ay napalitan ng kantiyawan at pagkadismaya ang kanina'y masiglang hiyawan nang matumba ang isa sa mga manlalaro ng Centennial High habang binabantayan niya si Jason. Pumito ang isa sa mga referee at sumenyas ng offensive foul laban sa manlalaro ng SA Academy na hindi naman ikinatuwa ng mga tagasuporta.

"BOO!!"

Dahil sa itinawag na violation, nagpasya ang coach ng SA Academy na pagpahingain muna si Jason sa huling tatlong minuto ng third quarter kung saan lamang ang Centennial High ng halos dalawampung puntos.

Nang bumalik si Jason sa simula ng fourth quarter ay para bang nag-iba ang aura nito habang lalo pang umigting ang hiyawan ng daan-daang manonood. Sunod-sunod ang puntos na nanggaling kay Jason ngunit hindi nagpatalo si AJ kaya naman nagmistulang isang pagtatanghal ang mga huling sandali ng laro kung saan tanging ang dalawa lamang ang bumida. Sa huling pito ng referee ay natapos ang laro sa score na 73-62 na panalo ng Centennial High.

Agad namang naghulasan palabas ang mga manonood habang tuloy-tuloy pa rin ang hiyawan. Dahil sa gitgitan at tulakan, hindi agad nakalabas ang grupo ni Samuel kaya naman pinahupa muna nila ang mga nagkakagulo.

Mula sa locker room ay humihingal na tumakbo si Allen patungo sa kanyang mga kasamahan na nakatayo sa gitna ng basketball court, "BADTRIP! Kahit kelan talaga buwaya!"

"Uyy Al!" tawag sa kanya ni Joshua ng makita ang kaibigan.

"BADTRIP Talaga! Nag-uniform pa ako. Magkakalat lang naman pala kayo mga gago!" masamang loob na sabi ni Jake kay Allen. "Buti pa yung Pretty Boy kahit maangas!"

"HA? Kaya nga kami natalo dahil sa buwayang yun!" tanggol ni Allen sa kanilang team. "Kung marunong lang siyang pumasa ng bola-"

"Anong ha? Pareho ba tayo ng pinanood o hindi?"

Run & Gunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن