Prologue

35 4 0
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction, names, characters, business, places, events or incidents are either the product of the authors imaginations or used in a fictious manners. Any recemblance to actual person living or dead is purely coincidental.


-

"So anong plano mo?"

Tanong sa akin ni Megan. Nandito kami ngayon sa coffee shop na pag mamay-ari ng kuya Manolo niya. Wala na kaming class ngayon kaya dito namin naisipang tumambay.

"Hindi ko pa nga alam eh,"

"Baliw kaba dapat pinag iisipan mo na yan habang maaga pa,"

Nilibang ko ang mga paningin ko sa labas para makapag isip. Halos kanina pa ako kinukulit ni Megan tungkol sa birthday ko, eh wala nga akong maisip.

Ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ako mag kakaroon ng boyfriend. Gusto ko na kasi mahanap ang true love ko para sabay namin abutin ang mga pangarap namin. Naiingit kasi ako sa relasyon nila kuya Rafael at ang girlfriend nitong si ate Marina. Na kwento sa akin ni kuya kung paano nag simula ang love story nila. 15 years old palang daw si kuya ng ligawan niya si ate marina. At ngayon ay kasal na ang dalawa.

Nakakainggit lang na yung una mong naging kasintahan ay siyang magiging asawa mo. Gusto ko rin ng ganyang love story. Pero alam ko na ang tadhana ang gagawa 'non para sa'kin.

"Meg ano kaya sa feeling na mainlove?" Biglang tanong ko.

"Aba syempre masaya,"

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay pinag lalaruan ang cake na kinakain niya.

"Teka paano mo naman nasabi na masaya? nainlove kana ba?"

Bigla siyang namula dahil sa tanong ko. Teka bakit namumula siya? ang ibig sabihin ba nito ay naranasan na nga niyang mainlove?

"Basta ito lang ang masasabi ko sayo Sanya. Huwag mong hanapin ang true love mo dahil kusa itong lalapit sayo,"

Bakit parang kakaiba ang pagkakasabi niya? bigla akong kinilabutan dahil sa mga ngiti niya.

"Hoy Sanya anong nangyari sayo?"

I shooked. "W-wala,"

"Wala ka bang balak na umuwi?"

Kaagad akong napatingin sa relo ko. Patay! 6 pm na siguradong malalagot nanaman ako nito kay mama. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko.

"Walang hiya ka Megan bakit hindi mo sinabi sa akin na 6 pm na pala," Taranta kong sabi.

"Eh ikaw kasi ang dami mong chismis eh alam mo naman ako,"

"Oh sige na uuwi na ako," Pag kasabi ko ay kaagad na akong tumakbo palabas ng coffee shop. Narinig ko pa na sumigaw si Megan ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Habang nag lalakad lakad ako para mag hanap ng taxi ay bigla kaming nag kabungguan ng lalaki.

Hihingi pa sana ako ng tawad sa lalaki ngunit may humintong sasakyan sa harap ko. Nako lagot! kotse ito ni kuya Rafael!

"Ano pang hinihintay mo? sakay na,"

Ramdam ko ang galit sa boses niya. Sigurado akong doble sermon ang aabutin ko sa bahay pag kauwi ko.

"Alam mo ba kong anong oras na?" Biglang tanong ni Kuya habang ang mga paningin ay nasa kalsada.

"Sorry kuya," I signed.

"Tinatanong kita Sanya,"

"6 pm po,"

Hindi naman na siya nag salita pa hanggang sa makarating kami ng bahay.

"Saan ka nanggaling at sino ang kasama mo?" Bungad sakin ni mama pagkapasok ko.

Madiin akong pumikit bago mag salita "Ma sorry, nanggaling po ako sa coffee shop ni kuya Manolo kasama ko rin po si Megan,"

Sa totoo lang natatakot ako kay mama kapag galit siya. Para siyang tigre kapag sinesermonan niya ako. Alam ko naman na may kasalanan ako dahil hindi manlang ako nag text sa kaniya kung malelate ba ako ng uwi, syempre mag alala 'yon ng sobra.

Matapos kaming mag usap ni mama ay dumiretso na ako sa kwarto ko pero bago 'yon ay kinausap muna ako ni kuya na dapat mag update ako sa kanila ni mama kung saan man ako mag punta. Para no more arguments.

"Hays wala man lang may nanliligaw sa akin,"

"Basta ito lang ang masasabi ko sayo Sanya. Huwag mong hanapin ang true love mo dahil kusa itong lalapit sayo,"

Tama naman siguro ang sinabi ni Megan. Hindi ako makatulog kung kaya't umupo ako sa study table at kinuha ang isang notebook na hindi ko na ginagamit.

Alam ko na! dito ko nalang isusulat lahat kung anong ideal man ko. What a brilliant kid!

Bago ako mag simula ay isinulat ko muna ang pangalan ko.

Sanya De Oliveira's Ideal man

Ang gusto ko sa lalaki ay yung matangkad kaya ang una kong isinulat ay ang Tall.

Tapos gusto ko ay yung matalino, mabait, at humble.

Tapos gusto ko yung shy type.

Ayoko sa lalaking matapang o matakaw sa gulo, ayoko rin ng only child dahil sigurado akong spoiled brat yon.

At higit sa lahat ayoko ng babaero, may bisyo, walang respeto, at mayabang!

Iyan lang naman ang mga ayaw at gusto ko sa lalaki. Pero hindi ko naman sinabi na gusto ko yung perfect guy na as in perfect pati sa lahat. Basta ang importante ay mamahalin ako at itatrato ng tama na parang prinsesa.

Sana bukas pag gising ko makita ko na ang taong para sa akin. Ang taong ipapakilala ko sa buong angkan namin, at ang taong gusto kong maisayaw sa debut ko at higit sa lahat ang taong pakakasalan ko.

Hihiga na sana ako ng mapansin kong parang may nag iba sa bag ko. Kaagad ko itong inabot para tignan ang isang maliit na bagay na nakasabit sa zipper ng bag ko. Sigurado akong hindi ito akin, kanino naman kaya galing ito? halatang nasabit lang yata. Para itong maliit na lucky charm. Dahan dahan ko itong kinuha sa pagkakakabit sa zipper ng bag ko at tinignan ng maigi.

Nakahiga na ako ngayon habang pinag mamasdan parin ang maliit na bagay na ito. Iniisip ko parin kung saan galing 'to. Hanggang sa pumikit ako at makatulog ay hawak ko parin ang bagay na siyang dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Sense Of Taste Love (2022-2023 Project)Where stories live. Discover now