Chapter 3

625 27 9
                                    

Chapter 3

Application

***

Dumiretso kami ni Pio sa munti nilang bus para i-print ang application form para maging trainee at maging Taguig representative.

Pagdating namin sa kanila, pumasok na kami sa loob ng bus. Maayos at malinis naman ang bahay nila Pio. Tinanggal din nila ang bawat upuan ng bus na ito at naglatag sila ng kutson sa gilid kung saan sila natutulog. Tatlong tao lang naman sila kaya maluwag na ang ganitong tirahan. Naabutan ko pa rin ang dalawa kong kapatid na masayang nakikipaglaro sa Papa ni Pio. Parehas silang kalbo. May mga maliliit na puting buhok nga lang ang kumakaway sa ulo ng Papa niya.

"Oh, nandito na pala ang future mag-asawa," komento ng Papa ni Pio kaya tila malalaglag ang eyeballs ko sa lupa dahil nagulat ako sa pagsalubong niya sa amin.

"Hoy, Papa!" natatawang sita ni Pio. "Hindi kami talo nitong si Nadine, brusko 'to. Babae rin ang hanap." Biglang inakbay ni Pio ang kanyang braso sa aking leeg.

Napapalunok na lang ako. Nakalukot ang aking mukha habang alinlangang tumatango.

"Ay, balita ko lumabas na ang information tungkol d'yan sa Camatayan Race na 'yan," sabi naman ng mama niya na nakasandal lang sa gilid at pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Opo, 'Ma. Ito oh." Inilabas ni Pio ang kanyang cellphone at ipinakita sa Mama niya. "Sa'n 'yong laptin?"

"Ito anak." Itinigil muna ng Papa ni Pio ang pakikipaglaro sa dalawa kong kapatid at iniabot niya ang laptin kay Pio.

Agad ding tinanggap ni Pio ang laptin at umupo kami sa sahig.

Makabagong teknolohiya ang laptin. Pinaghalong laptop at printer. Napakamahal din nito at kung iba-barter naman, siguro ilang gamit o mahal din na gamit ang ipapalit para makuha ang bagay na ito.

Laptop lang mayro'n sa 'kin sa bahay at uugod-ugod na iyon. Aabot ng halos dalawang oras bago umandar kaya hirap na hirap akong gamitin 'yon.

Mayaman naman daw talaga ang Pilipinas pati ang mga mamamayan nito noong 2500s pero nagbago ang ihip ng hangin at hindi na nakayanan ng bansa ang paglobo ng populasyon. Kaya, sunud-sunod na ang naging paghihirap ng Pilipinas at ng buong mundo.

Pinuntahan na ni Pio ang link na ibinigay sa maliit na papel at d-in-ownload ang application form. Lumabas ang printed form sa kabilang parte ng laptin.

Basic form lang ito. May instructions din sa baba kung paano ito i-send sa council. Magse-send din ako ng video kung bakit ko gustong mapasama at maging trainee para maging Taguig representative.

Nagpaalam na ako kina Pio at isinama ko na ang dalawa kong kapatid sa bahay namin.

***

"Ano 'yan, Din?" bungad sa akin ni Papa nang makita akong sinasagutan ang form dito sa pagiba naming mesa.

Pagdating ko rito sa bahay, nandito na muli sila. May dala-dalang pagkain. May mga ipinalit na namang gamit sina Mama at Papa para sa barter para makakuha ng pagkain. Hindi ko rin sila masisi kung gano'n. Walang-wala kami.

"Form po, 'Pa."

"Para saan naman 'yan?" Nilapitan niya ako at inilapag ang kanyang palad sa mesa katabi ng form na ito.

"Para po sa . . ."

"Baka 'yan 'yong tungkol sa Camatayan Race," sabi naman ni Mama habang buhat-buhat ang aking bunsong kapatid na si Tatty.

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon