Chapter 3

5 2 0
                                    

Harang

Sinabi ko kay Megan ang nangyari kanina bago ako nag tungo dito sa lugar kung saan kami palaging tumatambay.

"Seriously ginawa niya yon?"

Marahan akong tumango. Kagaya ng reaction ni Megan ay hindi rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Ang sabi ng ibang students sa junior ay masama daw talaga ang ugali ni Leo at wala din itong puso.

"Baka nakonsyensya na sa ginawa niya kaya ka niya inabutan ng hot compress."

Pero ang kilalang Leogail Andrade ay hindi nakokonsyenya sabi nila. Kaya imposibleng nagsisi siya sa ginawa niya sakin o may bagong balak nanaman.

"Basta layuan mo nalang siya."

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Megan. Wala na kaming class kaya napag pasyahan naming umuwi nalang. Pinauna ko nalang si Megan dahil dadaan pa ako ng mall para bumili ng mga gamit para sa projects namin sa science.

Alas sais na at medyo madilim na. Tinext ko na rin si mama kanina na malelate ako ng uwi para hindi naman siya mag alala.

Naglalakad ako ngayon sa kalsada habang nag hahanap ng masasakyan ng may marinig akong igikan sa madilim na parte ng kalsadang dinadaanan ko.

Biglang kumabog ang puso ko habang inililibot ang tingin. Kaagad kong in-on ang flashlight ng cellphone ko para makita kung anong meron sa madilim na parte ng eskinita sa harap ng kinatatayuan ko ngayon.

"Ang angas mo!"

Nakita kong sinuntok ng isa ang lalaking nakahandusay na ngayon sa lupa. Malapit na ako sa kanila ngunit madilim parin kung kaya't hindi ko makita ang mga itsura nila.

Napalunok ako ng biglang tinadyakan ng lalaking nakahandusay sa sahig ang lalaking sumuntok sa kaniya. Mabilis itong tumayo at muling tinadyakan sa tyan ang kaaway niya.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nandito. Parang may nag udyok sa akin na humakbang papalapit dito at alamin kung sino ang taong sobrang pamilyar sa akin lalong lalo na ang amoy nito.

"Pare may tao halika na!" Sigaw nung isa ng makita niya akong nakatingin sa kanila.

Tumingin sa akin ang lalaki at mabilis itong tumakbo palayo.

"Ano ha? takbo ka pala eh!" Sigaw nung isa na pamilyar din sa akin ang boses.

Hahakbang na sana ako paatras ng harapin ako ni Eian?!!! teka bakit nandito siya? Kaagad akong kinabahan. Tatalikod na sana ako ngunit nakabantay na rin pala si Domino sa likod ko!

Wtf?

"Anong ginagawa mo dito?"

Kaagad akong napaharap sa lalaking nagsalita. Hindi ako nagkamali kilala ko nga ang lalaking ito!

"Gabi na pero nandito kapa. Ganyan ba ang gawain ng isang babae?"

Ngayon ko lang napansin na nakapalibot na pala silang tatlo sa akin. Kailangan kong makapag-isip kung paano ko sila matatakasan.

"N-napadaan l-lang ako..." Halos bulong kong sabi.

Sa nakita ko kanina ay ginapangan ako ng kaba. Para siyang halimaw kung makipag away. Tama nga si Megan dapat kong layuan ang lalaking ito.

"Uuwi na ako."

Akmang aalis na ako ng harangan ako ni Leo dahilan upang mabunggo ang mukha ko sa dibdib niya. Bukas ang butones ng uniform niya kung kaya't ramdam ko ang pawis na namuo sa kaniyang dibdib nung nakipag away siya kanina.

"Hindi ka pwedeng umuwi mag isa." Biglang sabi niya.

"At bakit?"

Is he concerned to me? o baka may masama silang plano sa akin? omg this can't be. This can't happen!

"Uuwi na ako."

"Hindi nga pwede." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko.

Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil bigla akong ginapangan ng takot.

Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Hindi ka pwedeng umuwi mag isa. Nakita ka ni Benjamin siguradong inaabangan ka na nila."

Mas biglang dumoble ang takot ko. Ano ba itong pinasok ko? mapapahamak ako sa sarili kong katangahan!

"But if you don't want me to take you home it's okay, I don't mind." Pagkasabi niya ay tinalikuran na niya ako.

Dahil baka ano pang mangyari sa akin ay kaagad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Sa totoo lang nanginginig na ang mga tuhod ko at nararamdaman ko na rin ang mabilis kong paghinga. Natatakot ako, what if tama ang sinabi niya? nakita nga nung kaaway niya yung mukha ko at sigurado akong aabangan ako ng mga 'yon.

"O-okay, j-just take me h-home."

Makapal na kung makapal ang mukha ko. Basta ang iniisip ko ay safety first.

Hindi na namin kailangan mag lakad dahil nasa harap lang naman namin ang naka park na sasakyan. Wow kahit madilim ay kitang kita ko ang Ford sa unahan ng sasakyan. Naalala kong gustong gusto bumili ni kuya Rafael ng Ford Raptor pero imbes na ibili niya ng sasakyan ay iginastos nalang niya sa kasal nila ni ate Marina.

"Na amaze ka ba sa sasakyan ko?"

Yabang! sabi ng isip ko. Hindi ko siya pinansin.

"Mino sa likod ka."

"Pero diba-" Hindi na natapos ni Domino ang sinasabi niya dahil matalim siyang tinitigan ni Leo.

"O-okay, okay." Natatawa niyang sabi at kaagad na pumasok sa likod ganon din si Eian.

"O ano magpapaiwan kaba?"

Hindi man lang niya ba ako pagbubuksan ng pinto? okay sino ba naman ako diba. Sabay kaming pumasok sa front seat.

Mahigpit na mahigpit ang kapit ko sa paper bag na dala ko. Ang inaakala ko ay ililigaw nila ako kaya niready ko ang paper spray na halos mag tatatlong buwan na sa bag ko.

Bukod sa pamilya at kaibigan ko ay wala na akong ibang pinagkakatiwalaan. Ngunit ito ang unang beses na nagtiwala ako sa taong hindi ko kilala. Hindi ko ka close. At hindi maganda ang unang pagkikita namin.

Nagtiwala ako kay Leo.

"Babae ka dapat hindi ka nag papa-gabi nang uwi."

Sabi niya ng huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Bababa na sana ako ng may makalimutan ako.

"S-salamat."

Pagkasabi ko 'non at kaagad na akong bumaba at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Sumandal ako sa gate dahil hindi ko kinakaya ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Normal lang naman 'to dahil sa doubt ko sa kanila kanina pa. Pero safe niya akong inuwi. Walang bahid walang kulang.

Sumilip ako sa maliit na butas at nakita kong umalis na ang sasakyan ni Leo.

"Anong sinisilip mo dyan anak?"

Napabalikwas ako ng marinig ko si mama. I smiled at her para hindi niya mapansin na parang may mali sa akin.

"Ah wala po, yung ano kasi ma..."

"Yung alin?"

"W-wala po."

Pagkasabi ko ay hinigit ko na si mama papasok sa loob. I really can't explain what I'm feeling right now.

Is it still foreboding, fear? kasi hanggang ngayon mabilis parin ang tibok ng puso ko. Kahit na mapayapa akong nakahiga ngayon sa kama ay hindi ko parin maintindihan kung bakit hinahabol ko parin ang hininga ko.

Sense Of Taste Love (2022-2023 Project)Where stories live. Discover now