Chapter 5

12 1 0
                                    

I love you too

Mahigpit ang hawak ko sa medicine kit na dala ko. Palingon lingon pa ako para siguraduhin na hindi ako nasundan ni Megan dahil siguradong tambak na tanong nanaman ang maririnig ko sa kaniya.

Ipinatawag muli ang mga magulang ni Leo at ang kaaway niyang si Vincent. Medyo malala daw kasi ang naging away ng dalawa dahil marami silang iniwang damage sa cafeteria ng junior high.

Kaunti lang ang pasang natamo ni Leo kumpara kay Vincent na halos mabali na ang kaliwang kamay dahil sa ginawa ni Leo.

Inabot ko kay Astrid ang medicine kit na dala ko. "Thank you, Sanya"

Pinagmasdan ko kung paano niya alagaan si Leo. Kung paano niya gamutin ang mga sugat na sa mukha ng binata dahil sa nangyari kanina. Halos mag kalapit narin ang mukha ng dalawa dahil tutok na tutok si Astrid sa pag gagamot.

Kumurap ako ng dalawang beses ng mapansin kong nakatingin sa akin si Leo. Dahil sa hindi malamang dahilan ay lumabas ako ng classroom nila at mabilis na naglakad pabalik sa department namin.

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang pinaghalong awa at inis habang tinititigan ko silang dalawa kanina. May alam naman ako sa pag gagamot kahit konti no, ayaw ko lang itry kay Leo kaya mas mabuting si Astrid nalang ang gumawa.

"Hay nako ang daming damage sa cafeteria. Ginawan mo naba ng paraan, Sanya?" Tanong ni Aryana.

Umiling ako sa kaniya at pabagsak na umupo. Hindi ko alam kung bakit parang tinamad ako bigla. Parang hindi ako makagalaw at gustong umupo nalang mag hapon.

"Iyang Leo talaga palagi ang gumagawa ng gulo dito sa campus," dagdag pa ni Aryana.

"Nako tumpak ka diyan girl!" Dagdag naman ni Megan na ngayon ay abala sa pagpapahid ng foundation.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa itsura ng babaeng ito. Para siyang patay na ready ng humiga sa kabaong dahil sa puti ng mukha.

"Dapat expelled ang parusa sa kaniya," dagdag naman ni Clark sa usapan.

"Malabong mangyari 'yan," dagdag rin ni Dulce.

"Bakit naman?" Tanong ni Megan.

Bakit ngaba? At napansin ko lang, sa dami ng gulo na ginawa ni Leo ay bakit nandito parin siya? Diba dapat matagal na siyang wala dito dahil puro gulo lang naman ang dala niya sa eskwelahang ito? Ang LCA University ang isa sa mga sikat na eskwelahan dito sa pilipinas, at mahigpit din ito sa mga ganiyang bagay. Ito yung tanong na gusto kong masagot.

"Ang alam ko kasi ay matalino si Leo lalong-lalo na sa mathematics, kaya siguro hindi siya ma let go let go ng campus kasi siya palagi nagpapanalo ng school natin."

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagsasalita si Dulce. So matalino din pala si Leo kahit papano. Ang akala ko ay matalino lang siya sa mga gulo.

"Sanya, ano tara mall tayo?"

Inirapan ko lang si Megan habang nililigpit ang mga gamit ko. Maaga ang labas namin ngayon dahil may meeting daw si Ms. Valeria. 2 pm palang kaya napag pasyahan ko nalang na diligan ang garden namin. Medyo matagal tagal narin kasi akong hindi nakadalaw doon at tanging si dulce at iba pa naming ka klase ang nagdidilig sa mga halaman.

Iniwan ko si Megan sa classroom dahil busy nanaman siya sa pakikipag chismis sa mga maaarte naming kaklase. Doon nalang ako tatambay, tutal may upuan naman doon na ipinagawa ko kina clark at Mark para tambayan.

"Kamusta na kayo mga bulaklak? Uhaw naba kayo? Teka kukuha lang ako ng tubig."

Inilapag ko ang bag ko sa upuan para sana kukuha ng tubig ngunit hindi pa ako nakaka alis sa kinatatayuan ko ay nakalagay na ang isang balde ng tubig sa ilalaim ng upuan.

Saan kaya galing ito? Ang alam ko ay hindi nag iiwan ng balde ng tubig sina Dulce kapag bibisita sila dito.

"Sino kaya ang nag lagay nito?"

"Baka multo."

Nagulat ako ng may sumagot sa tanong ko. Who the hell is it? Nilingon ko ang paligid pero wala namang tao.

"Hay nako, baka guni guni ko lang 'to," I said.

"Baka nga."

Omg! May nag sasalita nga talaga. Nararamdaman kong malapit lang ito sa akin kaya medyo natakot ako. Dahan dahan kong kinuha ang balde para sana makapag dilig na ako at makaalis na. Ngunit napa aray ako ng may tumamang matigas na bagay sa bumbunan ko.

Lintik na yan!

"Tangina!"

Maya maya lang ay may humagalpak sa gilid ko. Parang hindi ko kayang idilat ang mga mata ko para tingnan kung sino o ano iyon dahil sa sakit.

"Nasaktan ka ba?" Tanong ng kung sino sabay himas sa ulo ko.

"Gago ka ba? Nakita mo ng hindi na nga maka dilat yung tao mag tatanong ka pa!" Galit kong sabi.

"Bakit ka kasi nandito?"

Galit akong napa angat ng tingin dahil sa tanong na iyon. Gago pala ito eh! Ako yung namumuno sa garden na ito tapos parang ako pa yung outsider?

Kaya naman pala! Sigurado akong sinadya niya akong batuhin ng matigas niyang sapatos para makaganti sa akin. Ganito naman palagi ang isang Leogail Andrade eh!

"Ako dapat ang mag tanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo dito? Ang alam ko ay banned kana dito sa Junior High dahil ang dami ng iniwan mong damage dito sa department namin."

"And so? Kahit kailan ay hindi ako na banned sa school na ito. At hinding-hindi mangyayari yun."

Wow! What an arrogant person!

"Ang tigas naman ng mukha mo! Hindi porket malakas ka sa mathematics at ikaw palagi ang pambato ng campus ay hindi kana pwedeng ma ban," irita kong sabi.

Hay nako! Tumataas ang altapresyon ko sa lalaking ito. Ang sakit sakit pa ng bumbunan ko, ni hindi manlang nakuhang mag sorry.

"Sanya, Sanya, puro dada."

Kanta niya habang pinupulot ang makinang niyang sapatos.

"Maganda ka sana kaya lang ang ingay ng bunga-nga mo, hindi ka bagay maging asawa ko."

Ew, anong sinasabi nito. Kahit minsan ay hindi ko pinangarap na maging asawa ng mokong na ito. Mataas ang standards ko pagdating sa mga ganito. Kadiri!

"Tangina mo!"

"I love you too."

Natigilan ako dahil sa huling sinabi niya bago niya ako talikuran. Alam kong nag bibiro lang siya pero bakit parang ang laki ng epekto ng katagang iyon sa puso't isip ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sense Of Taste Love (2022-2023 Project)Where stories live. Discover now