Chapter 1

10 2 0
                                    

Genesis 2/22/22

I am the president of Junior. My duty is to sustain cleanliness of our department and to teach them the good behavior.

Maganda ang gising ko kung kaya't hindi ko hahayaan na sirain ito ng kung sino. Simula kaninang umaga ay abala na kami sa pag aayos ng garden dito malapit sa department ng mga senior. Ms Valeria consider this as a project of Junior para daw ipakita ang respeto namin sa mga seniors.

"President saan ko po ilalagay 'to?" Itinaas ni Dulce ang hawak niyang bulaklak.

"Siguro mas maganda yan ilagay dito," Turo ko sa bakanteng lupa na napapalibutan ng mga sun flower.

Sumang ayon naman kaagad si Dulce sa sinabi ko. Konti nalang at matatapos na namin ang little garden. Ang sabi ni Ms. Valeria ay gagamitin daw nila ito as a background para sa video making ng mga seniors.

"Aray!"

Nang lumingon ako ay kaagad nanlaki ang mga mata ko dahil nag kakagulo ang mga kasamahan ko. And I saw a two men fighting near in our garden. Bago ako makalapit sa kanila ay nasira na ang ibang bahagi ng garden. Inapakan din nila ang mga bulaklak na kalalagay lang namin!

Hindi ko sila maaaring awatin dahil nakita kong may hawak na maliit na kutsilyo ang isang lalaki. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tumawag sa principal office.

"Good afternoon this is Sanya De Oliveira president of Junior. May nangyayaring gulo dito sa ginagawa naming project, sigurado akong seniors ang mga sangkot sa rambol,"

"On my way president"

Pagkababa ko ng phone ay nagulat ako ng bumagsak sa harap ko ang lalakeng may hawak na maliit na kutsilyo. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil nakatingin na pala sakin yung isang lalaki.

"Bakit ka nag sumbong?" Galit niyang tanong.

Kinabahan ako ng mamula ang mga mata niya dahil sa galit. Natatakot ako baka bugbugin niya rin ako kagaya ng ginawa niya dito sa lalaking nakahandusay na sa lupa at wala ng malay. Dahan dahan akong umatras ngunit isang hakbang ko paurong ay dumikit na ang likod ko sa malaking puno dahilan para ma corner niya ako.

Diretso akong nakatitig sa mga mata niya. Nakikita ko rin ang pinag halong galit at lungkot. Napakuyom ang dalawa kong kamao ng ilapit niya sakin ang mukha niya.

"Anong karapatan mo para mag sumbong?" He ask.

"D-dahil..."

"Mr. Andrade follow me!" Biglang sigaw ni Ms. Valeria.

"Kapag nalaman 'to ng mga magulang ko lagot ka sakin,"

Nakahinga lang ako ng maluwag ng umalis na siya para sumunod kay Ms. Valeria. So ano kasalanan ko pa kapag nalaman ng mga magulang niya yung pinag gagagawa niya dito sa campus? Mali ba na mag tawag ako ng teacher dahil concerned lang naman ako sa ibang students at baka may madamay pa.

"President prepare yourself,"

Nakangiting bulong sakin ng lalaki na sa pagkakaalam ko sangkot din ito kanina sa gulo.

"Ms. President ano ng gagawin natin?"

Halos walang natira sa garden namin. Pati bulaklak sira sira na dahil sa pag apak ng mga walang hiya kanina. Paano namin sisimulan ulit ito eh bukas na daw ito gagamitin ng mga seniors.

"I'm sorry Ms. De Oliviera but you need to remake your project,"

Paano ko pagkakasyahin ang oras ko? 3 pm na at kailangan makauwi ako ng 4 pm dahil ayokong ma sermonan nanaman ni mama.

Dibale maliit lang naman ang garden na 'yon kailangan ko lang doblehin ang lakas ko. At wala narin namang may tutulong sa'kin dahil ang alam ko nakauwi na ang iba kong kasamahan after ng rambol kanina.

"Don't worry Mr. Andrade and his friends are willing to help,"

Napatulala ako sa sinabi ni Ms. Valeria na Mr. Andrade and his friends. Sigurado akong may gagawin silang masama dahil galit sa'kin ang Andrade na iyon dahil sa nag sumbong ako kanina.

"Ah Ms. Valeria pwede ko bang malaman kung anong pangalan ni Mr. Andrade?"

Alam kong sikat na sikat siya dito sa campus dahil nga sangkot palagi sa gulo. Pero hindi ko siya kilala ni pangalan niya nga hindi ko alam.

"He is Leogail,"

"Ah last nalang po, nalaman po ba ng mga magulang niya yung nangyari kanina?"

Hope no!

"Yes,"

For real? Anong gagawin ko? bigla rin pumasok sa isip ko ang sinabi ng kaibigan niya na Prepare yourself Ms. President.

Naayos ko na ang lupang paglalagyan ko ng mga bulaklak. Pati ang bakod naayos ko na rin at ang gagawin ko nalang ay ang pagtatanim ng mga bulaklak. May mga kasama nga ako nandito naman nakatihaya sa bench. Kahit pag walis nga hindi pa nila magawa.

Hays mga lalaki talaga.

"Boss tuloy ba ang plano?"

Napahinto ako sa pagtatanim ng marinig ko ang sabi ng isang lalaki. So may masamang balak nga sila sa akin. Kailangan makaalis na ako dito bago pa matuloy ang plano nila.

"May mga plano ba akong hindi natutuloy, Domino?"

Kahit nakatalikod ako sa kanila ay ramdam na ramdam ko ang mga titig na tumatagos sa katawan ko. Nang matapos ako sa pagtatanim ay kinuha ko ang balde na may lamang tubig na ipang didilig sa halaman ng may humawak sa braso ko. Malakas ko itong hinampas ng tabo dahilan para mapa aray si Leo.

"Aray!"

"Boss!"

"Ley!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong namumula ang kamay niya. Tatakbo na sana ako ng pigilan ako ng kaibigan niya.

"Ano pagkatapos mo akong hampasin ng tabo tatakbo ka? Domino dalhin na yan,"

Hinila ako ng lalaki papunta sa department ng seniors. Pinilit kong pumiglas ngunit malakas ang pagkakahawak sakin ng lalaki na ang pangalan ay Domino.

Mas lalo akong nahirapan ng hawakan ako ng isa pang lalaki sa kaliwang braso.

"Ano ba nasasaktan ako!" Sigaw ko.

"You deserve it, Eian, Domino let her go,"

Nang magwagi na sila sa pagdukot sa akin ay malakas akong itinulak 'nong isang lalaki na ang pangalan ay Eian. Napa aray ako ng tumama ang balikat ko sa matigas na pader dito sa loob ng CR?!

Dinala nila ako sa cr? Anong ibig sabihin nito? anong balak nila sa akin? Pinagkrus ko ang mga braso ko dahil ito ang nakikita ko sa mga palabas kapag balak silang pagsamantalahan.

"Tsk stop doing that, Hindi ako interesado sa katawan mong buto-buto,"

Susuntukin ko na sana siya ng pigilan ako ni Domino. "Ang kapal naman ng mukha mo. Alam mo ba ang tawag dito sexy, korean body gago kaba?"

"Tsk hindi ako na aattract sa mga payat kaya itigil mo 'yang imahinasyon mo," Ngumisi ito ng nakakaasar.

"Anong akala mo interesado din ako sa'yo? In your dreams, anong nakaka attract sa lalaking basag ulo?"

"Ang dami mong dada. Eian lock mo na yan,"

Naguluhan ako ng muli nila akong itulak papasok sa cr. Pagkatapos ay isinara nila ang pinto. "Hoy anong ginagawa niyo? Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ako.

"Goodbye Ms. President see you tomorrow,"

Rinig na rinig ko ang mga yapak nila na paalis na ang mga gunggong. So ito pala ang plano nila? na ikulong ako dito sa cr. Makalalabas parin ako dito dahil 4 pm palang naman nandito pa ang guard.

Humanda ka sa akin Leogail kapag nakalabas ako dito. I will give you a powerful punch in your stomach. I am the President, hindi ko hahayaan na gawin mo sa akin 'to.

Sense Of Taste Love (2022-2023 Project)Where stories live. Discover now