Chapter 32

266 17 10
                                    

Chapter 32

Good Luck

***

"Ang buong 7th floor ay sa atin lamang," panimula ni Miss Idda nang mailapag na niya ang kaniyang dalang purse sa sofa'ng kulay berdeng nag-aabang sa amin pagbukas ng elevator. Berde ang bumalot sa buong palapag na ito na may tingkad ng asul. Napakarami ring makakapal na kurtinang may palawit na kulay ginto ang nakasalapak sa dingding. Salamin nga pala ang mga pader ng building na ito base na rin sa nakita ko kanina habang papalapag na kami sa lupa.

"Dadalhin din ng ilang mga helpers ang gamit natin dito so feel free to roam around, Ms. Guinto," nakangiti at masiglang sabi pa niya.

Naglibot-libot na rin siya kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Napunta ako sa isang hall na puro paintings ang nakadikit sa pader. Pero, hindi ko na 'yon pinansin dahil mas bumabagabag sa aking isipan ang pagpasok ni Pio kanina. Pero, siya nga ba talaga 'yon? Oo eh. Kilalang-kilala ko si Pio. Kahit anino niya alam na alam ko.

Napahimas-baba na lamang ako't umiiling-iling habang naglalakad nang marahan.

Imposible talaga kung gano'n. Taga-Taguig si Pio, sa pagkakaalam ko. Matagal ko na kasi siyang kilala kaya alam kong taga-Taguig siya. O baka, may mga bagay lang siyang hindi sinasabi sa akin? Pero ano 'yon?

Kung kasali siya rito, anong siyudad naman kaya ang kaniyang nirerepresenta?

Katulad kaya siya ni Iman na hindi naman taga-Taguig pero lumipat lang sa Taguig kaya nakasali sa training camp? Posible. Naaalala ko, naglaho na lang sila bigla. Huling kita ko sa kaniya ay noong nasa barter exchange ako. Lumipat yata sila? Pero bakit 'di niya sinabi sa akin? Anong sikreto ang mayro'n ka, Pio?

Isa ka bang Half na gaya ni Jens?

Isa ka bang Full Alabang?

Bigla na lamang may tumunog na tila nahulog na mga kubyertos sa aking utak at napahinto sa aking paglalakad. Namilog ang aking mata nang may isang alaala ang pumasok sa aking isipan. Unti-unti ko na ring naiiaangat ang aking mga palad upang itakip sa aking bibig.

Noong pumunta ako sa mini-bus nila, may isang ale ang lumapit sa akin. Kinuwento niya na nakita niya raw sina Pio na naglalakad habang bukas-palad nilang tinatapat ang kanilang kamay sa daan. At . . . may inilalabas daw iyong ilaw. Kung gano'n, posibleng isang Half o Full si Pio, kung totoo man 'yong sinabi ng ale.

Noon, 'di pa talaga ako nagpapaniwala sa kinukuwento niya hanggang sa makakita na ako ng mga totoong taong may mga kapangyarihan.

Kailangan ko siyang hanapin para makumpirma na siya nga ba talaga ang Pio na nakilala ko.

Naglakad muli ako paalis sa painting display rito at lumapit sa elevator. Pipindot na sana ako nang bigla akong tinawag ni Miss Idda kaya napalingon ako. May dala siyang platito ng cupcake.

"Aalis ka?"

"Ah—"

"Huwag. Delikado." Inilapag niya ang kaniyang platito sa pinakamalapit na mesang maliit. "Iyang sumbrero mong suot . . ."

Bigla kong hinawakan ang suot-suot kong baseball cap at tinanggal ito sa aking ulo.

"Ano po ang mayro'n dito?" pagtukoy ko sa simbolo na nakatatak sa sumbrero. Tinitigan ko pa ito baka may pumasok lamang sa aking isipan kung ano nga ba ito.

"It's an important symbol," mababa niyang pagkakasabi.

Nangunot sa taka ang aking noo. "Saan po?"

Umupo siya sa sofa at bumuntonghininga. "It was an important symbol. Pinasuot lang kita niyan kasi maraming media sa labas and I am hoping na makita nila ang simbolong iyan."

Let's RaceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu