Chapter 28

242 12 7
                                    

Chapter 28

After

***

Naimulat ko ang aking mga mata, malabo pa ito pero nadadama ng aking katawan na tila nakasampa ako sa isang katawan. Umaakyat-baba rin ang aking paningin at nakakarinig ako ng dalawang lalaking nag-uusap kasabay ng kanilang pagyapak sa lupa.

"Buti na lang nalagpasan natin 'yong obstacle kanina," sabi ng isang lalaki. Kilala ko rin ang boses na iyon at dahil bagong gising lang ako at wala pa sa wisyo, 'di ko mawari kung sino iyon.

"Akala ko magigising 'to. Muntik na rin akong tamaan ng higanteng kutsilyo na 'yon," sabi naman ng lalaki kung saan ako nakasampa.

Agad lang pumasok sa isip ko ang salitang "sampa". Tila umandar lahat ng aking makina at nabuhay lahat ng aking selyula. Buong-buo ang pagdilat ng aking mga mata at luminaw na rin iyon gaya ng isang lente ng kamera.

Nakapasan ako sa likod ni . . . ni Jens!

"AHHHH!" sigaw ko na nagpapitlag sa kaniya at sa kasama niyang si . . . Iman? Magkasama ang dalawa?

Ginalaw-galaw ko ang sarili ko upang matanggal niya ako sa kaniyang likuran. Nakakahiya naman ito! Sa harap pa ni Iman! Baka kung ano ang isipin niya.

Dahil na rin sa kakulitan ko habang binabawa ako ni Jens, tuluyan na niya talaga akong binitawan. Bumagsak ang aking likod sa lupa. Hindi naman ito kumirot nang bonggang-bongga pero napangiwi ako dahil dito at napatagilid.

"Kulit mo kasi, Nadz, 'ayan tuloy," hagikhik-sabi ni Iman.

Nirolyo ko na lamang ang aking mga mata saka pinilit na pinatayo ang aking katawan.

"Sumandal ka na lang muna d'yan sa dingding kung ayaw mong pumasan sa likod ko," tukoy ni Jens na tila may panghihinayang sa kaniyang boses.

Sinunod ko na lang siya. Inaangat-angat ko ang aking puwet sa lupa para makausog papalapit sa pader ng maze. Nang makasandal na ako, nadama ko ang magaspang na texture ng sementong medyo tumusok sa aking likuran.

"Muntik ka na kanina, Nadz," ani Iman habang umuupo sa lupa. Kapansin-pansin din na dalawang shoulder bag ang dala niya kaya nilingon ko ang aking balikat dahil wala na ang akin.

Bahagya siyang natawa dahil sa reaksyon. "Iyo itong isa."

"Bakit nasa sa iyo?"

"Alangan namang ipasan ka pa ni Jens na may dala-dalang gamit. Mas lalong mabigat. Alam mo ba—" lumapit nang kaunti si Iman sa akin "—para ka raw oso, napakabigat!"

May kumawalang kumukulong hangin galing sa aking ilong at tumingala ako kay Jens na nakahalukipkip. Parang narinig niya rin ang sinabi ni Iman.

"Hoy, Ermino Demonyo—"

Pinutol niya ako.

"Hoy ka rin, Binibining Gold! Muntik ka na kayang mamatay kanina. Alangan namang iwan ka na lang namin do'n? Pasalamat ka nga pinasan pa kita kasi kung hindi, baka wala ka na rito."

Inirapan ko na lamang siya ng tingin. Pero saglit din akong natauhan dahil may biglang pumasok na alaala sa aking isipan. Pabagsak na ako kanina kaya nanlalabo na ang aking paningin pero may isang lalaki ang dumating para lamunin 'yong lalaking pumatay roon sa babae pabalik sa lupa.

Natutop ko ang aking bibig. Bali tama nga ako. Tama ang hula ko bago sakupin ng dilim ang aking paningin. Si Jens nga ang sumagip sa akin.

Marahan pang umangat ang aking palad saka siya tinuro. Kitang-kita ang pagngatog ng aking daliri.

Let's RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon